1 of 29

Yunit III Aralin 9:

Mga Pamamaraan

ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa

2 of 29

3 of 29

4 of 29

5 of 29

Katok Para Sa Magandang Bukas” or Project Tokbuk,

6 of 29

FREE KITS FOR ALS LEARNERS

ALS LEARNERS RECEIVE FREE

ALS KITS

7 of 29

Alamin Mo

Isang mahalagang salik ang edukasyon sa pag-unlad ng mamamayan at sa pagsulong ng isang bansa. Mahalagang salik din ito sa pag-unlad ng istandard ng pamumuhay ng bawat mamamayang nakapag-aral.

8 of 29

Sa pamamagitan ng iba-ibang programang pang-edukasyon ng pamahalaan, natutugunan ang pangangailangan sa pagkatuto ng mga mamamayan.

Arts in the City Summer Workshop 2017

9 of 29

Ang Pilipinas ay kaisa sa mga bansang nagtataguyod ng Edukasyon para sa Lahat (Education for All) na naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon ng bawat Pilipino, bata man o matanda. Bilang tugon sa pandaigdigang programang ito at sa pambansang pangangailangan na mapaunlad ang Sistema ng edukasyon sa bansa, may mga programa sa edukasyon na ipinatupad ang pamahalaan.

10 of 29

Nangunguna sa mga ito ang Basic Education Program o kilalang Kinder to Grade 12 Program. Nilalayon nitong magkaroon ang mga mag-aaral ng lubos at tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga batayang kasanayan, at magkaroon ng kahandaan sa kolehiyo o pag-eempleyo.

11 of 29

12 of 29

May mga Day Care Center din sa maraming barangay na nangangalaga sa mga batang nag- uumpisa pa lamang matuto.

13 of 29

Valenzuela Day Care Center

14 of 29

May programa rin para sa mga out-of-school youth (OSY) o yaong mga nahinto sa pag-aaral na pinangangalagaan naman ng Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng programa

nitong Abot-Alam.

15 of 29

16 of 29

Layunin ng programang ito na mabawasan ang mga OSY at maihanda sila sa pagnenegosyo o pageempleyo. Binibigyan sila ng pagkakataong makapag-aral muli sa pamamagitan ng Alternative Learning System sa mga oras at araw na libre sila o di naghahanapbuhay.

17 of 29

Pinaiigting din ang mga programa sa edukasyon para sa mga Indigenous People (IP) o mga katutubo nating mamamayan.

Maliban sa literasi, layunin ding mapangalagaan at mapagyaman ang kultura ng mga IP.

18 of 29

Pinalalaganap din ng pamahalaan ang mga programa nito sa iskolarsyip para sa mahuhusay na mag- aaral ngunit walang sapat na panustos sa pag-aaral.

19 of 29

20 of 29

GAWIN MO

Gawain A

Punan ang graphic organizer ng mga programa ng pamahalaan sa edukasyon. Maaari mo itong dagdagan ng iba pang programang iyong nalalaman.

21 of 29

GAWIN MO

Gawain B

Kumuha ng kapareha.

Magpalitan ng kuro-kuro tungkol sa ipinatutupad na mga programa sa edukasyon. Sagutin kung natatamasa ba ito ng maraming mag-aaral.

22 of 29

Gawain C

Bilang mag-aaral sa ikaapat na baitang, ano ang iyong gagawin upang lubos na mapakinabangan ang mga programa sa edukasyon ng pamahalaan? Kopyahin ang kahon sa ibaba at isulat dito ang iyong gagawin. Gawin ito bilang isang pangako sa sarili.

23 of 29

TANDAAN MO

Tungkulin

pangalagaan

ng pamahalaan na

ang kapakanan ng

mamamayan sa larangan ng edukasyon.

  • May itinataguyod na mga programa sa

pang-edukasyon

ang pamahalaan na maitaguyod ang ng

edukasyon naglalayong kapakanang mamamayan.

24 of 29

Ang K–12 Basic Education Program ay isang programang naglalayong makamit ng bawat mag-aaral ang mga kasanayang kailangan niya sa

sa kolehiyo, o pagiging

pag-aaral, pagpasok at pag-eempleyo entreprenyur.

25 of 29

NATUTUHAN KO

Basahin ang mga kalagayan. Ano ang gagawin mo sa bawat kalagayan? Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa papel.

1. Nag-anunsiyo ang kapitan sa inyong barangay na maaari nang magpalista sa inyong paaralan ng mga nais pumasok sa Kinder. May kapatid kang anim na taong gulang.

  • Sasabihin sa magulang ang anunsiyo.
  • Ipagpatuloy ang ginagawa na parang walang narinig.
  • Hihikayatin ang magulang na ipalista na ang kapatid.
  • Hindi papansinin ang sinabi tutal bata pa naman ang

kapatid.

26 of 29

2. Nahinto sa pag-aaral ang iyong kuya. Natutunan mo sa paaralan na may programa sa edukasyon para sa mga nahinto ng pag-aaral.

A. Alamin sa guro kung kanino magtatanong dahil alam mong interesado ang iyong kuya.

B. Hindi na sasabihin sa kuya tutal namamasukan na siya sa karinderya.

C. Hayaan na lamang ang iyong kuya dahil matanda na siya.

D. Hindi na lamang papansinin dahil magastos ito.

27 of 29

3. Nangangailangan ng mga boluntaryo para sa pagpapakainsa mga bata sa inyong day care center sa araw ng Sabado.

A. Hindi ako pupunta dahil mapapagod ako.

B. Ipagpapatuloy ko na lamang ang paglalaro ko.

C. Tutulong ako kung ano man ang kaya kong gawin.

D. Hindi na ako pupunta dahil hindi rin siguro ako bibigyan ng gagawin.

28 of 29

4.Isang katutubo ang iyong kalaro. Sinasabi niya sa iyo ang tungkol sa kanilang mga paniniwala na natutunan niya sa kaniyang pag-aaral.

A.Magkukunyari akong nakikinig. B.Sasabihin kong maglaro na lamang kami.

C.Makikinig ako para may matutunan din ako.

D.Sasabihin ko kung ano ang mga ayaw ko sa mga gawi nila.

29 of 29

5. Para makarating sa paaralan, naglalakad si Lolit at ang kaniyang dalawang kapitbahay nang isang oras. Kung ikaw si Lolit, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginagawa?

A. Tutulong na lamang ako sa mga gawain sa bahay.

B. Gagawin ko dahil nais kong makapagtapos ng pagaaral.

C. Yayayain ko ang aking mga kaklase na lumiban sa

klase.

D. Maaaring tamarin akong pumasok dahil mahirap

maglakad.