MTB
Tukuyin ang wastong kinalalagyan o lokasyon ng tao, bagay o lugar sa bawat larawan.
Paghahawan ng balakid
Bingwit o baliwasnan
- Ang baliwasnan ay ginagamit sa paghuli
ng isda na gumaga-
mit ng maliit na kawa-
yan, tali at bingwit.
Mamimingwit o mamimiwas
-Ako ay mamimiwas o manghuhuli ng isda sa
ilog sa pamamagitan ng
baliwasnan o bingwit.
Naglatag
- Ang nanay ay naglatag
o naglagay ng banig sa
sahig.
Nakapamasyal na ba ang inyong pamilya?
Ano ang inyong naramdaman sa inyong pamamasyal?
Saan namasyal ang mag-anak nina Mang Abe at Aling Nilda?
Basahin ang kuwento nang tuloy-tuloy.
Ang Pamamasyal
Akda ni Babylen Arit- Soner
Sabado ng umaga, masayang-masaya ang magkapatid na sina Kaloy at Mean.
Espesyal ang araw na iyon para sa kanilang mag-anak. Pupunta sila sa kanilang bukid.
Maagang gumayak ang mag-anak. Nagluto si Aling Nilda ng adobo at kanin.
Naghanda din siya ng pansit at tinapay.
Inilagay niya ang mga ito sa loob ng basket.
Nagdala naman si Mang Abe ng baliwas-
nan. Mamimiwas din sila ng isda sa ilog na nasa gilid ng kanilang bukid.
Pagdating sa bukid, naglatag sila ng banig sa ilalim ng isang puno.Inilagay nila sa ibabaw ng banig ang dala nilang pagkain.
Agad na inakit ni Mang Abe ang mga anak sa tabi ng ilog upang mamiwas. Tuwang-tuwa ang magkapatid dahil marami silang nahuling isda.
Pagkatapos mamiwas, naglaro ng taguan ang magkapatid habang masayang nagmamasid ang kanilang tatay at nanay.
Nagtago sila sa likod ng puno, gilid ng taniman, maging sa ilalim ng balag ng mga upo at ampalaya.
Nanguha din sila ng mga prutas tulad ng bayabas, sinigwelas, at duhat.
Nang mapagod, humiga sila at pinanood ang mga ibon na masayang lumilipad sa ibabaw ng mga puno.
Maligayang- maligaya ang magkapatid sa kanilang karanasan. Tunay na hindi malilimutan ang araw ng kanilang pamamasyal.
Saan namasyal ang mag-anak nina Mang Abe at Aling Nilda?
PANGKATANG GAWAIN
Pangkat I: Tauhan Ko, Tukuyin Mo!
Sa isang manila paper, iguhit ang mga tauhan sa kuwento. Lagyan ng label ang bawat isa.
Pangkat II: Iarte Mo!
Isadula ang bahaging ito ng kuwento
Sabado ng umaga, masayang-masaya ang magkapatid na sina Kaloy at Me-An. Espesyal ang araw na iyon para sa kanilang mag-anak. Pupunta sila sa kanilang bukid. Maagang gumayak ang mag-anak. Nagluto si Aling Nilda ng adobo at kanin. Naghanda din siya ng pansit at tinapay. Inilagay niya ang mga ito sa loob ng basket. Nagdala naman si Mang Abe ng baliwasnan. Mamimiwas din sila ng isda sa ilog na nasa gilid ng kanilang bukid.
Pangkat III: Ginawa Ko, Isa-isahin Mo!
Gumawa ng sequence map ng ginawa nina Kaloy at Me-an. Gawin ito sa manila paper.
Pangkat IV: Damdamin Ko, Iguhit Mo!
Sa isang manila paper, iguhit ang masa- yang mukha kung ito ang naging damdamin ng mag-anak at malungkot na mukha naman kung ito ang naging damdamin ng mag-anak. Ipaliwanag kung bakit ito ang iginuhit ninyo. Iulat ito sa harap ng klase.
Paglinang sa Kasanayan
►Sino-sino ang tauhan sa kuwento? Ano ang masasabi mo sa kanilang pamilya? Tingnan ang pag-uulat ng Pangkat I.
►Anong araw iyon? Saan sila pupunta? Anong paghahanda ang ginawa ng mag-anak? Ano ang inihanda na Aling Nilda? Ano naman ang dinala ni Mang Abe? Ano kaya ang gagawin ni Mang Abe pagdating sa bukid? Panoorin ang gagawin ng Pangkat II.
►Ano-ano ang ginawa ng magkapatid sa bukid? Ano-ano ang ginawa ng magkapatid doon? Tingnan ang ginawa ng Pangkat III.
►Ano ang naging damdamin ng mag-anak sa kanilang pamamasyal? Bakit ? Sa inyong palagay,uulitin pa kaya nila ang ganitong gawain? Bakit? Sa inyong palagay, dapat bang maging huwaran ang pamilya nina Mang Abe at Aling Nilda? Bakit? Tingnan ang ginawa ng Pangkat IV.
Paano ninyo naunawaan ang kuwento?
Basahin.
TANDAAN
Nauunawaan ang kuwento sa pamamagitan ng pagtalakay sa mahahalagang pangyayari, pagsagot sa literal at mas mataas na antas na mga tanong, pagsasadula at pagguhit.