1 of 43

PANALANGIN

2 of 43

EsP 9

IKATLONG MARKAHAN

Katarungang Panlipunan sa Paggawa

ARALIN 10

Elizabeth B. Cudiamat

Gurong Tagapagpadaloy

3 of 43

KATARUNGANG PANGLIPUNAN SA PAGGAWA

ARALIN 10

4 of 43

Mga Layunin

1. Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamayan na ibigay sa kapwa ang nararapat sa kanya (EsP9-KP-III-9.3)

2. Natutugunan ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop na pagkakataon (EsP9-KP-9.4)

5 of 43

BALIKAN

6 of 43

Kahulugan ng Katarungang Panlipunan

Ito ay isang pagpapahalaga na tumutukoy sa kakayahan ng tao na matupad ang kanyang mga potensyal sa pamayanan o lipunang kinabibilagan.

7 of 43

KAHULUGAN NG

KATARUNGAN

Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr., ang katarungan ay isang uri ng pagbibigay at hindi isang pagtanggap.

8 of 43

KAHULUGAN NG

KATARUNGAN

Ayon naman kay Sto. Tomas De Aquino, ang katarungan ay isang gawi na gumagamit ng kilos-loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal.

9 of 43

2 Layunin ng Katarungang Panlipunan na dapat tiyakin sa mga mamamayan

  1. Matanggap ang kanyang dapat matanggap sa Lipunan.

Halimbawa:

a. Pagtatalaga ng pamahalaan ng batas upang tiyakin ang mga benipisyo na dapat matanggap.

b. Pagbibigay ng batas na pagpaparusa sa mga di sumusunod sa pag-uutos.

10 of 43

2 Layunin ng Katarungang Panlipunan na dapat tiyakin sa mga mamamayan

2. Maging aktibong taga-ambag sa pag-unlad ng pamayanan at Lipunan.

Halimbawa:

a. Paggamit ng iba’t ibang likas-yaman sa ating bayan.

11 of 43

Mga Prinsipyo ng Katarungang Panlipunan

12 of 43

1. Prinsipyo ng Dignidad Pantao

Ang lahat ng tao kahit na nagkakaiba ng lahi, kasarian, pananampalataya at iba pang katangian ay dapat makamit ang karangalan o dignidad. Tulad ng pagkamit ng pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng masustansyang pagkain, disenteng tirahan at edukasyon.

13 of 43

2. Prinsipyo ng Paggalang sa buhay ng tao

Ang buhay ng tao ay nagsimula sa sinapupunan ng ina at nagtatapos lamang sa kamatayan. Sa panahong ito ang buhay ay nararapat bigyan ng paggalang at proteksyon. Inaasahan ang mga awtoridad sa Lipunan na tiyakin na ligtas at nabibigyan ng proteksyon ang tao laban sa sitwasyon na banta sa pagpapatuloy ng buhay ng mga mamayan.

14 of 43

3. Prinsipyo ng Pagtawag sa Pamilya, Pamayanan at Pakikilahok

Ang pamilya ang pangunahing institusyong panlipunan na bumubuo sa pamayanan. Nararapat na protektahan ang mga pamilya at pamayanan upang makilahok sa pagtataguyod ng katarungang panlipunan. Sa pamilya nahuhubog ng mabuting pagmamagulang ang mga paniniwala, mga pagpapahalaga at mga pagkilos upang maging responsableng miyembro ng pamilya at ng Lipunan.

15 of 43

4. Prinsipyo ng Karapatan ng Pananagutan

Ang mga Karapatan mula sa Lipunan ay nagtataguyod sa tao na mamuhay bilang tao sa kanyang pamayanan. Sa pagsasabuhay ng mga karapatanan, may pananagutan ang bawat mamamayan na igalang at di abusuhin ang kanyang ang kanyang mga Karapatan sa Lipunan.

16 of 43

5. Prinsipyo ng

Kabutihang Panlahat

Ang Lipunan na tumitiyak sa kabutihang panlahat ay may mga kinakailangan kondisyon na nagsusulong sa tao na maabot ang kaganapan sa paggamit ng kanyang potensyal bilang tao.

17 of 43

6. Prinsipyo ng Preperensiya

para sa mga mahihirap at mahihina

Ang labis na mahihirap at kapos-palad ay dapat makamit ang katarungan at dignidad. Isang napakahalagang tungkulin ng Lipunan na linangin ang mga potensyal na tao para sa buhay na marangal at may proteksyon sa mga mahihirap na sektor ng Lipunan.

18 of 43

7. Prinsipyo ng Dignidad ng Paggawa at Karapatan ng mga manggagawa

Ang sektor ng pamahalaan ay nararapat pagsilbihan ang tao at hindi ang kabaligtaran nito. Ang dignidad ng paggawa ay napangangalagaan kung iginagalang ng mga Karapatan ng mga manggagawa.

19 of 43

8. Prinsipyo ng Pagkakaisa

Tayo ay tagapangalaga ng ating mga kababayan (brother keepers). Hindi natin balewalain o isang tabi ang mga mabibigat na suliranin ng mga labis na naghihirap sa ating pamayanan. Iba’t iba ang mga praktikal na pamaraan kung ating nanaisin na makiambag at makilahok para sa pagpapanatili ng katarungan at kapayapaan sa ating pamayanan.

20 of 43

9. Prinsipyo ng Pamamahala ng kalikasan

Hindi mabubuhay ang tao kung wala ang kalikasang kaloob ng Diyos. Mabilis ang paggamit ng tao sa mga likas na yaman ng kalikasan. Ang climate change ay patunay ng pang-aabuso ng mga tao ng mga likas na yaman sa kalikasan. Mahalagang maalagaan ng maayos ang mga likas na yaman upang magamit pa sa mga susunod na henerasyon.

21 of 43

Ano-ano ang mga Palatandaan ng katarungang Panlipunan sa Paggawa sa ating bansa?

22 of 43

Batay sa sumusunod na mga probisyon ng Artikulo XIII ng 1987 Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas, matitiyak natin kung naisasakatuparan sa ating bansa ang katarungang Panlipunan kaugnay sa paggawa.

23 of 43

Mga Palatandaan ng Katarungang Panlipunan sa Paggawa sa ating Bansa.

24 of 43

1. Pagkakaloob ng lubos na

proteksyon sa paggawa,

Sa loob ng ating bansa

Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang pangunahing sangay ng pamahalaan ang tumitiyak na ipinatutupad ng mga batas sa paggawa sa loob ng ating bansa. Binubuo din ng (DOLE) ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) upang itaguyod at subaybayan ang mga manggagawang Pilipino na nagahahanap-buhay sa labas ng Pilipinas.

25 of 43

2. Pagbibigay ng Pantay na mga Pagkakataon

Sa lahat ng manggagawa

Ayon sa itinalagang mga katangian o kwalipikasyon na kaylangan sa paggawa nararapat na bigyan ng pantay na pagkakataon ang mga manggagawa na makapaghanap ng trabaho. Tinatanggap ang mga aplikasyon sa paggawa kahit ano man ang mga kasarian, relihiyon o etnikong pangkat na kinabibilangan.

26 of 43

3. Paggaratiya o Pagtiyak

Sa mga Karapatan ng mga Manggagawa

Pagbibigay pamahalaan sa mga manggawa ng Karapatan na makapagtatag ng mga Samahan o organisasyon sa paggawa. Ang mga pamunuan ng mga Samahan ay nakikipagnegosasyon sa may-ari ng kompanya upang matiyak na maayos ang mga kondisyon at mga benipisyo na nararapat nilang kabayaran sa kanilang paggwa.

27 of 43

4. Pagtataguyod ng Karapatan

Sa katatagan sa Trabaho

Sa pamamagitan ng mga itinatag na Samahan ng mga manggagawa ay nakalalahok sa mga proseso ng pagbabalangkas ng patakaran at desisyon na may kinalaman sa kanilang mga Karapatan at benepisyo ayon sa itinadhana ng batas sa pagtataguyod ng Karapatan sa katatagan sa trabaho, sa makataong mga kalagayan sa trabaho at sa sahod na sapat ikabuhay.

28 of 43

5. Mga Batas ng Pamahalaan na Nangangasiwa ng Ugnayan

May mga batas ng ating pamahalaan na nangangasiwa ng uganyan ng mga manggawa at mga may-ari ng kompanya para sa karampatang bahagi sa mga bunga ng produksyon at tubo na nagmula sa kanilang serbisyo at paggawa.

29 of 43

Mga Karaniwang Paglabag sa Katarungang Panlipunan sa Paggawa.

30 of 43

1. Pagkakait ng pagkakataon sa mga may kapansanang pisikal na makapaghanap-buhay ng trabaho ayon sa kanilang talino at kasanayan.

31 of 43

2. Walang kontrata na tinatawag na Terms of Reference (TOR) na titiyak sa sakop at hangganan ng uri ng paggawa ng isang manggawa. Naaabuso ang manggawa na hindi niya alam ang oras ng simula at pagtatapos ng kanyang pagtratrabaho sa kompanyang pinagsisilbihan.

32 of 43

3. Pagkaltas sa sweldo na walang abiso o pagsang-ayon ng mga manggagawa. Ang pag-abusong ito ay sanhi ng kawalan ng itemized pay slip na nakalista ang kabuuan ng kabayaran at ang mga ibinawas sa sumang dapat na matanggap.

33 of 43

4. Hindi pagsunod sa batas na pagpbabayad ng minimum wage na itinalaga ng pamahalaan. Maliit na nga ang minimum wage ay ibinabawasan pa ang itinakdang halaga para sa mga manggagawa.

34 of 43

5. Hindi pagbabayad ng wasto o batay sa pro rata sa panahon ng mga paid holiday na ayon sa batas o idinidiklara ng awtoridad

35 of 43

6. Hindi pagsunod sa batas ng pagbabayad sa mga manggagawa na mag-maternity leave upang isilang ang kanyang supling.

36 of 43

7. Hindi pagsunod sa batas ng pagbabayad sa mga lalaking manggagawa na nag-paternity leave upang alagaan ng asawang nagsilang ng kanilang anak.

37 of 43

8. Pagpipilit na magretiro ang isang manggagawa sa pamahalaan nang maaga o bago ang edad na 65 taon na itinakda ng batas.

38 of 43

9. Pagpapaalis sa trabaho ng manggagawa ng walang abiso at dokumento na nakasulat ang mga dahilan.

39 of 43

10. Kulang o walang probisyon para sa pagtitiyak na tulong sa panahong ng pagkakasakit ng manggagawa.

40 of 43

11. Wala o di sapat na probisyon sa kalusugan ng mga manggagawa sa kompanyang pinagsisilbihan. Halimbawa ng mga probisyong pangkalusugan ay ang malilinis na palikuran , mga pasilidad ng water dispenser, mga lababo at tubig para sa paghuhugas at kalinisan, mga waste can, mga gamit na first aid, mga kantina, mga lugar na pahingahan at iba pa.

41 of 43

12. Iba’t ibang uri ng panunukso o diskriminasyon, bullying at harassment sa mga mangagawa sa Samahan o kompanyang kinaaniban.

42 of 43

Pamantayan

Deskripsyon

Puntos

Kalinawan ng Mensahe

Malinaw na naipakita ang katarungang panlipunan sa paggawa.

5

Kaugnayan sa Paksa

Ang iginuhit ay may malinaw na koneksyon sa mundo ng paggawa.

5

Kreatibidad

Makabago, malinaw, at orihinal ang ideya ng guhit.

5

Kabuuang Presentasyon

Maayos, malinis, at naiintindihan ang guhit.

5

Gawain para sa RBB: “Makatarungan kaba?”

Panuto:Gumuhit ng isang sitwasyon sa lugar ng paggawa (trabaho/pabrika/opisina/pamayanan) na nagpapakita ng katarungang panlipunan sa paggawa — maaaring tungkol sa patas na sahod, ligtas na lugar ng trabaho, pantay na oportunidad, hindi diskriminasyon, o respeto sa karapatan ng manggagawa.

43 of 43

THANK YOU