1 of 8

Bigkasin muli ang tula:

Bahay Kubo

Ang bahay na kubo

Na ligid ng bakod

May tanim sa harap

May tanim sa likod

Palaging malinis

Palaging maayos.

May mga bulaklak

May gulay at talbos

Sa katawang hapo

Ay pawang pampalusog

Tanging kayamanan

Ng taong masinop

2 of 8

Ano ang naramdam ninyo habang binibigkas ang tula.

Anong isda ang paborito mo? Bakit?

3 of 8

Iparinig ang kwento:

“Bakit Nawala ang mga Isda”

4 of 8

Tungkol saan ang kwento?

Bakit nawala ang mga isda?

Anu-ano pang mga gawain ng tao ang nagpapadumi sa mga ilog at sapa?

Paano kaya natin maiiwasan ang mga gawaing nabanggit?

Itanong:

5 of 8

Paano mapapanatili na malinis at maayos ang ating paligid?

Paano natin mapangangalagaan ang mga yamang-tubig ng bansa?

Ano-ano ang ating mga yamang-tubig?

6 of 8

Pangkatang Gawain- Ipasadula ang piling bahagi sa kwento.

7 of 8

Tandaan:

Dapat pangalagaan ang ating kapaligiran.Maging malaki o maliit man ang ating tahanan dapat natin panatilihing maayos at malinis ito.

8 of 8

Lagyan ng √ ang mga gawaing nagsasabi kung bakit nawala ang mga isda sa ilog. X ang hindi.

__1. Pagtatapon ng basura sa ilog.

__2. Pamimingwit ng mga isda.

__3. Paggamit ng mga lason o kemikal sa pangingisda.

__4. Paliligo ng mga bata sa ilog.

__5. Pamamangka sa ilog.