1 of 8

Edukasyon sa Pagpapakatao

Nakapagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino tulad ng pagsunod sa tamang tagubilin ng mga nakakatanda.

(EsP3PP- IIIa-b – 14)

November 10, 2016

2 of 8

Natatandaan mob a ang mga paalala ng mga nakatatanda? Isulat mo ito sa isang papel at idikit sa caterpillar na iyong iguguhit sa kuwaderno. Idikit mo sa kurbang malapit sa ulo ang pinakamadalas mong sinusunod at sa may buntot naman ang minsan mo lamang sinusunod.

3 of 8

Ano ang dapat mong gawin sa mga tagubilin ng mga nakatatanda? Bakit?

4 of 8

Tagubilin ng iyong magulang na huwag sasali sa usapan ng matatanda. Isang araw, nag-uusap ang nanay mo at ang kaniyang kaibigan. Narinig mong pinag-uusapan ang isang pangyayari sa inyong paaralan na iyong nasaksihan. Subalit may maling impormasyon silang nabanggit. Ano ang dapat mong gawin?

5 of 8

Sumulat sa metacard ng mga tagubilin na lagi mong sinusunod at tagubilin na hindi mo sinusunod. Isulat ang epekto nito sa iyo.

6 of 8

Binigyan ka ng iyong kamag-aral ng isang pitaka. Ano ang gagawin mo sa nagbigay sa iyo?

7 of 8

Lagyan ng tsek ang pangungusap kung lagi mong ginagawa at ekis kung hindi mo ginagawa.

1. Nakikinig ako sa aking Nanay.

2. Isinasapuso ko ang lahat ng bilin sa akin ng mga magulang.

3. Hinahayaan ko lang magsalita ang aking mga magulang.

4. Ang mga tagubilin ay lagi kong sinusunod.

5. Sinusunod ko ang tagubilin ng aking nanay kapag kaharap lang siya.

8 of 8

Takdang-Aralin

Isulat ang mga tagubilin na laging sinasabi sa iyo ng iyong magulang.