ESP
Week 3 Day 3
4th Grading
Naisasagawa ang mga pamamaraan ng pakikipag-ugnayan sa Panginoon sa pamamagitan ng:�pag-usal ng panalangin (Bago kumain)�
Ano ang dapat mong gawin sa iyong paggising?� Bakit?
Ano ang ginagawa ng mag-anak?�
Ang mag-anak mo ba ay nagdarasal rin bago kumain?
Pag-usal ng Panalangin�(Bago kumain)�
Masayang Tahanan�Sa aming tahanan� may pagmamahalan;�Ang aming mga magulang� ay iginagalang.�
May pagtutulungan at pagbibigayan;�Ang aming pamilya ay nagkakaisa.�Nagkikita kami kapag orasyon na:�Kay tatay at nanay hahalik sa kamay�
Pagdulog sa mesa�Kami’y nagdarasal�Nagpapasalamat � sa Poong Maykapal.�
Ano ang pinakamahalagang bagay ang ginawa ng mag-anak bago sila kumain?
Kanino sila nanalangin?
Kayo ng iyong pamilya, nagdarasal rin ba kayo bago kayo kumain? Bakit?
Ano ang sinabi niya sa kanyang panalangin?
Ano ang mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan natin sa Diyos?
Tandaan:
Ang pagdarasal ang mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan/pakikipag-usap natin sa Diyos.
Nagdarasal tayo para:
magpasalamat sa grasya o biyaya ng aating Panginoon na nagbibigay lakas sa ating katawan at kaisipan.
Lutasin:
Gutom na gutom ka na pero kailangang munang magdasal ng buong pamilya bago kumain.
Ano ang gagawin mo?
Panalangin Bago Kumain��
Panginoon, kami’y lubos na nagpapasalamat sa biyayang narito sa aming hapag na aming pagsasaluhan.�Nawa’y magbigay ang mga pagkaing ito ng lakas sa aming katawan upang magawa namin ang mga bagay na dapat naming gampanan sa araw-araw. Amen.
BASAHIN
Kasunduan:�Isaulo ang panalangin bago kumain.�