Aralin 15
IBA’T IBANG MATERYALES NA MATATAGPUAN SA PAMAYANAN
Maria Ruby De Vera Cas
Pasong Buaya II E/S
Imus City, Cavite
Layunin
Nakikilala ang mga materyales na maaaring i-recycle sa pagbuo ng naidesenyong proyekto
Alamin Natin
Awitin ang rap na nasa ibaba:
Yo, yes yes yo!
Tingin dito, tingin doon,
Sa paligid nating bigay ng Poon
Maraming bagay na mayroon
Sa proyektong naiisip
Materyales na tugon
Niyog, buri, dahon at kawayan
Abaka, damo, kahoy at talahib man
Kapaki-pakinabang silang tunay
Halina’t gamitin nang buong husay
Yo, yes yes yo!
Tungkol saan ang isinasaad sa awiting rap?
Ano-anong materyales na matatagpuan sa pamayanan ang nabanggit sa awiting rap?
Magbigay ng mabubuong proyekto sa mga materyales na nabanggit.
Bakit mahalaga ang pangangalaga sa mga bagay na nasa ating kapaligiran?
Linangin Natin
A. Ang ating bansa ay sagana sa materyals na mayroon sa mga pamayanan. Ilan sa mga ito ay ang mga halamang tanim at iba pang yamang-dagat.
Bawat materyales ay may angkop na gamit na dapat alamin upang makagawa ng higit na maganda at matibay na proyekto. Ilan sa mga materyales na matatagpuan sa pamayanan ay ang
sumusunod:
1. Tabla at kahoy – Ang mesang kinakainan, silyang inuupuan, at aparador na pinaglalagyan ng iba’t ibang mga kagamitan, dingding at kisame ng bahay ay ilan lamang sahalimbawa ng mga kagamitan na yari sa materyales na ito.
Ang kahoy at tabla ay nagmula sa mga puno tuld ng molave, narra, yakal, kamagong, apitong, at iba pa.
Tiyakin lamang na ang uri ng kahoy na gagamitin ay tuyong-tuyo upang maiwasan ang pag-urong, pagkiwal, at madaling pagkabulok nito, at pagkasira ng ginawang proyekto.
2. Abaka – Ang abaka ay isang uri ng halaman na nahahawig sa puno ng saging maliban sa mga dahon,dahil higit na malalapad ang dahon nito kaysa sa dahon ng saging. Karaniwan itong itinatanim sa lalawigan ng Bicol, Silangang Visayas, at Mindanao.
Ang lalawigan ng Davao ay kilala sa malawak na taniman ng abaka. Ang mga hibla nito na buhat sa puno ang siyang ginagamit sa paggawa ng mga basket, punasan ng paa, tsinelas, sinturon, mga palamuti, at iba pang kagamitang pambahay. Dahil matibay ito, kilala rin ang abaka sa paggawa ng lubid o pisi na ginagamit kahit na sa ibang bansa.
3. Niyog – Ito ay tinatawag ding “Puno ng Buhay” dahil sa ang bawat bahagi nito ay may sadyang gamit. Mula sa mga ugat hanggang sa mga dahon ay napapakinabangan.
Mainam gawing gamot ang mga ugat nito at maaari ring gawing pangkulay. Ang mga hibla ng bunot ay ginagawang lubid, bag, at pahiran ng paa.Karaniwan ding ginagawa at ginagamit ang katawan ng puno ng niyog na haligi at sahig ng mga bahay at ng iba pang mga kagamitang pambahay.
4. Pandan – Ito ay karaniwang tumutubosa gilid ng pampang kung saan ay mabuhangin o sa mga gilid ng bundok o malapit sa lawa o latian. Hindi
ito gaanong tumataas at ang mga palapa ay may bulo sa gilid. Malalapad at mahahaba ang mga dahon nito na nahahawig sa dahon ng pinya.
Mainam itong gamitin sa paggawa ng banig, sapin sa plato, sombrero, bag, tsinelas, tampipi, at iba pa. Masagana itong tumutubo sa mga lalawigan ng Laguna, Bicol, Visayas, at Mindanao.
5. Buri – ang buri ay isa sa pinakamalaking palmera na tumutubo sa bansang Pilipinas. Ang mga nagagawang hibla ng buri ay kinukuha sa mga murang dahon at ginagawang banig, tampipi, sombrero, pamaypay, bag, lubid, basket,
at iba pa. Ginagawa ring walis, at basurahan ang buong palapa nito. Ang buri ay itinatanim saan mang dako ng bansa.
6. Nito – Ito ay isang uri ng pako o fern na may mga dahon, ugat, at tangkay, ngunit walang bulaklak at buto. Makikita itong tumutubo nang pagapang at pumupulupot na animo’y baging. Mainam itong tumubo sa mga malilim at laging
basang lugar. Mainam itong biyakin habang sariwa pa at saka ilubog sa putik nang tumibay at pumantay ang pagkaitim. Kung ito ay bibiyakin nang tuyo na , ilubog muna ito sa tubig upang mabawasan o maalis ang lutong at madaling mahubog o bigyan ng hugis. Ginagamit itong pantahi sa mga gilid ng bilao, basket, bag, at iba pang gamit na pampalamuti.
7. Nipa – Ito ay isang uri ng palmera na karaniwang tumutubo sa ilang lalawigan tulad ng Pampanga, Cebu, Cagayan, at Mindoro. Ito’y tumutubo sa mga tubigan. Ang mga mura at hindi pa bukang dahon ay tinitipon nang hiwalay
at pinatutuyo sa araw. Ginagamit ang mga ito sa paggawa ng mga kapote at pamypay. Ang magugulang na dahon naman ay ginagamit na pang-atip ng bahay..
8. Rattan – ang halamang ito’y tumutubo sa halos lahat ng lalawigan. Kilala sa tawag na yantok at ginagamit sa paggawa ng mga muwebles, bag, basket, duyan, at mga palamuti.
9. Damo – Kilala sa mga halamang damo na may halaga ang vetiver at tambo. Ang damong vetiver ay karaniwang tumutubo sa mga latian at pampang. Ang mga uagat ay inilulubog sa tubig sa loob ng 20 minuto at saka babayuhin upang
Maalis o matanggal ang balat. Ito’y ginagamit sa paggawa ng mga pamypay dahil sa kaaya-aya ang amoy nito. Ang tambo naman ay karaniwang tumutubo sa Bataan kung saan may mga lugar na mamasa-masa tulad ng gilid ng mga sapa. Mainam gamitin ang damo sa paggawa ng mga walis.
B. Ano-anong uri ng proyekto ang maaaring magawa sa sumusunod:
May ilang materyales na matatagpuan sa pamayanan na maaaring magamit sa pagbuo ng kapaki-pakinabang na proyekto.
Tandaan Natin
Gawin Natin
Hanay A
Hanay B
__1. Uri ng halaman na nahahawig sa puno ng saging na ginagamit sa paggawa ng basket, tsinela, at iba pa.
__ 2. Ang magugulang na dahon ay ginagamit na pang-atip ng bahay.
__3. Kilala sa tawag na yantok at ginagamit sa paggawa ng muwebles.
__4. Isa sa pinakamalaking palmera na tumutubo sa bansang Pilipinas.
__5. Kilala sa tawag na “Puno ng Buhay” dahil mahalga at nagagamit ang bawat bahagi nito.
a. buri
b. rattan
c. Vetiver
d. Niyog
e. Nipa
f. abaka
Itambal ang mga pahayag na nasa Hanay A sa Hanay B.
A. Magsaliksik ng iba pang mga materyales na matatagpuan sa inyong pamayanan na maaaring gamitin sa paggawa ng mga proyekto. Gumawa ng talaan at ng mga proyektong maaari mong gawin.
B. Gumuhit ng mga disenyo ng mga proyektong maaaring gawin mula sa mga materyales na matatagpuan sa pamayanan.
Pagyamanin Natin