1 of 39

Aralin 39

Pagpapaunlad ng Bansa Ko, Kaisa Ako

BY SIR. REI MARASIGAN

2 of 39

Tukoy-Alam

Pag-usapan ang ipakikitang mga larawan.

3 of 39

Paglalahad

Ano ang naaalala ninyo sa tuwing

makakakita nito.

“Saan Kaya Napunta?” Yan ang pamagat ng ating kwento.

Ano kaya ang nangyari sa kuwento?

Basahin nang malakas ang kuwento.

4 of 39

Saan Kaya Napunta?

Masayang sinalubong ni Dennis ang kaniyang tatay na kagagaling lamang sa kaniyang trabaho. Iniabot nito sa kaniya ang isang supot.

Agad itong binuksan ni Dennis. Isang maliit na pakete na may nakaguhit na mga kamatis ang laman nito. Malulungkot na sana si Dennis nang lumapit

ang kaniyang tatay. Niyakag siya sa likod-bahay. Nagdukal ng lupa. Kinuha ang pakete na hawak ni Dennis. Hindi nagtagal tumulong na rin si Dennis sa ginagawa ng

kaniyang ama.

5 of 39

Binilinan siya ng Tatay na diligan ito at alagaan.

Kinabukasan, maagang nagising si Dennis. Pinuntahan niya ang lugar na pinagbaunan nilang mag-ama ng mga buto. Takang-takang siya. Wala siyang kamatis na nakita. Saan kaya napunta ang mga buto?

Sumunod na araw. Ganoon pa rin. Wala pa rin.

Araw-araw, wala. Hanggang sa napagod na sa paghihintay si Dennis.

Makaraan ang ilan pang araw nagulat na lamang si Dennis nang mula sa malayo ay may matanaw maliliit na kulay berde sa lugar na kanilang

pinagbaunan.

6 of 39

Dali-dali siyang pumunta rito. Tuwang-tuwa siya nang makita nga na may mga bagong dahon na lumalabas mula sa ilalim ng lupa.

Lalo siyang nasabik kaya tuwing umaga, binibisita niya ito at kung tuyo na ang lupa, agad niya itong dinidiligan.

Ilan pang araw, lumaki na ang halaman. Namulaklak. Namunga.

Pinagtulungan nilang mag-ama ang pangunguha ng naglalakihan at nagpupulahang mga kamatis mula sa hardin ni Dennis. Masayang binilang ni Dennis ang natira niyang pera matapos bumili ng

tinapay para sa kaniyang ina at mga kapatid.

7 of 39

Ano ang pamagat ng kuwento?

Tungkol saan ang kuwento?

Ano ang pasalubong ng Tatay ni Dennis?

Bakit nainip si Dennis?

Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?

Anong katangian ang ipinakita ni Dennis?

Ano ang naging bunga nito?

Ano ang magiging bunga kung lahat ay magiging katulad ni Dennis?

8 of 39

Pagpapayamang Gawain

  • Pangkat-pangkatin ang klase.
  • Pag-usapan sa pangkat ang mga naobserbahang pangyayari na may kinalaman

sa pagtutulungan sa pamilya, paaralan o sa pamayanan.

  • Tumawag ng pangkat upang iulat ang mga napag-usapan sa pangkat.

9 of 39

Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin?

10 of 39

Karagdagang Pagsasanay

Tumawag ng bata upang iulat ang mga naobserbahan sa natapos na

pangkatang gawain.

11 of 39

Day 2

12 of 39

Tukoy-Alam

Maghanda ng ilang malalaking papel.

Ano ang unang pangyayari sa kuwento? Tumawag ng bata upang iguhit ito sa

inihandang malaking papel. (Gawin ito hanggang sa matapos ang kuwento.)

Ipasalaysay sa mga bata ang napakinggang kuwento sa tulong ng natapos na mga larawan ng kuwento.

13 of 39

Paglalahad

Tulungan ang batang babae na makarating sa kabila ng ilog.

Paano mo siya tutulungan?

14 of 39

Tulay na Kahoy

Dahil sa malakas na ulan, natanggal ang isang malaking kahoy na nagsisilbing tulay sa ilog na malapit sa bahay nina Pipoy Pagong. Hindi tuloy makapasok sa paaralan ang mga bata. Hindi makapasok sa kani-kanilang trabaho ang kaniyang mga kabaryo. Madilim-dilim pa inumpisahan na ni Pipoy na hilahin ang isang malaking kahoy na kaniyang nakita. Hanggang sa inabot

na siya ng pagsikat ng araw at sa pagdating ni Kulas Kuneho.

15 of 39

“Ano kaya ang gagawin na naman ni Pipoy?”

Naupo siya sa tabi ng ilog at nangingising pinanood si Pipoy. Makalipas ang ilang oras, natapos din sa wakas si Pipoy sa pagkakatang ng mga bato sa isang dulo ng kahoy. Palangoy na si Pipoy sa kabilang dulo nang maisipan ni Kulas na maglaro.

Parehong abala sa magkabilang dulo sina Pipoy at Kulas.Pagbalik ni Pipoy, napakamot ng ulo at takang-taka kung bakit nawala ang mga bato na kaniyang inilagay. Kayapinagtiyagaan niya na gawin muli ito.

16 of 39

Habang abala si Pipoy sa kabilang dulo, si Kulas naman ay abala na rin sa kabilang dulo ng tulay. At sa pagtulak niya ng isang malaking bato, kasama siyang nahulog sa malamig na tubig ng ilog.

“Tulong! Tulong!”

Hindi pala siya marunong lumangoy.

Nakita ni Pipoy ang sinapit ni Kulas. Hindi nagdalawang-isip agad siyang lumangoy palapit kay Kulas. Pagmulat ng mga mata ni Kulas, nakaupo si Pipoy sa kaniyang tabi.

17 of 39

“Kumusta ka na?”

“Nilagyan kita ng kumot para hindi ka lamigin.”

Napahiya si Kulas sa ginawa ni Pipoy. Agad siyang bumangon at nag-umpisang maghakot ng bato. Isa-isang

inilagay ito sa kabilang dulo ng tulay na kahoy habang si Pipoy ay abala sa kabilang dulo.

Madilim na rin nang matapos ang kanilang ginagawa. Masayang pinanood ng bagong magkaibigan ang kanilang mga kabaryo na masayang tumatawid sa bagong tulay na kahoy na kanilang ginawa.

18 of 39

Pagtalakay at Pagpapahalaga

  • Para saan ang tulay na kahoy?
  • Balikan ang mga naitalang sagot ng mga bata. Tutukuyin ng kung alin sa mga ito ang sagot sa tanong na ibinigay.
  • Bakit nawala ang tulay sa bayan nina Pipoy Pagong?
  • Paano nakatulong si Pipoy sa kaniyang kababaryo?
  • Sino si Kulas Kuneho?
  • Ano-ano ang ginawa niya sa kuwento?
  • Paano niya natutuhan ang kaniyang leksyon?
  • Paano siya bumawi kay Pipoy?

19 of 39

20 of 39

Pagpapayamang Gawain

21 of 39

Karagdagang Pagsasanay

Iguhit ang sarili mong pangarap. Ilagay din kung paano mo ito maaabot.

22 of 39

Paglalahat

  • Paano nakagagawa ng buod ng isang talata o kuwento?
  • Upang makuha ang buod o lagom ng binasa, kailangang alamin ang paksa ng

bawat talatang bumubuo ng seleksyon. Sa tulong ng mga paksang ito,

makukuha ang diwa ng binasa.

23 of 39

Karagdagang Pagsasana

Pumili at bumasa ng isang kuwento. Gamitin ang format na nasa ibaba sa pagbuo at pagsulat ng buod nito.

24 of 39

Day 3

25 of 39

Tukoy-Alam

Magpabigay ng isang pangungusap tungkol sa kuwento nina Pipoy at Kulas.

Ano ang pang-ukol na ginamit?

26 of 39

Paglalahad

Basahin muli ang kuwentong “Tulay na Kahoy” upang

madugtungan nang wasto ang sumusunod na parirala.

1. Ang kuwento ay tungkol sa ______________.

2. Ang tulay ay para sa ________________.

3. Ayon kay ____________________.

27 of 39

Pagtalakay at Pagpapahalaga

  • Ano-ano ang salitang ginamit upang mag-ugnay sa pangungusap?
  • Ano-ano ang pinag-ugnay sa bawat pangungusap?
  • Kailan ginagamit ang tungkol sa? Para sa? Ayon kay?

28 of 39

Pagpapayamang Gawain

Buhat sa kuwento ng magkaibigang Pipoy, sumulat ng dalawang pangungusap gamit ang mga pang-ukol na natutuhan.

29 of 39

Paglalahat

Kailan ginagamit ang pang-ukol?

30 of 39

Karagdagang Pagsasanay

Sumulat ng isang talata na may tatlo hanggang limang pangungusap tungkol sa isang nasaksihang pangyayari. Guhitan ang mga pang-ukol na ginamit.

31 of 39

DAY 4

32 of 39

Tukoy-Alam

Sino ang mga tauhan sa kuwento?

Ilarawan ang bawat isa.

33 of 39

Paglalahad

Basahin muli ang

“Tulay na Kahoy.”

34 of 39

Pagtalakay at Pagpapahalaga

Tama ba ang paglalarawang ginawa sa bawat tauhan ng kuwento?

Sino ka sa dalawang tauhan?

Tingnan ang graph sa ibaba.

35 of 39

Pagpapayamang Gawain

Nasa susunod na pahina ang graph na nagpapakita ng iba’t ibang paraan kung paano tayo makatutulong sa pag-unlad ng bansa. Pag-aralan ito upang masagot

ang mga tanong tungkol dito.

36 of 39

Pag-aaral

nang mabuti

Pagtitipid

Pagtatanim ng

puno

Pangangalaga

sa kalikasan

Pagiging

laging handa

Pangangalaga

sa kalusugan

Mga Paraan

Bilang ng mga Nagsipagsagot

Pagtulong sa Pagpapaunlad ng Bansa

37 of 39

1.Anong paraan ang gagawin ng pinakamaraming babae?

2.Anong paraan ang kakaunti ang lalaking gagawa?

3.Aling paraan ang may pinakakaunti ang gagawa?

4.Ilan ang magtatanim ng puno?

5.Ilang babae ang mangangalaga sa kalikasan?

6.Ilang lalaki at babae ang mag-aaral nang mabuti?

38 of 39

Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin?

39 of 39

Karagdagang Pagsasanay

Sumulat ng isang talata na may tatlo hanggang limang

pangungusap tungkol sa isang nasaksihang pangyayari. Guhitan

ang mga pang-ukol na ginamit.