1 of 35

Aralin 33

Pilipino Ako May Mayamang Kultura

by: Sir Rei Marasigan

2 of 35

UNANG ARAW

3 of 35

Tukoy-Alam

Ano ang inyong reaksyon sa larawan?

4 of 35

Paglalahad

Ano ang inyong naiisip kapag naririnig ninyo ang salitang ..

KULTURA

5 of 35

Basahin nang malakas.

Kulturang Pilipino

Ma. Luisa O. Felicia

Ang bansa nati’y mayaman sa katutubong wika

Kaya mamamayan nati’y iba-iba ang salita

Ngunit bawat isa nito’y dapat bigyang-halaga

Upang bansa nati’y magkaunawa at lumigaya.

Kung ang bawat Pilipino’y may pagpapahalaga

Sa mga kulturang Pilipinong ating minana

Sa mga ninunong sinauna

Tiyak na lalago ang ating kultura.

6 of 35

Hindi ko naman sinasabing mabubuti ang lahat nito ngunit manahin sana natin ang makabubuti sa ating pagkatao

At iwaglit naman ang hindi makabubuti sa tao

Upang sumulong din ang bansa nating mga Pilipino.

Ang salitang opo ay nakakalimutan na

Pati na rin ang pagmamano sa mga nakatatanda

Ngunit mga kagawiang ito'y napakaganda

Maipamulat sana natin sa mga bata.

7 of 35

Pagtalakay at Pagpapahalaga

Anong mga salita ang hindi nauunawaan sa napakinggang tula?

Ano ang tinatalakay sa napakinggang tula?

Ano ang isinasaad ng unang taludtod? Pangalawa? Pangatlo? Pang-apat?

Saan mayaman ang Pilipinas?

Ano-ano ang kultura ng mga Pilipino?

Ano ang mangyayari kung pahahalagahan natin ang ating kultura?

Paano natin mapahahalagahan ang ating kultura?

Ano-anong kultura natin ang nakabubuti sa pag-unlad ng bayan?

8 of 35

Pagpapayamang Gawain

Totoo ba na nakalimutan mo na ang paggamit ng po o opo?

Pag-uulat ng bawat pangkat sa napag-usapan sa pangkat.

9 of 35

Paglalahat

Ano-ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng reaksyon sa isang paksa o isyu?

10 of 35

Karagdagang Pagsasanay

Balikan ang inyong mga reaksyon sa simula ng klase.

Lagyan ng marka ang inyong sarili.

Gamitin ang rubric na ito.

11 of 35

IKALAWANG ARAW

12 of 35

Tukoy-alam

Nakasali ka na ba sa Santacruzan o sa isang reynahan?

13 of 35

Paglalahad

Ano ang mahalagang ginagampanan ng Prinsipe at reyna sa Santacruzan?

14 of 35

Kakaibang Prinsipe Konstantino

Angelika D. Jabines

Mayo 31. Ang araw na pinakahihintay ng lahat.

Aiah: Wow! Ate, ang ganda mo talaga.

Angela: Ikaw rin, ang ganda mo!

Teka, nasaan ang pakpak mo?

Aiah: Inaayos pa ni Ate Bobie.

Angela: Si Kamille, bihis na ba?

Aiah: Nagbibihis na rin. Sana paglaki ko maging Reyna Elena rin

ako katulad mo.

15 of 35

Angela: Hayaan mo, itatago ko ang aking korona para may magamit ka.

Tara na, andiyan na si Nonong. Baka mahuli tayo. Tawagin mo na sila.

Aiah: Nanay, Von, Ate Kamille, tayo na!

Nanay: Von, akin na sabi iyang pakpak ng ate mo. Lalakad ka lang sa tabi ni Ate Angela mo.

Hindi ka isang anghel.

16 of 35

Pagtalakay at Pagpapahalaga

Bakit kakaiba si Prinsipe Konstantino?

Sino-sino ang nag-uusap?

Ano ang pinag-uusapan nila?

Bakit pinakahihintay ng lahat ang Mayo 31?

Ano-ano ang pangyayari sa usapang napakinggan?

Dapat pa bang ipagpatuloy ang kaugaliang ito? Pabigyan ng katwiran ang

sagot na ibibigay ng bawat bata na tatawagin.

Paano mo pahahalagahan ang mga pagdiriwang sa bansa na tulad nito?

17 of 35

Pagpapayamang Gawain

Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa natutuhan

sa usapang binasa.

18 of 35

Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin?

19 of 35

Karagdagang Pagsasanay

Iguhit ang isang okasyon o pagdiriwang na hindi mo

malilimutan. Sumulat ng isang pangungusap tungkol dito.

20 of 35

Ikatlong Araw

21 of 35

Tukoy-Alam

MAGANDA

MAKULAY

KAPISTAHAN

PRUSISYON

MATIBAY

MASARAP

REYNA

PRINSIPE

KASUOTAN

PANG-URI BA O HINDI?

22 of 35

Paglalahad

Gumuhit ng damit para kay Angela (Group 1) at korona (Group 2) na kaniyang gagamitin.

Pagpapakita ng natapos na gawain.

Ilarawan ang damit at korona na inyong iginuhit.

23 of 35

Basahin muli ang “Kakaibang Prinsipe Konstantino.”

Ilista ang mga salitang naglalarawan.

PANG-URI

24 of 35

Pagtalakay at Pagpapahalaga

Ano-ano ang pang-uri na ginamit sa usapan? Itala ang sagot ng mga bata.

Ano ang inilarawan ng bawat isa?

Ipabasang muli ang inilistang mga salita.

Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap.

Tama ba ang pagkakagamit ng pang-uri?

25 of 35

Pagpapayamang Gawain

Pag-aralan ang larawan. Sumulat ng dalawang

pangungusap na maglalarawan ng nakikita dito.

26 of 35

Karagdagang Pagsasanay

Sa pamamagitan ng mga linya, hugis at kulay, ilarawan ang isang okasyon sa pamayanang kinabibilangan. Gawin ito sa isang malinis na papel.

27 of 35

Ikaapat na Araw

28 of 35

Tukoy-Alam

Ipaawit: “Lubi-lubi”

Pag-usapan ang awit.

29 of 35

Paglalahad

Basahin natin muli ang usapan nina Angela at Aiah.

30 of 35

Pagtalakay at Pagpapahalaga

  • Sino sa mga tauhan dito ang nais mong tularan?
  • Pabigyang-katwiran ang pagpili na ginawa.
  • Sino sa mga tauhan sa usapan ang nais mong tularan?

31 of 35

Pagpapayamang Gawain

Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa natutuhan sa pictograph na ginawa ng klase.

Tauhan

Babae

Lalake

Aiah

Angela

Von

Kabuuan

32 of 35

Paglalahat

Ano ang pictograph?

33 of 35

Karagdagang Pagsasanay

Sa pamamagitan ng isang pictograph, ipakita kung ilan sa pangkat ang nakasali na sa Santacruzan, Flores de Mayo o sa isang reynahan.

Halimbawa.

Nakasali

Hindi Pa Nakasali

kabuuan

34 of 35

IKALIMANG ARAW

35 of 35

Panlingguhang Pagtayaya

Sumulat ng tatlong pangungusap na maglalarawan ng isang prusisyon, reynahan o

parada na maaaring nasaksihan o nasalihan. Ilarawan ito at guhitan ang pang-uri na ginamit.