1 of 46

FILIPINO 5

QUARTER 1 - WEEK 1 DAY 1

2 of 46

LAYUNIN:

Una at Ikalawang araw)

Nauunawaan ang tekstong naratibo (mito).

a. Napagsusunod- sunod ang mga pangyayaring hindi bababa sa pito.

(Una at Ikalawang araw)

Nagagamit ang mga salitang may denotasyon at konotasyong kahulugan sa pagbuo ng pangungusap.

a. panandang konteksto – pagbibigay kahulugan

(Ikatlong araw)

Nagagamit ang mga bahagi ng panalita sa pagpapahayag.

a. Pang-uring Pamilang

b. palansak

(Ikaapat na araw)

Nakabubuo ng pahayag gamit ang langkapang pangungusap.

(Ikalimang araw)

Natutukoy ang mga elemento ng multimedia.

• text (slogan)

3 of 46

Tumawag ng mag-aaral at hayaang silang pindutin ang wheel at kung ano ang pangalan ng diyos/a na lumabas ay kailangang mailarawan niya ito kahit parirala o isang pangungusap.

4 of 46

5 of 46

Gawing gabay ang mga pangalan na nasa kahon.

6 of 46

PAGPAPAKILALA SA MITOLOHIYA

7 of 46

Paano kaya kung ikaw…

8 of 46

ay may kapangyarihan, gugustuhin mo ba? Anong uri ng kapangyarihan ang gusto mong makamit?

9 of 46

ay walang kapangyarihan ngunit lahat ng kamag-aral mo ay mayroon?

10 of 46

11 of 46

Ibigay ang nakasaad na kahulugang denotasyon at konotasyon. Pag-aralan kung paano ginamit ang mga salita. Isulat ang kahulugan nito sa patlang. Pag-aralan muna ang halimbawa:

12 of 46

Denotasyon: Si Bathala ang pinakamakapangyarihang diyos sa lahat ng diyos ng mga taga-Luzon.

Kahulugan: tagalikha, dinadakila

13 of 46

Konotasyon: Huwag mo sanang gawing diyos ang iyong cellphone.

Kahulugan: pinakamakapangyarihan, unahin sa lahat

14 of 46

Samakatuwid ang denotasyon ay ang literal na kahulugan ng salita o kahulugan mula sa diksiyonaryo; samantalang ang konotasyon ay ang malalim na pakahulugan sa salita o iba pang nais ipakahulugan.

15 of 46

1. Denotasyon: Maraming isda ang nahuli ni Santiago.

Kahulugan: ____________________________________________

Konotasyon: Nakahuli ng malaking isda ang pamahalaan.

Kahulugan: ____________________________________________

16 of 46

2. Denotasyon: Nagalit ang hari sa balita.

Kahulugan: ____________________________________________

Konotasyon: Ikaw na ang hari sa buhay ko.

Kahulugan: ____________________________________________

17 of 46

3. Denotasyon: Nagkita sina Santiago at Carla sa likod ng malalaking bato.

Kahulugan: ____________________________________________

Konotasyon: Naging bato na ako sa tagal ng paghihintay sa iyo.

Kahulugan: ____________________________________________

18 of 46

4. Denotasyon: Malalaking alon ang pumatay sa mga tao.

Kahulugan: ____________________________________________

Konotasyon: Parang alon ang buhay namin ngayong pandemya.

Kahulugan: ____________________________________________

19 of 46

5. Denotasyon: Naging bangin ang iniwan ng malalaking alon bilang paalala sa mga tao.

Kahulugan: ____________________________________________

Konotasyon: Muntik na siyang mahulog sa bangin ng kamatayan.

Kahulugan: ____________________________________________

20 of 46

21 of 46

Ang mitolohiya ay isang anyo ng panitikan na nakapalibot sa relihiyon o tradisyonal na kultura. Sa mga librong ito, tipo na ang protagonist o main character ay isang diyos, diyosa, o anak ng isang diyos.

22 of 46

Maraming elemento tulad ng mahika, nilalang, at mahiwagang mga lugar. Ang Greek Mythology ay isa sa pinakasikat na mitolohiya hindi lang sa buong mundo kung di sa Pilipinas.

23 of 46

Iilan dito ang istorya ni Medusa, Icarus, at Theseus and the Labyrinth.

24 of 46

Ang mga elemento ng mitolohiya ay ang mga sumusunod:

25 of 46

Tauhan – Ang mga karakter na makikita sa kmga kuwentong mitolohiya. Ang mga ito ay ang diyos/diyosa at ang mga mortal sa isang komunidad.

26 of 46

Tagpuan – Ang lugar, panahon, at kultura kung saan nagaganap ang kuwento.

27 of 46

Banghay – Ito ay tumutukoy sa outline o framework ng isang kuwento. Kadalasan na mga banghay ng isang kuwentong mitolohiya ay ang interaksyon ng mga diyos/diyosa,

28 of 46

mga maaksyong paglalaban ng mga diyos/diyosa gamit ang kanilang kapangyarihan, ang pagkakalikha ng mundo at kung bakit ito nangyari, at mga makamundong problema at paano ito nalutas.

29 of 46

Tema – Ang paksa o ang layunin ng mitolohiya. Ang mga ito’y pagpapaliwanag ng mga natural na pangyayari, pinagmumulan ng buhay sa daigdig, pinagmumulan ng asal at gawa ng isang mortal at ang kanyang kahinaan, at mga aral sa buhay.

30 of 46

Estilo – Ang pamamaraan ng may-akda upang maiparating ang mensahe. Nagbibigay ito ng mga malilit na pagpapahiwatig ukol sa kultura at tradisyon at sa kamundohan ng isang tao (kahinaan, kalakasan, atpb.).

31 of 46

Pinapahiwatig ito sa pamamagitan ng mga kakaibang mga pangyayari upang maisulong ang kaisipang nalalampasan ng isang nilalang ang lahat ng pagsubok, gaano man ito kahirap.

32 of 46

Tono – Ang himig ng kuwento na siyang nakapagdadala ng emosyon at aral sa mga mambabasa.

33 of 46

3. ___ Ito ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

4. ___ Ito ay kung paano isinulat ang kwento: pasalaysay o unang panauhan.

34 of 46

Kasabihan – Mga salitang may mabigat at maimpluwensiyang dulot sa mambabasa.

35 of 46

Panuto: Tukuyin kung anong elemento ng mitolohiya ang inilalarawan sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

(Tauhan, Tagpuan, Banghay, Tema, Estilo, Tono, Pananaw, Kasabihan)

36 of 46

1. ___ Ito ay ang pangunahing karakter sa kwento na karaniwang diyos o diyosa.

2. ___ Ito ay ang layunin ng kwento na kadalasang nagpapaliwanag ng natural na phenomena.

37 of 46

3. ___ Ito ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

4. ___ Ito ay kung paano isinulat ang kwento: pasalaysay o unang panauhan.

38 of 46

5. ___ Ito ay nagbibigay ng damdamin sa kabuuang daloy ng kwento.

6. ___ Nagpapakita ito ng panahon, lugar, at kultura ng kwento.

39 of 46

7. ___ Ito ay ang kakaibang paraan ng may-akda upang maiparating ang aral.

8. ___ Ito ay pahayag na puno ng kahulugan na maaaring tumatak sa isipan.

40 of 46

Humanap ng kapareha. Ang una ay magsasalita nang mga panandang parirala o salita at ito ay dudugtungan ng ikalawang kapareha. Kailangang matapos ang kuwento ng mitolohiya. Gawin ito sa harap ng klase.

41 of 46

Unang Pares:

Una: Noong unang panahon sa isang isla ay

Ikalawa: may isang binatang sikat dahil sa kaniyang kahusayan sa pangangaso

42 of 46

Panuto: Punan ang Venn Diagram sa ibaba upang maikumpara ang mitolohiya at alamat. (Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawa.)

43 of 46

44 of 46

Panuto: Gumawa ng sariling mitolohiya gamit ang mga sumusunod na gabay:

Pamagat:

Tauhan:

Tagpuan:

Banghay:

Tema:

45 of 46

Aral sa Kwento:

Tip: Gumamit ng malikhaing imahinasyon. Maaari kang lumikha ng diyos ng ulan, diyosa ng apoy, o isang mortal na may lihim na kapangyarihan!

46 of 46

Salamat.