Agrikultura Aralin 4 �
“INTERCROPPING” NG HALAMANG ORNAMENTAL SA HALAMANG GULAY
1.Ang intercropping ay paraan ng pagtatanim ng halamang ornamental na maaring __.
a. isama ang mga halamang gulay
b. ihiwalay ang mga gulay sa mga halamang pampalamuti
c. itabi sa isang sulok ang mga halamang naiiba
d. paghihiwalay ng mga halamang may iba’t ibang katangian
2.Alin sa sumusunod na halaman ang maaring pagsamahin?
a. mga puno at herbs
b. mga gumagapang at mga puno
c. mga herbs at gumagapang
d. mga herbs at namumulaklak
V. PAMAMARAAN
INTERCROPPING
INTERCROPPING
Ang pagtatanim ng pinagsamang halamang ornamental at halamang gulay ay kasiya-siyang gawain dahil bukod sa nagbibigay ganda sa bakuran ay may makukuha ka pang sariwang gulay na makakain.
Hindi mahirap magsagawa ng ganitong gawain dahil kahit sa mga paso lamang na nakaayos ay hindi mapahuhuli sa kaakit-akit na kaayusan
Mas nakakasiyang makita na ang halamang ornamental ay may kasamang halamang gulay dahil bukod na may masisilayan kang magandang tanawin ay may makukuha ka pang mga sariwang gulay sa landscape garden na ginawa sa harap o likod ng inyong bahay.
Sabagay sa pagkakaroon ng vegetable landscaping ay nangangailangan ng maingat na pangangalaga ngunit sulit naman dahil hindi naman mahirap magpatubo ng mga halamang gulay. Kailangan lamang ng sapat na lugar, sikat ng araw, at oras na dapat gugulin sa pag-aalaga dito. Maaari ring maglagay ng balag upang pagapangin ang mga ampalaya, sitaw, yellowbell o dama de noche kung ang lugar ay maliit lamang.
Mga katanungan: (Survey questions)
1.Anu-anong halamang gulay ang maaaring isama sa tanim na halamang ornamental?
Sagot:
-mas mainam ipagsama ang mga halamang may iba’t ibang taas o laki
Hal. sa isang vegetable landscape yaong nasa
-pinaka-ibaba ay mga iba’t ibang kulay ng letsugas at mayana,
-bandang gitna ay mga okra o talong at camia o San Francisco
-sa itaas ay malunggay at katuray, euphorbia, at ilang-ilang
2.Sa mga halamang ornamental na namumulaklak, maaari bang isama sa taniman ang halamang gulay na namumunga?
opo, maaaring isama ang mga namumulaklak sa mga namumungang halaman
3.Sa paanong paraan maaaring gawin kapag ang isasamang halamang gulay ay madaling maani sa tamang panahon?
-yaong mga letsugas kahit madali ang kaniyang panahon ng pag-aani ay maaaring unti-untiin lamang sa pamamagitan ng pagkuha ng mga dahon na maaari nang anihin hanggang sa maging magulang na ito.
Ang pagbabago sa kalakaran sa pagpapatubo ng halamang gulay na kasama sa halamang ornamental ay isang kaaya-ayang gawain. Maraming makukuha kapag may tanim kang namumulaklak na halamang ornamental at mga madadahong gulay.
-Sa pagtatanim ng mga ganitong halaman ay mabibigyan ka ng kasiyahan at sariwang gulay. Karaniwan na itinatanim ay mga herbs taglay ang ganda ng tanim, ang sukat nito ay di gaanong matataas at ang lugar ay maaari kahit sa maliit na espasyo sa bakuran
Sa paggawa ng vegetable landscape ay payak at madaling maisasaayos, nakadaragdag pa ito sa gamit sa kusina na kung saan madali na ito makukuha.
Isulat sa puwang kung anong uri ng halaman ang sumusunod.Ipasulat kung gulay o ornamental.
1.Kamatis ______________
2.Pechay ______________
3.Gumamela ______________
4.Santan ______________
5.Talong ______________