Mga Pangyayari sa Buhay ng Sariling Pamilya
ARALING PANLIPUNAN 1
Quarter 2 Week 4-6
Ang bawat pamilya ay may mga kuwento na natatangi at maipagmamalaki. Nabubuo ang lahat ng ito ayon sa mga ginagawa ng iyong pamilya.
Naaalala mo ba ang mga katangi-tanging kuwento ng iyong pamilya? Masasabi mo ba kung ano ang mga ito? Matutukoy mo ba kung kailan nangyari ang mga ito? Maaari mo bang maibahagi ang ilan sa mga ito?
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang mapahahalagahan mo ang kuwento ng iyong sariling pamilya.
Ano ang nakikita mo mula sa larawan?
Naghahanda ba kayo tuwing hatinggabi ng ika-1 ng Enero? I-kuwento mo kung ano ang inyong handa noong Bagong Taon. Lagi pa rin ba kayong naghahanda tuwing my ganitong okasyon? Kung ganoon, isang tradisyon ng inyong pamilya ang patuloy na pagdiriwang tuwing bagong taon.
Ano pa ang ibang kuwento na mayroon ka tungkol sa iyong pamilya? Maaari mo bang ibahagi ang ilan sa mga ito?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Gumawa ng Family Tree sa iyong kuwaderno.
Ang Aking Family Tree
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Sagutin:
Ako po ay masaya.
Sa itaas na bahagi.
Sa ibabang bahagi.
Ang pagpapakilala sa iyong pinagmulan ay paraan upang malaman kung sino ka at ang mga kasama mo sa iyong pamilya. Sa pamamagitan ng family tree o talaangkanan, malinaw na maipakikita sa lahat ang mga kasapi ng iyong pamilya, marami man o kaunti.
Ang talaangkanan ay pagsasalarawan ng mga kasapi ng pamilya at ang ugnayan ng bawat isa. Karaniwan itong ginagamit upang maipakilala ang pinagmulan ng isang pamilya mula noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Isulat ang mahahalagang pangyayari sa inyong pamilya noong nakaraang linggo. Gamitin ang timeline sa ibaba upang mabuo ang kuwento tungkol sa iyong pamilya. Maaaring kasama ang isa o dalawang kasapi ng iyong pamilya sa paggawa nito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Tingnan kung ano ang ginagawa ng mga nasa larawan. Pumili ng apat mula sa anim na larawan. Gumawa ng isang timeline. Pagsunod-sunurin ang mga napiling larawan ayon sa kuwento ng inyong pamilya. Sagutin ang mga tanong sa susunod na pahina. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Isulat ang isang hindi malilimutang kuwento tungkol sa iyong pamilya. Isulat ito sa iyong kuwaderno. Basahin ito sa harap ng pamilya.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
Basahin ang sipi ng kuwentong nasa kahon. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
Basahin ang sipi ng kuwentong nasa kahon. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Hindi inaasahan ng marami ang pagdating ng COVID-19. Tinawag na itong pandemya sapagkat naapektuhan nito ang halos lahat ng mga bansa sa buong mundo. Sa Pilipinas, libo-libong tao na ang nagkakasakit dahil dito.
Isang araw, ipinaliwanag ni Aleng Marilyn ang ilang mga pagbabago sa nakagawian ng pamilya. Hindi na sila pinapayagang lumabas. Sa loob na lamang ng bahay puwedeng maglaro. Bago ito, dapat ay tapos na silang maligo. Nakapagsuot na rin dapat ng malinis na damit. Kailangang tapos na rin basahin ang mga aralin.
Pinaghuhugas sila ng kamay nang mas madalas kaysa dati lalo na bago kumain. Tinitingnan ng nanay nila kung tama nila itong ginagawa. Tumutulong si Mal sa ate Kate niya sa pagliligpit ng mga pinagkainan. Pinupunasan din nila ang mesa ng basahang may sabon upang hindi dapuan ng langaw. Pinaghihiwalay din nila ang basurang nabubulok at di-nabubulok.
Sagutin:
Upa ipinaliwanag ang ilang mga pagbabago sa nakagawian ng pamilya dahil sa pandemya.
2. May mga pagbabago din bang ipinatupad sa inyong bahay dahil sa COVID-19? Ano-ano ang mga pagbabagong ito?
Opo.
Bawal na po kaming lumabas ng bahay upang hindi kami mahawa.
Palagiang maghugas ng kamay.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:
Muling balikan ang kuwento ni Mal. Pag-aralan ang mga ginagawa niya batay sa kuwento. Tingnan ang Venn Diagram. Tukuyin ang pagkakapareho at pagkakaiba ninyo ni Mal. Isulat ang mga ito sa tamang lugar ayon sa nakasulat sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:
Hindi lumalabas ng bahay.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7:
Lagyan ng tsek (✓) kung Tama at ekis (x) kung Mali ang nakasaad sa bawat aytem ayon sa iyong natutuhan. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
_____1. May nagbabago sa mga ginagawa ng pamilya.
_____2. Dapat na pahalagahan ko ang aking pamilya.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7:
_____3. Dapat na itinatangi ko ang aking mga magulang.
_____4. Magkakapareho ang lahat ng pamilya sa buong Pilipinas.
_____5. Dapat kong ipagmalaki ko ang aking pamilya.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8:
Gumuhit ng isang kunwaring selfie ng inyong pamilya. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Kasama ko sina nanay, tatay, at si bunso
2. Ano ang nararamdaman mo sa tuwing makikita ang larawan ng iyong pamilya?
Masaya ako sa tuwing makikita ko ang aming larawan.
3. Paano mo iingatan ang larawan at kuwento ng
inyong pamilya?
Sinusunod ko palagi sina nanay at tatay at inaalagaan ko si bunso. Minamahal ko ang aking pamilya at ang masayang kuwento ng aming buhay.
Punan ang mga patlang upang makabuo ng makabuluhang pangungusap.
Ang pagsasama-sama ng buong pamilya ay nakapagdadala ng _____________________.
saya suliranin
saya
Binabati kita! Natapos mo na �ang Ika-4-6 Linggo sa Ika-2 Markahan ng ating aralin!