1 of 17

Edukasyon sa Pagpapakatao 7

WEEK 1

2 of 17

PAGTUKOY AT PAGTANGGAP NG MGA PAGBABAGO SA SARILI

UNANG LINGGO

3 of 17

Ngayong ikaw ay nasa unang taon ng hayskul, marami ka bang napapansin na pagbabago sa iyong pangagatawan? Sa iyong mga hilig o interes? Dati ay may mga bagay ka na gusto mong gawin pero ngayon ay ayaw mo na. Marahil ikaw ay naguguluhan o nalilito sa mga pagbabagong nagaganap na ito. Ikaw ngayon ay nasa yugto na ng pagdadalaga/pagbibinata. Sa iyong patuloy na pagbabasa sa modyul na ito, lubos mong mauunawaan ang mga pagbabago na nagaganap sa iyo. Malalaman mo rin ang mga angkop at inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.

4 of 17

Sa araling ito ay matutukoy ang mga pagbabago sa iyong sarili mula sa gulang na 8 o 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspetong pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa kasing edad (Pakikipagkaibigan), pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan, pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito, pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa/ sa lipunan, pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya, pagkilala ng tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata, at natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/ pagbibinata.

5 of 17

Gawain saPagkatutoBilang 1 Panuto: Basahin ang teksto na may pamagat na Pagtukoy at Pagtanggap ng mga Pagbabago sa Sarili (pahina 6 ng modyul). Sagutin ang mga tanong bilang 1 hanggang 3

6 of 17

Saguting ang mga Tanong:

1. Bakit mahalagang maunawaan ang mga pagbabagong nararanasan ng katulad mong nagbibinata o nagdadalaga? Ipaliwanag ang iyong sagot.

2. Alin sa mga pisikal na pagbabagong nararanasan mo ang sa palagay mo ay pinakamahirap sa iyo? Bakit?

7 of 17

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng pinaka-angkop na sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

8 of 17

1. Sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata, nagiging mas malalim ang pakikipagugnayan ng isang kabataan. Dito ay naghahanap na din siya ng makakasama na makakasundo niya sa maraming bagay. Anong inaasahang kilos at kakayahan ito?

A. Pagtanggap sa papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki.

B. Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa.

C. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya.

D. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad.

9 of 17

2. Ang mga sumusunod ay paraan upang malampasan ang mga hamon ng pagbabago na nagaganap sa isang nagdadalaga/nagbibinata, MALIBAN sa ____

A. pagtuklas ng talento

B. pagkakaroon ng tiwala sa sarili

C. pagtuklas sa sariling kakayahan

D. pagtuklas sa sariling kalakasan at kahinaan

10 of 17

3. Matatamo ang mapanagutang asal sa pakikipagkapwa sa tulong ng ______

A. pagmamahal

B. pagbibigay paggalang

C. pagtitiwala sa kapuwa

D. pagbibigay halaga hindi nabubuhay ang tao para sa sarili.

11 of 17

5. Paano magiging ganap ang iyong pakikipag-ugnayan?

A. Kung magtatago ka ng lihim sa kanya.

B. Kung magpapakita ng tiwala sa kapwa.

C. Kung handa kang ipakita ang tunay na ikaw.

D. Kung babaguhin mo ang iyong kaibigan ayon sa nais mong maging siya.

12 of 17

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Punan ang tsart sa ibaba. Sa hanay ng “Ako Noon”, itala ang iyong mga katangian noong ikaw ay nasa gulang na 8 hanggang 11 taon. Sa hanay ng “Ako Ngayon” ay italaga naman ang mga pagbabagong naganap sa iyo sa kasalukuyan

13 of 17

14 of 17

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Isulat sa kaliwang bahagi ang mga paraan ng paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata. Isulat naman sa kanang bahagi kung paano ito maisasagawa. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

15 of 17

16 of 17

Project RBB

Panuto:Ipakita sa pamamagitan ng kilos na ang pagkakaroon ng mga pagpapahalaga

ay gabay sa mabuting asal (Hal pagmamano sa mga magulang/nakatatanda).. Isend

sa messenger ng guro ang output

Gamitin ang hashtag

#RBB

#RBBCHALLENGE

#RETROSPECBATANGBATANGUENO

17 of 17

Antero E. Escala

Teacher I

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Unang linggo