Wastong Gamit ng Pangngalan
FILIPINO 1
Quarter 2 Week 5
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang
1) makagagamit ng wastong pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, hayop, bagay, at pangyayari;
2) makatutukoy sa kailanan ng pangngalan.
Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop, at pangyayari.
Ito ay may dami o bílang.
Kailanan ang tawag sa dami o bílang ng pangngalan.
1. Isahan. Ito ay pangngalang likás na nag-iisa lámang ang bílang. Gumagamit ng pantukoy na ang, si, at ni.
Halimbawa ng Isahan
Si Ana ay matalinong batà.
Kaarawan ng kaibigan niya ngayon.
2. Dalawahan. Ito ay pangngalang may dalawang bílang. Gumagamit ng pantukoy na ang mga, mga, sina, nina at mag.
Halimbawa ng Dalawahan
Magkasama ang magkapatid sa pamamalengke.
Magkaibigang matalik sina Aling Gina at Maria.
3. Maramihan. Ito ay kailanan ng pangngalang mahigit sa dalawa ang pinag-uusapan.
Gumagamit ng pantukoy na mag– at inuulit na unang pantig ng salita.
Halimbawa ng Maramihan
Nagkakatuwaan ang magkakapatid habang namamalengke.
Ang mga mag-aaral na tinuturuan niya ay masisipag .
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Suriin ang mga larawan. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1.Ano-ano ang nakikita mo sa mga larawan?
pangngalan
2. Ilagay sa bawat bílang ng larawan kung ito ay tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari.
hayop
tao
bagay
pangyayari
lugar o pook
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Gamitin ang larawan sa pagtukoy ng pangngalan sa talata. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.
1
1. magsasaka
2. gulay
3. pista
4. baboy
5. manok
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Tukuyin ang tawag sa pangngalang may salungguhit at ang kailanan nito.
tao
isahan
tao
isahan
tao
dalawahan
hayop
maramihan
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Punan ang mga patlang ng tamang salita. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Ang __________ ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop, at pangyayari. Ito ay may dami o bílang. Ang tawag sa dami o bílang ng pangngalan ay __________.
pangngalan
kailanan
May tatlong uri ng kailanan ang pangngalan. Ito ay ang __________, __________, at ___________.
isahan
dalawahan
maramihan
Sa aking pagbibigay ng mga halimbawa ng kailanan ng pangngalan ang ___________ ay ang likás na uri ng pangngalan na nag-iisa lámang ang pinakamadaling gawaan ng pangungusap.
isahan
Binabati kita! Natapos mo na �ang ika-5 linggo sa ika-2 markahan ng ating aralin!