1 of 14

IBONG ADARNA

SULIRANG PANLIPUNAN AT ANGKOP NA SOLUSYON

2 of 14

Ang Ibong Adarna, bilang hiyas ng panitikang Filipino ay sumasalamin sa mga sitwasyong panlipunan na kinahaharap noong panahong isinulat ito na maaaring makita pa rin hanggang sa ngayon.

3 of 14

Bilang obra maestra, hindi lamang ipinakikilala ng Ibong Adarna ang mga suliranin o problemang panlipunan, bagkus ay ipinadarama nito na kailangan nating kumilos upang mabigyan ito ng solusyon.

4 of 14

Ikaw, bilang kabataan, paano ka makatutulong sa pagbibigay ng solusyon sa suliraning ating kinahaharap sa kasalukuyan?

5 of 14

Bago iyan, atin munang alamin ang suliranin at solusyon.

6 of 14

Ang suliranin ay isang bagay o pangyayari na kinakailangang malutas. Ito rin ay maaaring isang hindi kaaya-aya, kanais-nais, o kasiya-siyang sitwasyon na kailangang maitama. Ito rin ay kilala sa tawag na pagsubok o problema.

7 of 14

Samantala, bawat suliranin ay may solusyon. Ang solusyon ay ang paraan na makatutulong upang malutas ang isang suliranin.

8 of 14

Wastong Paraan sa Pagbibigay ng Mungkahing Solusyon

9 of 14

1. Gumamit ng mga simple o payak na pahayag sa pagbabahagi ng mungkahi upang madaling maunawaan ng kausap ang sinasabi. Iwasan ang pagiging maligoy sa usapan.

10 of 14

2. Gumamit ng magagalang na salita tulad po at opo sa pagpapahayag ng mungkahi.

3. Pakinggang mabuti ang sinasabi o ibinabahagi ng kausap upang maiwasan ang pagiging mapanghusga.

11 of 14

4. Ipahayag ang mungkahi sa malumanay at maayos na paraan.

12 of 14

Tingnan at basahin ang talahanayan na matatagpuan sa link sa ibaba:

https://drive.google.com/file/d/14aNvWoOx-R5-oSg0ZMwQoXghxhM3g7e1/view?usp=sharing

13 of 14

Para sa karagdagang kaalaman, panoorin ang bidyo.

https://www.youtube.com/watch?v=5MFoOZ0dsL4

14 of 14

SANGGUNIAN

Alip, Eufronio M. The Ibong Adarna: A Filipino Metrical Romance.

Dayag, Alma M. 2017. Pinagyamang Pluma 7. Unang Edisyon. Lungsod ng Quezon: Phoenix Publishing House, Inc.

Eugenio, Damiana L. 1965. Awit at Korido: A Study of the Fifty Philippine Metrical Romances in Relation to Their Sources and Analogues. Los Angeles: University of California. "Ibong Adarna." 1994.

CCP Encyclopedia of Philippine Art. Manila: Cultural Center of the Philippines.