Edukasyon sa Pagpapakatao
Nakapagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino tulad ng pagmamano at paggamit ng “po” at “opo”.
November 8, 2016
Magsagawa ng survey sa klase kung ilan ang nagpapakita ng kaugaliang Pilipino.
| Bilang ng mga batang gumagawa nito | Bilang ng mga batang hindi gumagawa nito |
Maaari po bang magtanong? |
|
|
Magandang gabi po |
|
|
Gumagamit ng po at opo sa pakikipag-usap. |
|
|
Ate, aalis nap o ako |
|
|
Nagmamano sa nakatatanda |
|
|
Bakit ninyo ginagawa o sinasalita ang mga nakasulat sa kahon?
Bakit hindi ninyo ito ginagawa o sinasalita?
Bakit kailangan nating isagawa ang mga kaugaliang Pilipino?
Bakit kailangan nating ipakita ang mga magagandang kaugalian ng mga Pilipino?
Bakit mahalaga ang pagsasabi ng “po” at “opo”?
Isulat ang Tama kung nagpapakita ng magandang kaugalian ng mga Pilipino at Mali kung hindi.
1. Isang Bisaya ang nasa lugar ng katagalugan ay dapat unawain.
2. Ang mga bata ay dapat na nagmamano sa nakakatanda.
3. Ano man ang pangkat etniko ay may kanya-kanyang paraan ng paggalang sa nakakatanda.
4. Hindi mahalagang gumamit ng po at opo.
5. Ang ating kultura ng pagmamano sa matatanda ay mabuting kaugaliang Pilipino.
Takdang Aralin
Sumulat ng limang magagandang kaugalian na ginagawa mo sa tahanan at paaralan.