ESP
Week 3 Day 4
4th Grading
Naisasagawa ang mga pamamaraan ng pakikipag-ugnayan sa panginoon sa pamamagitan ng:�Pag-usal ng panalangin (pagkatapos kumain)�
Ano ang dapat mong gawin bago ka kumain?
Bakit?
Kapag may natanggap kang regalo o pasalubong, ano ang madalas mong sinasabi?
Bakit mahalaga na tayo ay nagpapasalamat?
Pag-usal ng Panalangin�(Pagkatapos kumain)�
Masayang Tahanan
Sa aming tahanan
may pagmamahalan;
Ang aming mga magulang
ay iginagalang.
May pagtutulungan at pagbibigayan;
Ang aming pamilya ay nagkakaisa.
Nagkikita kami kapag orasyon na:
Kay tatay at nanay hahalik sa
kamay
Pagdulog sa mesa
Kami’y nagdarasal
Nagpapasalamat
sa Poong Maykapal.
Panginoon,
Panalangin Pagkatapos Kumain
kami’y
lubos
na
nagpapasalamat
sa
biyayang
aming
pinagsaluhan.
Nawa’y
magbigay
ang
mga
pagkaing
ito
ng
lakas
sa
aming
katawan
upang
upang
magawa
namin
ang
mga
bagay
na
dapat
naming
gampanan
sa
araw-araw.
Amen
Ano ang pinakamahalagang bagay ang ginawa ng mag-anak pagkatapos nilang kumain?
Kanino sila nanalangin?
Ano ang sinabi niya sa kanyang panalangin?
Kayo ng iyong pamilya, nagdarasal rin ba kayo pagkatapos ninyong kumain? Bakit?
Ano ang mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan natin sa Diyos?
Tandaan:
Ang pagdarasal ang mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan/pakikipag-usap natin sa Diyos.
Nagdarasal tayo para:
magpasalamat sa grasya o biyaya ng ating Panginoon na nagbibigay lakas sa ating katawan at kaisipan.
Lutasin:
Busog na busog si Crispin. Halos naubos niya ang lahat ng pagkaing nakahain sa mesa. Alin sa mga ito ang dapat niyang gawin?
A. – maghugas ng kamay
B- gumamit ng tutpik at mag-alis ng tinga
C- magdasal at magpasalamat sa natanggap na biyaya
D- mag-inat at humanda sa pag-idlip
Panginoon,
Panalangin Pagkatapos Kumain
kami’y
lubos
na
nagpapasalamat
sa
biyayang
aming
pinagsaluhan.
Nawa’y
magbigay
ang
mga
pagkaing
ito
ng
lakas
sa
aming
katawan
upang
upang
magawa
namin
ang
mga
bagay
na
dapat
naming
gampanan
sa
araw-araw.
Amen
Isa-isang tawagin ang mga bata para basahin ang panalangin pagkatapos kumain.
Kasunduan:
Isaulo ang panalangin pagkatapos kumain.