1 of 35

Kagamitan sa Paghahalaman

2 of 35

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.�

3 of 35

1. Ang __________ ay pagpapabulok ng mga bagay na maaaring gawing pataba kung walang sapat na lugar na maaaring gawan ng hukay.

a. Basket composting

b. Composting

c. Fermented Fruit Juice

d. Fish Amino Acid

4 of 35

2. Ang ___________ ay isang uri ng patabang nagmula sa katas ng binurong isda.

a. Fermented Fish Juice

b. Fermented Fruit Juice

c. Fermented Plant Juice

d. Fish Amino Acid

5 of 35

3. Ang ___________ ay ang abonong organikong nanggaling sa nabulok na mga basura.

a. compost

b. Fermented Fruit Juice

c. Fermented Plant Juice

d. Fish Amino Acid

6 of 35

4. Ang mag sumusunod ay maaaring gawing abonong organiko MALIBAN sa isa.

a. Balat ng prutas

b. Balat ng itlog

c. Sirang gulong

d. Tirang pagkain

7 of 35

  • Ang ___________ ay galing sa katas ng binurong dahon, talbos o usbong ng mga halamang mabilis tumubo
  • Fermented Fish Juice
  • Fermented Fruit Juice
  • Fermented Plant Juice
  • Fish Amino Acid

8 of 35

Kilalanin ang mga sumusunod na paraan ng paglalagay ng pataba.

9 of 35

10 of 35

11 of 35

12 of 35

13 of 35

14 of 35

  • Nakakita na ba kayo ng lugar na maraming nakatanim na gulay?
  • Nakikilala ba ninyo ang mga kasangkapang ginagamit?

15 of 35

  • a. Anu-ano ang mga kasangkapan at kagamitan sa paggugulayan
  • b. Paano ang mga ito ginagamit?
  • c. Bakit mahalaga ang mga kasangkapan sa magsasaka

16 of 35

Isang araw, dinala ni Mang Pedro ang lahat ng kagamitan niya sa paghahalaman sa taniman niya ng gulay.

17 of 35

Sa tuwing darating siya doon , agad siyang nagbubungkal ng lupa sa pamamagitan ng asarol upang ito‟y bumuhaghag bago tamnan.

18 of 35

Noong matapos siyang magbungkal ng lupa nagpahinga siya at nakita

niyang marumi ang bakuran. Kinuha niya ang kalaykay at ginamit ito sa paglinis ng bakuran.

19 of 35

Tinipon ng kalaykay ang mga kalat sa

halamanan tulad ng mga dahong tuyo, tuyong damo at iba pang uri ng

kalat. May balak kasi siyang taniman ng petsay ang pagitan ng mga talong.

20 of 35

Bilang paghahanda ng lupang tatamnan, ginamit niya ang piko sa pagdurog at pagpino ng malalaking tipak ng lupa.

21 of 35

Yung ibang halaman sa paligid ay binubungkal niya ang lupa sa pamamagitan ng dulos. Ginagamit niya rin ito sa paglilipat ng

mga punla.

22 of 35

Tuwing umaga at hapon, dinidilig niya ang mga halaman gamit ang regadera. Ito‟y may mahabang lagusan ng tubig na may maliliit na butas sa dulo.

23 of 35

Minsan nawala ang regadera, kaya kinuha niya ng timba at tabo pamalit sa regadera. Gamit din niya ito sa pagdilig ng halaman.

24 of 35

Habang nagdidilig siya, may naamoy siyang

mabaho galing sa gilid ng halamanan. Yun pala ay di makadaloy ang maruming tubig sa kanal kaya kinuha niya ang pala at ginamit sa

paghukay ng butas sa kanal para makadaloy ang tubig at maging malinis ito.

25 of 35

Ginagamit din niya ito sa paglilipat ng lupa at pagsasaayos nito para sa kamang taniman.

26 of 35

Pagdating ng hapon napansin niya na ang mga sanga ng punongkahoy ay naglalaylayan at nakasasagabal sa daan. Kaya pinutol niya ang mga ito sa pamamagitan ng gulok.

27 of 35

Naisip din niya na puwede ring gamitin ito sa pagkukumpuni ng maliliit at payak na sira sa halamanan tulad ng bakod at balag.

28 of 35

Ang mga pinutol na sanga ay inilagay niya sa kartilya at dinala sa isang sulok ng halamanan.

29 of 35

Karaniwang yari ito sa bakal at ginagamit din ito ni Mang Pedro sa paglilipat ng lupa sa ibang lugar.

30 of 35

Si Mang Pedro ay nasa 60 taon gulang na at ang mga kagamitan at kasangkapan niyang ito sa paghahalaman ay inalagaan niya ng 20 taon at hanggang ngayon ay nagagamit pa niya. Tinanong siya minsan ng isang ring magsasaka kung bakit umabot sa ganong katagal ang mga kagamitan niya sa paghahalaman.

31 of 35

Simpleng sagot ni Mang Pedro ay ang

pagiging maalaga sa mga gamit. Binigyan niya ng “tip” ang magsasaka

sa mga paraang dapat sundin upang makatiyak ng pagtitipid at kaligtasan

sa paggamit.

32 of 35

  • Maglaan ng isang matibay at maayos na

lalagyan.

2. Hugasan at patuyuin ang mga

kasangkapan at kagamitan pagkatapos gamitin.

3. Ilagay at isalansan nang maayos ang mga kagamitan at kasangkapang ginamit sa tamang lalagyan.

33 of 35

4. Kumpunuhin at langisan ang mga kagamitan at kasangkapang kinakalawang at sira na.

5. Hasain nang madalas ang mga kasangkapang may talim tulad ng itak, bolo at iba pa.

6. Bitbitin o dalhin nang maayos ang mga kagamitan at kasangkapang gagamitin.

34 of 35

7. Gamitin sa angkop na gamit ang bawat kagamitan at kasangkanpan.

Umalis ang magsasaka at ipinangako niya sa sarili na aalagaan na rin niya ang kanyang mga kagamitan at kasangkapan sa paghahalaman para mapakinabangan na rin ng kanyang mga apo na magsasaka rin.

35 of 35

Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Punan ng angkop na salita ang

bawat patlang. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

asarol pala kalaykay

regadera piko dulos

1. _____ panghukay ng matigas na lupa.

2. _____ ginagamit sa pagpapantay ng lupa at paghihiwalay ng bato sa

lupa.

3. _____ ginagamit sa paglilipat ng lupa.

4. _____ lalagyan at panghakot ng lupa at kagamitan.

5. _____ pantanggal ng damo sa halaman.