1 of 256

2 of 256

Amen.

3 of 256

4 of 256

Amen.

5 of 256

6 of 256

7 of 256

Kami’y nangungumpisal sa Iyo, O Diyos na makapangyarihan,

8 of 256

sa lahat ng mga Santo, at sa isa’t-isa na kami’y nagkasala sa aming naisip,

9 of 256

sa aming nasabi, sa aming mga nagawa, at sa nakaligtaan naming gawin;

10 of 256

at ito’y sarili naming kamalian. Kaya isinasamo namin sa Iyo, O Diyos,

11 of 256

na kaawaan kami,

at sa lahat ng Santo na ipanalangin kami sa Iyo Panginoong Diyos.

12 of 256

Amen.

13 of 256

14 of 256

Amen.

15 of 256

16 of 256

17 of 256

18 of 256

Ang Panginoon ay sumainyo.

19 of 256

At sumaiyo rin.

20 of 256

21 of 256

Amen.

22 of 256

23 of 256

Isaias 53:4-12

24 of 256

Tiniis niya ang hirap na tayo ang dapat magbata,

25 of 256

gayon din ang kirot na tayo sana ang lumasap;

26 of 256

akala natin ang dinanas niya’y parusa sa kanya ng Diyos.

27 of 256

Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan;

28 of 256

siya ang binugbog dahil sa ating kasamaan.

29 of 256

Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na tinamo niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap.

30 of 256

Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw; nagkanya-kanya tayo ng lakad.

31 of 256

Ngunit inibig ni Yahweh na sa kanya ipataw

32 of 256

ang parusang tayo ang dapat tumanggap.

33 of 256

Siya ay binugbog at pinahirapan.

34 of 256

Ngunit di tumutol kahit kamunti man; tulad ay korderong hatid sa patayan,

35 of 256

parang mga tupang hindi tumututol kahit na gupitan,

36 of 256

ni hindi umimik kahit gaputok man.

37 of 256

Nang siya’y hulihin, hatulan at dalhin sa dakong patayan,

38 of 256

wala mang nangahas na ipagsanggalang, wala man lamang dumamay.

39 of 256

Siya ay pinatay dahil sa sala ng sangkatauhan.

40 of 256

Siya’y inilibing na kasama ng masasama at mayayaman,

41 of 256

bagaman wala siyang kasalanan o nagsabi man ng kasinungalingan.

42 of 256

Sinabi ni Yahweh, “Ang kanyang paghihirap ay kalooban ko;

43 of 256

inihandog niya ang sarili upang sa pamamagitan noon

44 of 256

ay magkaroon ng kapatawaran.

45 of 256

Dahil dito’y mabubuhay siya nang matagal,

46 of 256

makikita ang lahing susunod sa kanya.

47 of 256

At sa pamamagitan niya’y maisasagawa ang aking panukala.

48 of 256

Pagkatapos ng pagdurusa, lalasap siya ng ligaya,

49 of 256

malalaman niyang hindi nawalan ng kabuluhan ang kanyang pagtitiis.

50 of 256

Ang aking tapat na lingkod at lubos kong kinalulugdan

51 of 256

ang siyang tatanggap sa parusa ng marami

52 of 256

at alang-alang sa kanya sila’y aking patatawarin.

53 of 256

Dahil dito siya’y aking pararangalan, kasama ang dakila;

54 of 256

pagkat kusang-loob niyang ibinigay ang sarili

55 of 256

at nilasap ang kaparusahan ng masasama.

56 of 256

Inako niya ang mga makasalanan at idinalanging sila’y patawarin.

57 of 256

Ang Salita ng

Panginoon.

58 of 256

Salamat sa Diyos.

59 of 256

60 of 256

IKAW, YAHWEH, ANG AKING TAGAPAGSANGGALANG,

AKING KALIGTASAN, IYONG ISINAALANG-ALANG

61 of 256

62 of 256

Hebreo 5:1-10

63 of 256

Ang bawat dakilang saserdote’y pinili sa mga tao at itinalagang maglingkod sa Diyos

64 of 256

para sa kanila upang maghandog ng mga kaloob

65 of 256

at mga ahin dahil sa mga kasalanan.

66 of 256

Mahinahon niyang napapakitunguhan ang mga mangmang at naliligaw ng landas,

67 of 256

sapagkat siya’y mahina rin.

68 of 256

At dahil sa kanyang kahinaan, kinakailangang siya’y maghandog ng hain,

69 of 256

hindi lamang para sa kasalanan ng mga tao kundi para sa mga kasalanan din niya.

70 of 256

Ang karangalan ng pagiging dakilang saserdote

71 of 256

ay hindi maaaring kamtan ninuman sa kanyang sariling kagustuhan.

72 of 256

Ang Diyos ang humihirang sa kanya, tulad ng pagkahirang kay Aaron.

73 of 256

Gayon din naman, hindi si Kristo ang nagtaas ng kanyang sarili

74 of 256

sa pagiging dakilang saserdote.

75 of 256

Siya’y hinirang ng Diyos na nagsabi sa kanya,

76 of 256

“Ikaw ang aking Anak, Ako ang iyong Ama.”

77 of 256

Sinasabi rin niya sa ibang bahagi ng Kasulatan,

78 of 256

“Ikaw ay saserdote magpakailanman ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.”

79 of 256

Noong si Hesus ay namumuhay rito sa lupa,

80 of 256

siya’y dumalangin at lumuluhang sumamo sa Diyos

81 of 256

na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan.

82 of 256

At dininig siya dahil sa lubusan siyang nagpakumbaba.

83 of 256

Bagamat siya’y Anak ng Diyos,

84 of 256

natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod

85 of 256

sa pamamagitan ng pagtitiis.

86 of 256

At nang maganap na niya ito, siya’y naging walang hanggang Tagapagligtas

87 of 256

ng lahat ng sumusunod sa kanya.

88 of 256

Minarapat ng Diyos na siya’y gawing dakilang saserdote

89 of 256

ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.

90 of 256

Ang Salita ng

Panginoon.

91 of 256

Salamat sa Diyos.

92 of 256

93 of 256

Ang Panginoon ay sumainyo.

94 of 256

At sumaiyo rin.

95 of 256

Marcos 10:35-45

96 of 256

Luwalhati sa Iyo, Panginoong Hesukristo.

97 of 256

Noong panahong iyon, lumapit kay Hesus sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo,

98 of 256

at ang sabi, “Guro, may hihilingin po sana kami sa inyo.”

99 of 256

“Ano iyon?” tanong ni Hesus.

100 of 256

Sumagot sila, “Sana’y makaupo kami katabi ninyo sa inyong kaharian

101 of 256

– isa sa kanan at isa sa kaliwa.”

102 of 256

“Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi,” sabi ni Hesus sa kanila.

103 of 256

“Mababata ba ninyo ang hirap na babatahin ko?

104 of 256

Pabibinyag ba kayo sa binyag na daranasin ko?”

105 of 256

“Opo,” tugon nila.

106 of 256

Sinabi ni Hesus, “Ang hirap na babatahin ko’y babatahin nga ninyo,

107 of 256

at kayo’y bibinyagan sa binyag na daranasin ko.

108 of 256

Ngunit wala sa akin ang pagpapasiya kung sino ang mauupo

109 of 256

sa aking kanan at sa aking kaliwa.

110 of 256

Ang mga luklukang sinasabi ninyo’y para sa mga pinaghandaan.”

111 of 256

Nang marinig ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid.

112 of 256

Kaya’t pinalapit sila ni Hesus at sinabi,

113 of 256

“Alam ninyo na ang mga itinuturing na pinuno ng mga Hentil

114 of 256

ay siyang pinapanginoon, at ang mga dinadakila ay siyang nasusunod.

115 of 256

Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo.

116 of 256

Sa halip, ang sinuman sa inyo na ibig maging dakila ay dapat maging lingkod.

117 of 256

At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat.

118 of 256

Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran

119 of 256

kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng lahat.”

120 of 256

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

121 of 256

Papuri sa Iyo, Panginoong Hesukristo.

122 of 256

123 of 256

124 of 256

Sumasampalataya kami sa iisang Diyos,

Amang Makapangyarihan,

125 of 256

na lumikha ng langit

at lupa,

at ng lahat ng nakikita at di-nakikita.

126 of 256

Sumasampalataya kami sa iisang Panginoong Hesukristo,

127 of 256

bugtong na

Anak ng Diyos,

128 of 256

nagmula sa Ama

bago pa nagsimula

ang panahon,

129 of 256

Diyos buhat sa Diyos, Liwanag buhat

sa Liwanag,

130 of 256

Diyos na totoo buhat sa Diyos na totoo,

131 of 256

Inianak, hindi nilikha, kaisa sa pagka-Diyos ng Ama.

132 of 256

Sa pamamagitan Niya ay nalikha ang lahat.

133 of 256

Na para sa ating mga tao at sa ating kaligtasan

134 of 256

ay nanaog Siya buhat sa langit:

135 of 256

sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo

136 of 256

ay ipinanganak Siya ni Mariang Birhen at naging tao.

137 of 256

Ipinako sa krus

alang-alang sa atin noong panahon ni Poncio Pilato;

138 of 256

nagpakasakit, namatay, at inilibing.

139 of 256

At muling nabuhay sa ikatlong araw sa katuparan ng mga Kasulatan.

140 of 256

Umakyat Siya sa langit

at naluluklok

sa kanan ng Ama.

141 of 256

At muling darating na maluwalhati

142 of 256

upang hukuman

ang mga buhay

at mga patay,

143 of 256

at ang kaharian Niya ay walang hanggan.

144 of 256

Sumasampalataya kami sa Espiritu Santo,

145 of 256

ang Panginoon na Tagapagbigay ng Buhay, na nagbubuhat sa Ama.

146 of 256

Sinasamba Siya at niluluwalhating kasama ng Ama

at ng Anak,

147 of 256

nagsalita Siya

sa pamamagitan

ng mga Propeta.

148 of 256

Nananalig kami sa Iglesyang Iisa, Banal, Katolika,

at Apostolika.

149 of 256

Naniniwala kami sa iisang binyag sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan,

150 of 256

at hinihintay namin ang muling pagkabuhay

ng mga namatay,

151 of 256

at ang buhay na walang hanggan.

152 of 256

Amen.

153 of 256

154 of 256

Panginoon, dinggin Mo kami.

155 of 256

156 of 256

Amen.

157 of 256

158 of 256

Panatilihin natin ang pagkakaisa na dulot ng Espiritu sa bigkis ng kapayapaan.

159 of 256

160 of 256

At sumaiyo rin.

161 of 256

162 of 256

163 of 256

164 of 256

Maawaing Diyos,

ipinagkaloob Mo

sa amin ang lahat

ng bagay,

165 of 256

sa Iyong kasaganaan

ay ibinibigay Mo

ang lahat ng aming pangangailangan.

166 of 256

Kami, na Iyong mga mapagkumbabang lingkod,

167 of 256

ay nag-aalay sa Iyo nitong sagisag ng aming pagtanaw ng utang na loob

168 of 256

sa lahat

ng Iyong kaawaan.

169 of 256

Amen.

170 of 256

171 of 256

Walang hanggang Diyos, pinatubo Mo ang butil,

172 of 256

at mula rito

ay ginawa namin

ang Tinapay na ito;

173 of 256

iniaalay namin ito

sa Iyo upang sa amin ay maging Tinapay

ng Buhay.

174 of 256

Ipagkaloob Mo

na kaming tatanggap nito ay mabuklod sa bigkis ng pag-iibigan.

175 of 256

Amen.

176 of 256

177 of 256

Makapangyarihan Diyos,

tanggapin Mo

ang Alak na ito

178 of 256

na aming ginawa mula sa Iyong mga kaloob:

179 of 256

ito nawa’y maging aming inuming espirituwal upang kaming tatanggap nito,

180 of 256

ay mapasigla

at mapanibago

sa paglilingkod sa Iyo.

181 of 256

Amen.

182 of 256

183 of 256

Tanggapin nawa

ng Panginoon

ang ating hain,

184 of 256

sa ikapupuri

at ikaluluwalhati

ng Kanyang Pangalan,

185 of 256

sa ating ikabubuti

at ng buo Niyang Iglesia.

186 of 256

187 of 256

Ang kagandahang

loob ng Panginoon

ay mananatiling

188 of 256

walang hanggan sa mga may takot sa Kanya,

189 of 256

at ang Kanyang pagkamatuwid sa sali't-saling lahi.

190 of 256

Maging sa mga sumusunod sa Kanyang tipan, at nakaala-alang

191 of 256

sumunod sa Kanyang kautusan.

192 of 256

Itinatag ng Panginoon ang Kanyang luklukan sa langit;

193 of 256

at ang Kanyang paghahari ay sumasaklaw sa lahat.

194 of 256

Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat Niyang mga anghel;

195 of 256

kayong may lakas at kapangyarihan na tumatalima sa Kanyang Salita.

196 of 256

Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat Niyang mga

197 of 256

hukbo. Kayong mga lingkod Niya na sumusunod sa Kanyang kalooban.

198 of 256

Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat Niyang mga gawa sa

199 of 256

lahat ng dako na Kanyang nasasaklawan, purihin ang Panginoon!

200 of 256

Ang Panginoon ay sumainyo.

201 of 256

At sumaiyo rin.

202 of 256

Itaas ang inyong

mga puso.

203 of 256

Itinataas namin

sa Panginoon.

204 of 256

Magpasalamat tayo

sa ating

Panginoong Diyos.

205 of 256

Nararapat na Siya’y ating pasalamatan

at purihin.

206 of 256

207 of 256

208 of 256

209 of 256

210 of 256

211 of 256

Amen.

212 of 256

213 of 256

214 of 256

215 of 256

Amen.

216 of 256

217 of 256

218 of 256

219 of 256

220 of 256

Dumudulog kami sa Iyong hapag, maawaing Panginoon,

221 of 256

na hindi nagtitiwala sa sarili naming pagkamatuwid,

222 of 256

kundi sa Iyong marami’t dakilang awa.

223 of 256

Hindi kami karapat-dapat na mamulot ng mga mumo sa ilalim ng Iyong hapag.

224 of 256

Subalit likas sa Iyo

ang pagkamaawain.

225 of 256

Ipagkaloob Mo sa amin, kung gayon, butihing Panginoon,

226 of 256

na aming tanggapin ang Katawan ng Iyong mahal na Anak

na si Hesukristo,

227 of 256

at inumin

ang Kanyang dugo,

228 of 256

upang kami na pinalalakas at pinagiging bago ng Kanyang buhay,

229 of 256

ay manahan sa Kanya, at Siya’y sa amin, magpakailanman.

230 of 256

Amen.

231 of 256

232 of 256

233 of 256

Ang Panginoon ay sumainyo.

234 of 256

At sumaiyo rin.

235 of 256

236 of 256

Makapangyarihan

at walang hanggang Diyos,

237 of 256

pinasasalamatan

Ka namin,

238 of 256

sapagkat kami’y Iyong pinakain ng pagkaing espirituwal:

239 of 256

ang kamahal-mahalang Katawan at Dugo ng aming Tagapagligtas na si Hesukristo.

240 of 256

At sa mga Banal na misteryong ito

241 of 256

ay tiniyak Mo na kami’y mga buhay na bahagi ng katawan ng Iyong Anak,

242 of 256

at mga tagapagmana ng Kanyang walang hanggang kaharian.

243 of 256

Ngayon Ama, isugo Mo kami upang gawin namin ang tungkuling iniatas Mo sa amin,

244 of 256

upang Ikaw ay ibigin at paglingkuran at ang aming kapwa,

245 of 256

bilang mga tapat na saksi ni Kristong aming Panginoon:

246 of 256

sa Kanya, sa Iyo, at sa Espiritu Santo, ang lahat ng karangalan at kaluwalhatian,

247 of 256

ngayon

at magpakailanman.

248 of 256

Amen.

249 of 256

250 of 256

Amen.

251 of 256

252 of 256

Ang Panginoon ay sumainyo.

253 of 256

At sumaiyo rin.

254 of 256

255 of 256

Salamat sa Diyos.

256 of 256