Ligaya king Dios
king kakataskatasan
at king yatu kapayapan
karing taung
Kayang kaluguran--
INAY
Musika at Titik ni:
Arnel dC. Aquino, SJ
I
Sa mahinahong
paalam ng araw,
sa pag-ihip
ng hanging kahapunan,
Balabal ko’y
init ng ‘yong pag-ibig
sa dapit-hapong
kay lamig.
Mga bituin
kay agang magsigising.
Umaandap,
mapaglaro man din--
Iyong ngiti’y
hatid nila sa akin,
sa diwa ko’t
panalangin.
Koro:
Puso ko’y pahimlayin Inay
upang yaring hamog
ng gabing tiwasay
ay madama ko
bilang damping halik
ng ‘yong Anak
ay irog kong-- Inay
II
Sa palad n’yo
itago aking palad.
Aking bakas
sa inyong bakas ilapat.
At iuwi sa tahanan
kong dapat
sa piling ng inyong
Anak.
Koro:
Puso ko’y pahimlayin Inay
upang yaring hamog
ng gabing tiwasay
ay madama ko
bilang damping-- halik
ng ‘yong Anak
ay irog kong-- Inay
Huling Koro:
Puso ko’y pahimlayin Inay
upang yaring hamog
ng gabing tiwasay
ay madama ko
bilang damping-- halik
ng ‘yong Anak
ay irog ko---
O Ina kong mahal---
ay irog kong---
Inay----