1 of 23

Aralin 32

Batang Pinoy Ako, Matatag Ako

By Sir. Rei Marasigan

2 of 23

Unang Araw

3 of 23

Tukoy-Alam

A. Magdikta ng mga limang salita na natutuhan ng mga bata sa mga aralin.

Tingnan kung tama ang pagkakabaybay nila.

Paaralan

Kusina

Kayamanan

Maligaya

Pilipino

4 of 23

Paglalahad

Ang pamagat ng kuwento ating babasahin ay

Pastol Man ay Mabuti Rin.

Ano kaya ang nangyari sa kuwento?

5 of 23

6 of 23

Pastol Man ay Mabuti Rin

(Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 3, St. Mary’s Publishing House)

“Juan, bakit ka masaya?” tanong ng kaniyang nanay nang umuwi si Juan isang hapong iyon.

“Kasali po ako sa dula-dulaan namin sa paaralan para sa Pasko,” sagot ni Juan.

“Anong papel ang iyong gagampanan sa dula-dulaan?” tanong ng Nanay.

“Hindi ko po alam. Bukas pa po ibibigay ng guro ang aming mga papel.”

Masayang-masaya si Juan nang matulog. Sabik na sabik siyang malaman ang papel na kaniyang gagampanan sa dula-dulaan.

Kinabukasan, maaga siyang gumising at naghanda sa pagpasok.

7 of 23

Masigla siyang nagpaalam sa kaniyang nanay at saka tumungo sa paaralan.

Natutuwa rin ang kaniyang nanay.

Ngunit malungkot nang umuwi si Juan noong hapong iyon. Matamlay siyang lumapit sa kaniyang nanay.

“Anong nangyari, Juan? Wala ka bang papel sa dula?”

“Mayroon po, Nanay.”

“Ganoon naman pala. Bakit ka malungkot?”

“Mangyari po, isang pastol ang ibinigay sa aking papel.

Ayaw ko po ng papel na pastol. Ang gusto ko po ay maging anghel. Hindi nila ako

binigyan ng papel na anghel.”

8 of 23

“Alam mo, Juan, hindi natin laging natatamo ang lahat ng ating naisin.

At mainam naman ang papel ng pastol. Mahalaga ang ginampanang papel ng

mga pastol. Hindi ba mga pastol ang nakakita sa tala at sila ang unang pumunta sa sanggol na Jesus?”

Napangiti si Juan.

“Siyanga po pala, Nanay. Mainam nga ang papel na pastol.”

9 of 23

Pagtalakay at Pagpapahalaga

  • Ano ang pamagat ng kuwento?
  • Sino-sino ang tauhan?
  • Tungkol saan ang kuwento?
  • Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?
  • Bakit mahalaga ang mga pastol?
  • Ano ang nangyari kay Juan sa kuwento?
  • Ano-ano ang damdamin ni Juan sa kuwento?
  • Ano ang dahilan ng kaniyang mga naging damdamin

sa kuwento?

  • Tama ba ang nagiging damdamin niya?
  • Paano nagbago ang kaniyang damdamin?
  • Ano ang mensahe ng kuwento?
  • Paano mo dapat tanggapin ang pagkabigo?

10 of 23

Pagpapayamang Gawain

May karanasan ka bang tulad ng kay Juan?

Ibahagi ng sariling karanasan na katumbas

ng napakinggang kuwento.

11 of 23

Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin?

12 of 23

Karagdagang Pagsasanay

  • Iguhit ang tauhan na nais mong gampanan sa dula-dulaan na sinalihan ni Juan.
  • Ipakita ang iginuhit at

bigyan ng paliwanag ang ginawa.

13 of 23

Ikalawang Araw

14 of 23

Tukoy-Alam

  • Ating balikan ang kuwento noong unang araw.
  • Bakit masaya si Juan?
  • Bakit nalungkot si Juan?
  • Paano napawi ang kaniyang lungkot?

15 of 23

Paglalahad

Ano ang pag-aalagang ginagawa ng inyong mga magulang?

16 of 23

Bakit kaya naging inspirasyon si Kano?

Ano ang katatagang ipinakita niya?

Alamin sa ating kuwento.

17 of 23

Kano

Sa isang bayan sa Mindoro, may isang mag-aaral na ang pangalan ay Albastru Biglang-awa Razboinic. Tawagin na lang natin siyang Kano. Lumaki siyang hindi man lamang naramdaman ang pagmamahal ng isang tunay na magulang. Ang kaniyang ama na isang taga-Romania ay nasa piitan dahil sa pagkakasangkot sa isang krimen. Ang kaniya namang ina ay hindi na nagbalik mula nang ihatid siya galing sa Italya. Tanging ang kaniyang lola ang nagsilbing ina niya, si Lola Insyang.

18 of 23

Tuwing gabi, pagkatapos ng mga gawain sa bahay at sa

paaralan, agad siyang dudungaw sa kanilang bintana. Titingala sa kalangitan at hahanapin ang kaniyang bituin. Ito ang nagbibigay sa kaniya ng pag-asa na balang araw magkikita pa rin sila ng kaniyang mga magulang.

Lagi niyang bukambibig, “Marami po akong natanggap na biyaya….teka po…nakalista po ….matulog nang busog…..teka po…sandali lang po….isa…hmm….mga tatlumpung beses na po…..nakipanood ng telebisyon sa kabilang bayan…..mga isa…..dalawa….sampu po!….naligo sa ilog….halos linggo-linggo….kumain ng sorbetes….…isa…Ay!…isa..lang talaga….Ah

heto….kumain ng hopya…..isang daang beses…yan po

….nakasulat yan….pati po petsa….salamat po Titser Blu…”

19 of 23

Isang araw, nagpaalam si Kano kay Titser Blu. Lilipat na sila sa kabilang bayan. Kinuha na ng tunay na may-ari ang lupang kinatitirikan ng kanilang munting dampa.

“Paalam, Kano. Alam ko isang araw, magkikita pa rin tayo.

Sa araw na iyon, alam kong ibang Kano na ang aking makikita.

Salamat sa pagiging kaibigan ko. Salamat sa pagiging inspirasyon ko,” ang sabi ni Titser Blu.

20 of 23

Pagtalakay at Pagpapahalaga

  • Sino ang bida sa teksto?
  • Ilarawan siya.
  • Ano ang katangian ni Kano?
  • Dapat ba siyang tularan?
  • Paano ka magiging isa ring Kano?
  • Isulat ang mga tanong na ito sa pisara. Ipabasa sa mga bata.
  • Sa tapat nito, isulat ang sagot na ibibigay ng mga bata.
  • Ipabasa ito sa mga bata.
  • Bakit siya naging inspirasyon sa buhay ni Titser Blu?
  • Paano naging matatag si Kano sa kabila ng mga paghihirap niya?
  • Ano ang isinasagot sa tanong na bakit? Paano?

21 of 23

Pagpapayamang Gawain

Kumpletuhin ang mga tanong batay sa kuwento ni Kano.

1. Bakit _________________?

2. Paano ________________?

22 of 23

Paglalahat

Ano ang sagot sa tanong na bakit?

Paano?

23 of 23

Karagdagang Pagsasanay

Sino ang iyong inspirasyon?

Iguhit kung bakit at paano siya

naging inspirasyon mo..