1 of 26

ARTS 2

Quarter 2 Week 7

Pagguhit at Pagpinta

2 of 26

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang mapapamahalaan o makokontrol mo ang mga kagamitan sa pagpipinta at iba pang kagamitan sa paggawa ng iba’t ibang linya, hugis, at kulay ng iyong gawa.

Layunin:

3 of 26

Maraming paraan para maisagawa ang pagpipinta at pagguhit. Hindi hadlang kung saang lugar ka naninirahan para hindi maisagawa ang mga ito.

4 of 26

Maaari kang gumamit ng “painting tools” na nása computer, puwede ka ring gumamit ng mga kagamitang pangkulay na makikita sa loob at labas ng bahay ninyo, tulad ng krayola at water color.

5 of 26

Kung ikaw naman ay nása lugar na malayo sa kabihasnan, maaari mong gamitin ang mga pangkulay mula sa mga halaman, tulad ng talulot ng bulaklak, dahon, puno ng

kahoy, mga prutas na

makukuha sa inyong lugar, at abo na makukuha sa lupa.

6 of 26

Kung wala “brush,” puwede mong gamitin ang maliliit na dahon. Iipunin at itatali ang mga ito sa dulo ng tangkay na patpat. Ang posporo ay puwede ring gamiting pangkulay.

7 of 26

Ang lahat ng ito ay magiging maayos ang pagguhit kung makokontrol ang paggamit ng mga kagamitang pangkulay. Dapat lagyan ng bigat at diin, manipis, at malapad ang mga linya. Sa pagpipinta naman ay gumamit ng matingkad at mapusyaw na kulay.

8 of 26

Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Sagutin ang mga tanong. Gawin ito sa kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

9 of 26

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

1. Paano iginuhit ang mga linya?

10 of 26

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

2. Ano’ng hugis na makikita sa larawan?

11 of 26

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

3. Ano ang ginamit niya sa pagpinta?

12 of 26

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

4. Tungkol saan ang kaniyang ipininta?

13 of 26

Gumuhit ng 2 disenyo ng iyong paboritong kasuotan pambahay. Gámit ang kung ano’ng meron kang pangkulay at pagguhit, ipakita mo sa pagpipinta ang matingkad na kulay at mapusyaw na kulay. Gawin ito sa kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

14 of 26

Lagyan ng kulay ang silid-aralan na ito. Gámit ang kung anong meron kang pangkulay at pagguhit, ipakita mo sa pagpipinta ang madiin na pagkulay at magaan na pagkulay.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

15 of 26

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

16 of 26

Gumuhit ng 5 uri ng paborito mong prutas. Gámit ang kung ano’ng meron kang pangkulay at pagguhit, ipakita mo sa pagpipinta ang matingkad na kulay at mapusyaw na kulay. Gawin ito sa kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

17 of 26

Mga kagamitan na puwedeng gamitin na makikita sa kapaligiran gámit sa pagpinta.

18 of 26

Buoin ang larawan ng mga gulay sa ibaba gámit ang iyong panulat. Pagkatapos ay kulayan ang mga ito gámit ang kung ano’ng meron kang pangkulay. Gawin ito sa kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:

19 of 26

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:

20 of 26

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:

21 of 26

Kulayan ang mga prutas at gulay ayon sa bílang nila at kung gaano kabigat o kagaan ang pagpipita.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:

22 of 26

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:

23 of 26

Gumawa ng sariling disenyo na bahay. Gamitan ng iba’t ibang uri ng linya, hugis, at kulay ito. Gawin sa kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:

24 of 26

Punan ng angkop na salita ang pangungusap upang makabuo ng makabuluhang talata tungkol sa aralin

Assimilation

25 of 26

Assimilation

diin

kitid

lapad

gaan

matingkad

mapusyaw

Mas magiging maganda ang ating likhang sining kung makokontrol natin ang paggamit ng lapis at ng kulay. Lagyan ng _______ at _______, ________ at ___________ ang mga linya.

26 of 26

Assimilation

diin

kitid

lapad

gaan

matingkad

mapusyaw

Sa pagkukulay naman ay gumamit ng _________________ at ___________________________ na kulay.