1 of 55

Edukasyon sa Pagpapakatao 9

Modyul 5: Kagalingan sa Paggawa

2 of 55

Edukasyon sa Pagpapakatao 9

Modyul 5: Kagalingan sa Paggawa

3 of 55

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

4 of 55

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

5 of 55

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon

6 of 55

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

7 of 55

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan

8 of 55

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

9 of 55

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

10 of 55

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay

11 of 55

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

12 of 55

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin

13 of 55

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

14 of 55

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

15 of 55

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

16 of 55

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

17 of 55

Mga Layunin

Kaalaman: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng katangiang nakakatulong sa pagkakaroon ng matinong pag-iisip na kailangan upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa.

Saykomotor: Nakagagawa ng plano sa buhay na ayon sa katangiang nakakatulong sa pagkakaroon ng matinong pag-iisip na kailangan upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa.

Apektiv: Napahahalagahan ang katangiang nakakatulong sa pagkakaroon ng matinong pag-iisip na kailangan upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa

18 of 55

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

19 of 55

1. Ano ang ibang tawag sa pagiging palatanong?

a. Curiosita c. Sansazione b. Dimostrazione d. Sfumato

2. Ano ang ibang tawag sa pagiging bukas sa pagdududa, kawalang katiyakan?

a. Curiosita c. Sansazione b. Dimostrazione d. Sfumato

3. Ano ang ibang tawag sa pagsubok ng kaalaman gamit ang karanasan, pagpupunyagi at ang pagiging bukas na matuto sa mga pagkakamali ?

a. Curiosita c. Sansazione b. Dimostrazione d. Sfumato

20 of 55

4. Ano ang ibang tawag sa patuloy na pagkatuto ang panlabas na pandama bilang paraan upang mabigyang-buhay ang karanasan?

a. Curiosita c. Sansazione b. Dimostrazione d. Sfumato

5. Ano ang ibang tawag sa pagkilala sa pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng bagay?

a. Arte/Scienza c. Connessione b. Corporalita

d. Sfumato

21 of 55

6. Ano ang ibang tawag sa paglalapat ng balanse sa sining, siyensya, lohika at imaginasyon?

a. Arte/Scienza c. Connessione b. Corporalita

d. Sfumato

7. Ano ang ibang tawag sa pananatili ng kalusugan at paglinang ng grace at poise?

a. Arte/Scienza c. Connessione b. Corporalita

d. Sfumato

22 of 55

8. Tama ba na hindi kailanman mararamdaman ang pagod at unti-unting masusumpungan mo ang damdaming para kang nasa langit, lalo na kung bahagi ng iyong kinikita ay ibinabahagi mo sa mga nangangailangan?

a. Tama c. Pwede b. Mali d. Depende

23 of 55

9. Ito ay tumutukoy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kaniyang paligid.

a. Masipag c.Tiyaga b. Malikhain d. Kasipagan

10. Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain nang buong puso.

a. Masipag c. Tiyaga b. Malikhain d. Kasipagan

24 of 55

Balikan

Panuto: Sagutin ang nasa loob ng kahon.

25 of 55

a. Ano- anong pagpapahalaga sa paggawa ang taglay mo na na kailangan mo pang malinang?

26 of 55

Tuklasin

Panuto: Sagutin ang nasa ibaba.

1. Ano-anong mga pamamaraan ang iyong gagawin upang magkaroon ng kalidad at kagalingan ang iyong gagawing produkto o ibibigay na serbisyo?

27 of 55

Suriin

28 of 55

Ang mga hakbang na ito ay susi sa kaganapan nang iyong tunguhing makagawa ng isang gawaing di matatawaran ang kalidad. Ang kagalingan sa paggawa ng isang gawain ay ayon sa kung paano isinagawa nang maayos ang mga hakbang na dapat gawin o isaalang-alang. Ang mga sumusunod na kakayahan ay makatutulong din upang magkaroon ng matalinong pag-iisip na kailangan upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa (“How to Think Like Leonardo da Vinci” ni Michael J. Gelb):

29 of 55

30 of 55

1. Mausisa (Curiosita).

Ang taong mausisa ay maraming tanong na hinahanapan niya ng kasagutan. Hindi siya kontento sa simpleng sagot o mababaw na kahulugan na kanyang narinig o nabasa. Dahil sa kanyang masidhing pagkahilig sa pagbabasa, pag-aaral at pag-eeksperimento, nakadidiskubre siya ng bagong kaalaman o produkto na magiging isang malaking konstribusyon sa kaalaman o nakapagpapaunlad ng kalidad ng buhay.

31 of 55

Halimbawa:

Sa pamamasyal ni Johnlu Koa sa ibang bansa, napansin niya na kakaiba ang mga tinapay na ibinebenta sa restaurant na pinuntahan nila. Nagtanong-tanong si G. Koa sa kung paano ito ginagawa, ano-ano ang sangkap nito, paano ang paraan ng pagluluto nito at marami pang iba. Ang ideyang ito ang nagbigay daan sa kanya upang buuin sa isip niya na dadalhin niya ito sa bansang kanyang kinagisnan at dito na nga nagsimula ang pagkakatatag ng French Baker

32 of 55

Taong 1989 ng unang buksan ni G. Koa ang kauna-unahang sangay ng French Baker at ito ay sa SM North Edsa na kung saan iba’t ibang klase ng tinapay ang kanilang ibinebenta sa presyong kaya ng lahat. Nang sumunod na taon pinalawak niya ang French Baker bilang isang uri ng “restaurant”, kasama sa mga inihahanda ang mga produkto at tinapay na sadyang si G. Koa ang gumawa, umisip ng sangkap, mga imported na kape, tsaa at iba pa.

33 of 55

2. Demonstrasyon (Dimostrazione).

Ito ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga di malilimutang karanasan sa buhay upang maging matagumpay at maiwasang maulit ang anomang pagkakamali. Sa karanasang ito natututo ang isang tao na tumayo at muling harapin ang hamon na gumawa muli.

34 of 55

Halimbawa:

Pinangarap ni Sandy Javier na magtayo ng tindahan ng litson ng manok. Inumpisahan niya ito sa pamamagitan ng ilang piraso ng manok na inutang niya sa kaibigan ng kanyang nanay. Sa unang subok ni Sandy iilan lamang ang nabenta sa mga manok na kanyang inihanda. Pinag-aralan niya ito nang mabuti hindi sumuko kundi nagsilbi pa itong hamon upang pag-aralan ang negosyo na kanyang inumpisahan taong 1985 nang gantimpalahan ang pagod at sakripisyo ni G.

35 of 55

Javier nang mag-umpisang dumugin ang kanyang tindahan ng mga tao dahil sa tinda nitong litsong manok at liempo. At mula noon nakilala na ito at nagsimula na ito lumaki nang lumaki at buksan ito “for franchise”. Sa kasalukuyan may mahigit sa 300 na sangay ito at patuloy na dumarami ang sangay nito.

36 of 55

3. Pandama (Sansazione).

Ito ang tamang paggamit ng mga pandama, sa pamamaraang kapaki-pakinabang sa tao. Ang kakulangan ng bahagi ng katawan ay hindi hadlang upang isakatuparan ang tunguhin.

37 of 55

Halimbawa: Ang pagiging bulag ni Maria Gennett Roselle Rodriguez Ambubuyog ay hindi naging hadlang upang maisakatuparan niya ang kanyang pangarap sa buhay. Ang pagpapamalas niya ng kagalingan ay di matatawaran bilang patunay ng kanyang kagalingan iba’t-ibang parangal ang kanyang nakuha bukod sa lagi siyang kinukuha

38 of 55

bilang tagapagsalita sa mga iba’t ibang pagtitipon. Sa kasalukuyan si Bb. Ambubuyog ay Product & Support Manager ng Code Factory, S.L. sa Barcelona, Spain, na nangungunang tagapagtustos ng screen-reading, magnification at Braille access solutions para sa mga bulag at bahagyang nakakikita gamit ang mobile devices tulad ng cell phones at personal digital assistants (PDAs.)

39 of 55

4. Misteryo (Sfumato).

Ito ang kakayahang yakapin ang kawalang katiyakan ng isang bagay, kabaligtaran ng inaasahang pangyayari. May mga pagkakataon sa buhay ng tao na nangyayari ang hindi inasahan at ang hindi inaasahan na ito ay ang siyang magbibigay ng pagbabago sa buhay niya bilang tao.

40 of 55

Halimbawa:

Ang tagumpay na tinatamasa ng pamilya ni Ryzza Mae Dizon ay hindi kailanman nila ito inaasahan. Sumasali sya sa mga kiddy pageant noon pero hindi siya pinalad na manalo. Ngunit hindi naging balakid ito sa pag-abot ng kanyang mga pangarap hanggang makasali siya sa Little Ms. Philippines. Di pinalad pero nabigyan ulit ng pagkakataon para sa patimpalak na ito at dito na nga nagsimula ang lahat. Sa kasalukuyan si Ryzza ay kinagigiliwan bilang host, commercial model at artista.

41 of 55

5. Sining at Agham (Arte/Scienza).

Ito ang pantay na pananaw sa pagitan ng agham, sining katuwiran at imahinasyon. Binibigyang diin nito ang kaalamang magpapatibay upang lalo pang maging malikhain ang pag-iisip.

42 of 55

Halimbawa:

Ang ginagawang pagsasaliksik ng mga kilalang indibidwal upang makalikha nang isang proyekto na makatutulong sa tao. Ginagawa nila ang pagsisiyasat bilang isang paraan ng sining upang makabuo at makagawa ng produkto o gawaing kapakipakinabang gaya nang gawa ni Dr. Rafael D. Guerrero na unang nagpasimula ng Vermicomposting Science and Technology sa bansa at maging sa Timog Silangang Asya. Inilahad niya ang unang pananaliksik na ginawa niya sa Charles Darwin Centenary Symposium on Earthworm Ecology sa Inglatera noong 1981, bilang isa sa 150 na mananaliksik sa buong mundo. Kilala rin siya bilang may natatanging kaalaman sa vermineal production sa buong mundo

43 of 55

Bukod sa mga nabanggit, marami pa siyang ginawang pananaliksik na naging daan upang maging tanyag siya sa kanyang larangang pinili. Ang pinakahuli sa kanyang trabaho ay malaking tulong sa mga magsasaka upang magamit pang muli ang mga “farm wastes” na lubos na nakatutulong sa tinatawag na “curbing pollution, emission of carbon dioxide,” at iba pang “greenhouse gases” na nagpalalala sa “global warming”

44 of 55

6. Ang kalusugan ng pisikal na pangangatwan (Corporalita).

Ito ang tamang pangangalaga ng pisikal na pangangatawan ng tao upang maging malusog upang maiwasan ang pagkakaroon ng karamdaman. Kasama dito ang pag-iwas sa anomang bisyo na pwedeng makasama sa katawan.

45 of 55

Halimbawa:

Iniiwasan ni Bernard ang matataba, maaalat na pagkain, magpuyat, uminom ng alak at iba pang bisyo sa kagustuhang maging malusog at hindi magkasakit. Marami pang pangarap ang gusto niyang isakatuparan para sa kanyang pamilya kaya pinapanatili niyang malusog ang kanyang pangangatawan.

46 of 55

7. Ang pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng bagay (Connessione).

Ito ang pagkilala at pagbibigay pagpapahalaga na ang lahat ng bagay at mga pangyayari ay may kaugnayan sa isa’t-isa. Ayon sa Law of Ecology: “Everything is connected to everything else.” Ang mga halaman ang nagbibigay ng oxygen sa lahat ng uri ng mga hayop, ang mga hayop naman ay naglalabas ng carbon dioxide na gagamitin ulit ng mga halaman sa paggawa ng pagkain.

47 of 55

Halimbawa:

Kailangan ng tao ang makakain, ang pagkain niya ay nagmumula sa hayop, puno at mga halaman. Ang halaman, puno at hayop ay bahagi ng kapaligiran, ito ang pangunahing dahilan kung bakit iniingatan ng tao ang kanyang kapaligiran kasama na ang pag-aalaga sa mga hayop, puno at halaman na nakapaligid dito.

48 of 55

Sa pamamagitan ng mga kaalamang ito masasabi na ang isang paggawa ay may kagalingan kung naisasaalang-alang at nasasagot ang mga tanong na: ito ba ay pinag-isipan, nasunod ba ang mga hakbang na dapat gawin upang ito ay isakatuparan, ito ba ay bunga ng maurirat na kaisipan, nagagamit ba ang kakayahang ipinagkaloob ng Diyos, naging masining ba ang pagkakagawa ng produkto o gawain, nagamit ba ang karanasang natutunan mula sa aral ng buhay? Ang mga katanungang ito ay krayteryang maituturing upang masabi na ang paggawa ay may kagalingan o kalidad.

49 of 55

Pagyamanin

Panuto: Suriin ang kahalagahan ng pagiging malikhain gamit ang iba’t ibang pagpapahalaga. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno, gamit ang sumusunod na gabay na tanong:

1. Bakit mahalaga na isaalang-alang mga mga katangian at kakayahang ito? Ipaliwanag.

2. May kakayahan ka bang isabuhay ang mga katangian at kakayahang ito? a. Kung Oo, ipaliwanag. b. Kung Hindi, ipaliwanag.

50 of 55

Isaisip

Panuto: Sumulat ng pagninilay sa kuwaderno sa paksa gabay ang talahanayan sa ibaba.

51 of 55

Alin sa mga kakayahan ang pinaka makatutulong sa iyo upang magkaroon ka ng matalinong pag-iisip na kailangan upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa?

52 of 55

Isagawa

Panuto: Anong mahalagang konsepto ang nahinuha mo mula sa nagdaang gawain at babasahin na binasa. Pag-uugnay ng batayang konsepto sa pag-unlad ko bilang tao

1. Ano ang kabuluhan ng batayang konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?

2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito

53 of 55

Tayahin

Panuto: Pagnilayan ang mga sumusunod at isulat ang naging reyalisasyon o pagunawa:

1. Saan nakasalalay ang kagalingan ng paggawa?

2. Sino ang pangunahing susi sa pagbabago sa mundo ng paggawa?

3. Sino-sino ang kabahagi upang makamit ang inaasam na tagumpay ng bansa sa mundo ng paggawa?

54 of 55

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng isang liham ng pasasalamat sa Diyos sa mga kakayahan at biyayang ipinagkaloob Niya na makatutulong upang magtagumpay sa buhay para sa sarili, pamilya at sa bansa. Isulat ito sa iyong journal.

55 of 55

The End.

Thanks for listening!