1 of 44

MTB MLE 2

Quarter 2 Week 4

Pagtukoy sa Kahulugan at mga Halimbawa ng Simile

2 of 44

Sisimulan mo ang pag-aaral tungkol sa tayutay sa linggong ito. Ito ay ang paggamit ng mga salitang may kakaiba o malalim na kahulugan.

Layunin

3 of 44

Mayroon itong iba’t ibang uri katulad ng simile, metapora, personipikasyon, hyperbole at marami pang iba.

4 of 44

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matutukoy mo ang kahulugan at ang mga halimbawa ng simile o simili.

5 of 44

Ang simile o pagtutulad ay ginagamit sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao at pangyayari gamit ang mga salitang (ka)tulad, parang, tila, sing, sim at kawangis.

6 of 44

Halimbawa:

Para kang yelo na unti-unting natutunaw sa hiya.

7 of 44

Halimbawa:

Simbagal (Kasing bagal) ng pagong ang takbo ng sasakyan.

8 of 44

Halimbawa:

Singkinis ng kamatis ang pisngi ng sanggol.

9 of 44

Halimbawa:

Katulad ng anghel ang mukha ng bata.

10 of 44

Halimbawa:

Kawangis ng uling ang ulap sa itim dahil sa bagyo.

11 of 44

Makikita sa mga pangungusap ang paghahambing na ginamitan ng mga salitang may salungguhit.

12 of 44

Sa unang halimbawa, ikinumpara ang kausap sa yelo na natutunaw. Katulad ito ng nararamdan ng tao kapag nahihiya na parang nasi na niyang matunaw o maglaho.

13 of 44

Sa ikalawa naman, itinulad ang usad ng sasakyan sa pagong na mabagal o marahan ang takbo. Inihalintulad naman ang ulap at uling. Maaaring magkasing itim ang kulay ng dalawang bagay.

14 of 44

Lagyan ng tsek (✓) kung ang pangungusap ay gumagamit ng simile. Lagyan naman ng ekis (X) kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.

15 of 44

_____1. Sintigas ng bato ang puso ni Allan.

D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.

16 of 44

_____2. Kaming magkapatid ay parang aso’t pusa ngunit mahal namin ang isa’t isa.

D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.

17 of 44

_____3. Tulad mo ang diksiyonaryo sa dami ng alam na salita.

D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.

18 of 44

_____4. Tila balat sibuyas ang batang madaling umiyak.

D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.

19 of 44

_____5. Si Joana ay magandang magsulat.

D. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1.

20 of 44

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

Tukuyin ang dalawang bagay o tao na pinagkukumpara o pinagtutulad sa pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

21 of 44

Simpula ng rosas ang mukha ni Liza.

Rosas at mukha ni Liza

Halimbawa:

22 of 44

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

1. Tulad ng huni ng ibon ang pag-awit ni ate.

23 of 44

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

2. Parang tubig sa linaw ang salamin ni kuya.

24 of 44

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

3. Sing haba ng kalsada ang pasensiya ng tatay ko

25 of 44

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

4. Parang tupa sa kabaitan ang nanay ko.

26 of 44

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

5. Tila asukal sa tamis ang pagmamahalan ng aming pamilya.

27 of 44

Isulat ang letrang S kung ang pangungusap ay may simili at H kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

28 of 44

1. Ang kaniyang mga mata ay tila bituing nagniningning sa langit.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

29 of 44

2. Sing-init ng araw ang kanilang pagtanggap sa amin.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

30 of 44

3. Masayang naglalaro ang mga bata sa parke.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

31 of 44

4. Ang kaniyang boses ay para bang isang matinis na tunog ng biyolin.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

32 of 44

5. Sinlambot ng bulak ang puso ni Ana.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

33 of 44

Basahin ang tula at tukuyin ang mga linyang may simile. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

E. Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

34 of 44

Bata pa man akong maituturing

‘tulad ng anghel na malambing

Mayroon akong munting hiling

Sinliit ng butil na maihahambing

Munting Hiling

J. Lopo

35 of 44

Mga pangarap ko ngayon

Sintayog na ng lipad ng ibon Magdarasal sa Panginoon

Matutupad sa tamang panahon

36 of 44

Sisikaping maging simbait ng tupa upang sa buhay ay maging masaya Mamahalin ko ang aking pamilya Na parang asukal sa tamis at lasa.

37 of 44

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

Mga Halimbawa ng Simile mula sa Tula

1.___________________________________

2. ___________________________________

3. ___________________________________

4. ___________________________________

5. ___________________________________

38 of 44

Kompletuhin ang pahayag sa ibaba gamit ang simile. Maaari ring mag-isip ng ibang halimbawa. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:

39 of 44

1. Parang yelo sa puti

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:

__________________________________________________________________

40 of 44

2. Katulad ng ilaw

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:

__________________________________________________________________

41 of 44

3. Sintaas ng gusali

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:

__________________________________________________________________

42 of 44

Sumulat ng halimbawa ng simile. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:

1.___________________________________

2. ___________________________________

3. ___________________________________

4. ___________________________________

5. ___________________________________

43 of 44

Natutuhan mo sa aralin na ito ang tungkol sa isang uri ng tayutay. Ito

ay ang s _ m _ _ e, ang pagtutulad

o paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao at pangyayari.

Assimilation

44 of 44

Assimilation

Ang mga palatandaan na may simile sa pangungusap ay ang mga salitang:

t _ _ _ d, p _ r _ _ g,

_ _ l _, _ _ _ g, sim

at k _ w _ n _ _ s.