1 of 36

A

A

L

I

N

G

P

QUARTER 1-WEEK 1- DAY 2

R

A

N

L

I

P

U

N

N

A

5

2 of 36

Magbalik-aral sa nakaraan.

Gamit ang graphic organizer na makikita sa ibaba, ang mga mag-aaral ay magbabahagi ng kanilang ideya tungkol sa salitang “kasaysayan”.

3 of 36

4 of 36

Ano ang kasaysayan?

5 of 36

Paano nakatutulong ang kasaysayan sa ating pag-aaral at sa ating buhay? ?

6 of 36

Kahulugan ng Kasaysayan

7 of 36

Ang kasaysayan ay isang makabuluhang salaysay tungkol sa nakaraan. Sapagkat ang salitang-ugat ng kasaysayan ay “saysay,” binibigyan-diin nito ang elemento ng pagiging makabuluhan.

8 of 36

Kung tatanungin naman natin kung kanino dapat makabuluhan ang kasaysayan, kinakailangan nating tandaan na ang pagsasalaysay ay laging para sa isang tiyak na grupo.

9 of 36

Sa kontekstong Pilipino, ang grupong ito ay ang sangkaPilipinuhan. Dagdag pa, ang kasaysayan ay pagsasalaysay tungkol sa sarili natin o tungkol sa ating ugnayan sa ibang kabihasnan.

10 of 36

Sa ganitong pagpapakahulugan, maaaring paksa ng kasaysayan ang sariling barangay, lalawigan, o bansa.

11 of 36

Ang kasaysayan ay isa sa mga pangunahing disiplina ng agham panlipunan kung saan pinag-aaralan ang mga pangyayaring naganap sa buhay ng tao, mga bansa, at daigdig noong mga nakalipas na panahon.

12 of 36

Bukod dito, ang kasaysayan ay kronolohikong tala ng mga mahahalagang pangyayari na may kasamang mga paliwanag tungkol sa mga dahilan nito.

13 of 36

Ang kasaysayan ay hindi rin lamang isang simpleng talaan ng mga pangyayari sa nakaraan o listahan ng mga bayani at makasaysayang bayan.

14 of 36

Kolektibo itong salaysay ng mga pagsisikap at pakikibaka ng isang lahi o pangkat ng mga lahi upang matamo ang hinahangad na lipunan.

15 of 36

Kahalagahan ng Kasaysayan

16 of 36

Kagaya ng inilahad ni Dr. Jose P. Rizal na “ang di lumingon sa pinanggalingan ay di makararating sa paroroonan,” ay siyang malaking patunay ng kahalagahan ng pinagmulan at nakalipas na pangyayari sa buhay.

17 of 36

Anuman ang katayuan o kalagayan sa kasalukuyan ay huwag kalilimutan na bunga ito ng ginawang desisyon at aksyon sa nakalipas.

18 of 36

Tulad ng paghakbang sa unang baitang ng hagdanan, hindi mararating ang itaas kung hindi dadaanan ang mga naunang baitang.

19 of 36

Dagdag pa dito, mahalagang pag-aralan o balikan ang nakaraan upang maunawaan ang kasalukuyang panahon at mapaghandaan ang hamon ng hinaharap.

20 of 36

Ang mga sumusunod ay ilan pa sa mga kahalagahan ng kasaysayan sa ating buhay:

21 of 36

Karagdagang kaalaman: Natutuhan at naunawaan natin ang dahilang naiambag ng iba’t ibang pangkat ng tao sa daigdig.

22 of 36

Nagsusuri sa nakalipas na karanasan:

Sinisiyasat ng kasaysayan ang mga sanhi at bunga ng bawat pangyayari, kung ano. Bakit, at paano ito naganap, at ano ang epekto nito.

23 of 36

Nagsisilbing daan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga mamamayan:

24 of 36

Ang mga pangyayaring naranasan ng mga tao sa isang pamunuan na nagdulot sa kanila ng pasakit at hirap ay nagiging gabay upang di na muling danasin ang ganoong karanasan.

25 of 36

Sila ay nagkakaisa at nagtutulong-tulong upang baguhin ang sistema ng pamunuan, patakaran, at batas na umiiral.

26 of 36

Lumilinang ito ng iba’t ibang kasanayan:

Ang kasaysayan ay lumilinang ng mga kasanayang umunawa at magbigay kahulugan sa pagbasa ng teksto tulad ng lathalain o dokumento, sanaysay, at iba pang babasahin.

27 of 36

Naipapahayag nito ang maaaring mangyari sa hinaharap o darating na panahon:

28 of 36

Ang kasaysayan ay naghahayag ng ispekulasyon o maaaring maganap sa susunod na henerasyon. Ang mga pangyayari sa kasaysayan ay lubhang kumplikado at kani-kaniyang natatanging katangian kaya’t hindi possible na masabi ang eksaktong susunod na pangyayari.

29 of 36

Ito ay dahil sa kaisipan ng tao na siyang gumagawa ng kasaysayan ay nakatago sa atin, kaya’t mahirap malaman ang anumang planong mayroon siya.

30 of 36

Ano-ano ang maaaring gawin para mas mahikayat pa ang mga mag-aaral na pag-aralang mabuti ang kasaysayan?

31 of 36

Bakit mahalaga ang pag-aaral ng kasaysayan sa mga mag-aaral at mamamayan ng Pilipinas? Ipaliwanag ang sagot.

32 of 36

Ibahagi ang mga kahulugan o konseptong maaaring iugnay sa mga kasaysayan sa pamamagitan ng talaang ito.

33 of 36

Iguhit ang masayang mukha 😊 kung ang sinasabi ng pangungusap ay TAMA at malungkot ☹ kung MALI.

____ 1. Nababatid sa agham-pulitikal kung paano umaangkop o umaayon ang tao sa kanyang paligid partikular sa ginagalawan niyang lipunan para sa pag-aaral ng kasaysayan.

____ 2. Ang mga datos na nakukuha mula sa pag-aaral ng antropolohiya ay

ginagamit sa pagbuo ng salaysay tungkol sa kasaysayan ng pinagmulan ng tao.

34 of 36

Iguhit ang masayang mukha 😊 kung ang sinasabi ng pangungusap ay TAMA at malungkot ☹ kung MALI.

____ 3. Ang heograpiya ay hindi kinakailangan sa pag-aaral ng kasaysayan.

____ 4. Makatuwirang iugnay ang kasaysayan sa pag-aaral ng teolohiya.

35 of 36

Iguhit ang masayang mukha 😊 kung ang sinasabi ng pangungusap ay TAMA at malungkot ☹ kung MALI.

____ 5. Sinusuri ang disiplinang sikolohikal ang pagbabago o pag-iiba ng kilos ng tao batay sa mga pangyayari sa kanyang paligid.

36 of 36

Maraming Salamat.