1 of 35

ESP 2

Quarter 2 Week 3

Pagbabahagi ng Sarili

2 of 35

Natutuhan mo sa nakaraang aralín ang kahalagahan ng pagiging magiliw at palakaibigan nang may pagtitiwala sa iyong kapwa.

3 of 35

Sa pagkakataong ito, inaasahang ikaw ay makapagbabahagi ng sarili sa kalagayan ng iyong kapwa tulad ng uri ng kanilang kabuhayan, pinagmulan at pagkakaroon ng kapansanan. Nagbabahagi ba ng sarili ang mga bata sa larawan?

Layunin:

4 of 35

Bawat batang katulad mo ay nahaharap sa iba’t ibang sitwasyon, kalagayan at uri ng pamumuhay. Ang kakayahan mong umunawa sa kanilang kalagayan ay malaki ang ambag sa iyong pakikipagkapwa tao at pakikisama. Sa ganitong paraan ay naibabahagi mo ang iyong sarili sa kanilang kalagayan.

5 of 35

Kopyahin at sagutan ang gawain sa iyong sagutang papel. Lagyan mo ng tsek (✓) kung gaano mo kadalas ginagawa ang mga gawaing nabanggit.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

6 of 35

Gawain

Madalas

Minsan

Hindi

1. Iginagalang ko ang aking kapwa.

2. Hindi ako namimili ng kaibigan.

3. Hindi ko kinukutya ang mga may kapansanan.

4. Nirerespeto ko ang mga may kapansanan.

5. Iginagalang ko ang katayuan sa buhay ng aking kapwa.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

7 of 35

Higit mong mauunawaan ang ibang tao lalo na ang higit na nangangailangan o mahihirap kung ikaw ay may mabuting puso. Upang higit mong maunawaan ito, basahing mabuti ang tula sa ibaba.

8 of 35

Kapwa

GD Viloria

9 of 35

Masdan mo ang iyong kapaligiran

Kalagayan ng kapwa mo’y iyong mauunawaan,

Iba’t ibang antas ng kanilang kabuhayan

Pag-unawa mo’y tunay ngang inaasahan.

10 of 35

Iba’t iba man ang kanilang pinagmulan

Hilaga, silangan, timog o kanluran,

Mahirap o mayaman, payak o maalwan

Iisang hangarin, ika’y maunawaan.

11 of 35

Kapwang may kapansanan

Lubos kong mauunawaan,

Kanilang kalagayan at katayuan

Sarili ko’y ibabahaging lubusan.

12 of 35

Kopyahin at sagutan ang gawain sa iyong ságútang papel. Isulat ang tsek(✓) sa bawat pangungusap kung ang tinutukoy nito ay may kaugnayan sa tulang binasa, ekis (x) naman kung hindi.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

13 of 35

___1. Ang pamagat ng tula ay “Kapwa”.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

14 of 35

___2. Kinakailangan ang pag-unawa sa kalagayan ng iyong kapwa.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

15 of 35

___3. Kahit anoman ang pinagmulan ng iyong kapwa ay kailangan mong silang igalang.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

16 of 35

Natutuhan mo na mainam na sa lahat ng pagkakataon ay makita mo ang kalagayan ng iyong kapwa sa iyo. Sa ganitong paraan ay higit mong makikilala ang iyong kapwa.

17 of 35

Ipabása ang bawat sitwasyon sa iyong mga magulang o kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Sagutan mo ito sa kanilang harapan.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

18 of 35

1. May batà na may kapansanan sa paglakad ang tatawid sa kalsada. Ano ang gagawin mo?

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

19 of 35

2. Walang magagamit na krayola ang kaklase mong hikahos sa buhay. Ano ang gagawin mo?

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

20 of 35

3. May kaklase kang Ayta na pinagtatawanan. Ano ang gagawin mo?

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

21 of 35

Basahin ang bawat sitwasyon at kopyahin sa sagutang papel ang buong gawain sa ibaba. Kulayan ng pula ang hugis bilog kung ang gawain ay nagpapakita ng pagiging magiliw at pagkapalakaibigan. Kulay berde naman ang ikulay kung hindi.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

22 of 35

___1. “Umalis ka rito, ang baho mo!”

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

___2. “Halika rito, aakayin kita sa iyong pagtawid.”

23 of 35

___3. “Ayaw kitáng maging kaibigan, luma ang iyong damit!”

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

___4. “Wala kang baon, ayaw kitáng kaibigan.”

24 of 35

___5. “Narito ang aking ibang damit, sa iyo na lámang.”

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

25 of 35

Gumuhit ng isang comic strip o illustration na nagpapakita sa mga sitwasyon sa ibaba sa gabay ng iyong magulang o kasama sa bahay. Pumili ng isa lámang. Iguhit ito sa iyong ságútang papel.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:

26 of 35

A. Paggalang at pag-unawa sa uri ng kabuhayan ng iba.

B. Paggalang at pag-unawa sa pinagmulan ng kapwa.

C. Paggalang at pag-unawa sa mga may kapansanan.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:

27 of 35

Maging ang mga táong may taglay na kapansanan, higit na pag-unawa at pagmamahal ang kailangang maipadama sa kanila. Mapalad ang isang bátang katulad mo na taglay ang magandang buhay.

28 of 35

Isulat ang OK kung ang pangungusap ay nagsasaad ng pagbabahagi ng sarili sa kalagayan ng kapwa at Di-Ok naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:

29 of 35

___1. “Innah, dalawin natin si Jovy dahil siya ay may sakit.”

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:

30 of 35

___2. “Huwag na natin siyang isama dahil wala naman siyang pera.”

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:

31 of 35

3. “Kuya Ben, nandoon po ang bátang pulubi! Bigyan natin ng pagkain!”

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:

32 of 35

4. “Itay, tatawid ang matandang nakasaklay, alalayan po natin!”

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:

33 of 35

5. “Bata, umalis ka rito!”

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:

34 of 35

Buoin mo ang mahalagang kaisipan sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Assimilation

35 of 35

Assimilation

buhay

pag-unawa

magbabahagi

respeto

Ako ay ____________ ng aking sarili sa iba sa pamamagitan ng _____________ sa kanilang kalagayan at katayuan sa buhay. Ang aking kapwa ay nangangailangan ng ________ at pagpapahalaga.