1 of 10

Tingnan ang larawan.

Ano ang ginagawa ng bata?

Tama ba ang ginagawa ng bata ng pagtatapon ng kanyang basura? Ano ang mapapansin sa mga basurahan?

Nakakita na ba kayo ng ganitong basurahan?

2 of 10

Saan itinapon ng bata ang kanyang basura?

Sa tingin ninyo bakit doon niya itinapon ang

kanyang basura?

3 of 10

Isa sa pagpapakita ng pagpapahalaga sa ating kapaligiran sa ating anyong lupa ay ang tamang pagtatapon sa ating basura. Dapat nating matutunan ang tamang pagtatapon ng basura.

4 of 10

Iba’t- ibang basurahan:

5 of 10

Mahalagang alam ng mga batang katulad ninyo ang tamang pagtatapon ng basura.

Benepisyo ng tamang pagtatapon ng basura:

a. Upang hindi magbara ito sa mga kanal at daanan ng tubig.

b. Upang luminis ang ating kapaligiran

c. Upang hindi magbaha kung may ulan.

d.Upang hindi bumaho ang ating kapaligiran

e. Upang mapakinabangan pa ang mga basurang di nabubulok tulad ng plastic at papel. Ang mga ito ay maaaring pagkakitaan.

6 of 10

Tingnan ang mga larawan. Itanong sa mga bata kung saan dapat ilagay ang mga basurang makikita nila.

7 of 10

Ano ang kailangan natin upang mapanatiling maayos ang ating kapaligiran?

Bakit ito kailangang gawin?

8 of 10

Kung ang iyong kapaligiran ay iyong kinakalinga, ito ay maaaring maayos at malinis. Kakit ikaw ay isang bata, ikaw din ay maaaring maging tagapangalaga ng Inang kalikasan.

9 of 10

Isapuso:

Ang iyong kapaligiran ay mahalaga. Ikaw ay bahagi nito. May magagawa ka upang ito ay mapangalagaan.

10 of 10

Iguhit ang kung tama ang pagtatapon ng basura at kung mali.