1 of 15

Kahulugan ng �Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita

Prepared By:

Sylvia R. Orcajo

2 of 15

Tuklasin Natin!

Ang ating buhay ay iisa lamang. Kailangan natin itong ingatan. Tulad ng paninigarilyo na kung saan ay isang kasanayan kung saan sinusunog ang isang sangkap. Ito rin ay ang pangunahing sanhi ng sakit sa puso, baga, kanser at iba pa. Tuklasin natin kung paano nakakaapekto ang paninigarilyo sa ating buhay.

3 of 15

4 of 15

  1. Ano ang inyong nakita sa larawan?
  2. Nakabubuti ba ito sa ating katawan?
  3. May magaganda bang maidudulot sa gawaing ito?
  4. Ano ang inyong maipapayo sa mga taong naninigarilyo?

5 of 15

Gawin Mo!

Panuto: Tingnan ang salita sa kolum B na magtutugma sa pangungusap sa kolum A.

Kolum A:

Kolum B:

  1. Ang intensyon o ang bagay na minimithi ng puso at damdamin ng isang tao/ pangkat.

  • Ito ay sinasabi na hindi dapat gawin.

  • Sinisindihan sa kabilang dulo na bahagi nito at sa kabila naman ay kung saan maaaring hithitin ang usok.
  1. Sigarilyo

  • Layunin

  • Bawal

6 of 15

Alam mo ba?

Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo. Ayon sa Department of Health, isang tao kada 13 Segundo, o isang milyong katao taun-taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa puso, baga, kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas na sanhi ng pag-atake ng hika.

7 of 15

Basahin Natin!

Buwan ng Hunyo: Bawal Manigarilyo

Ang buwan ng Hunyo bawat taon ay nagdiriwang ng “No Smoking Month” alinsunod sa Republic Act 9211 ng Tobacco Regulatory Act ng taong 2003. Ano ang layunin nito? Sa buwan nga lamang ba talaga ng Hunyo bawal ang paninigarilyo?

Hindi lamang sa buwan ng Hunyo ang mahigpit na pagkakampanya para sa pagbabawal manigariyo. Kaya lamang sa buwang ito pinaiigting ang kampanya ng Department of Health (DOH) na talikuran na ang masamang gawaing ito.

8 of 15

Ayon sa estatistika, 41 porsyento ng matatandang Pilipino ay naninigarilyo. Ang 64 porsyento nito ay kalalakihan at 18 porsyento ay kababaihan.

Polusyon sa hangin ang idinudulot ng usok ng sigarilyo. Nagdudulot din ito ng karamdaman sa naninigarilyo at sa nakalalanghap lamang ng usok nito. Pinatunayan ng mga pagsusuri na ang paninigarilyo ay naging dahilan ng iba’t ibang karamdaman. Nagiging sanhi ito ng kanser sa baga, sa bibig, tiyan, lalamunan, lapay, bato, urinary bladder, prostate, at cervical cancer. Ang paninigarilyo ang pangunahing sanhi ng chronic obstructive pulmonary disease (COPD), isang kondisyon na karaniwang anyo nito ay chronic bronchitis at emphysema.

9 of 15

Hinaharang ng sakit na ito ang daloy ng hangin patungo sa baga kay nagkakaroon ng kahirapan sa paghinga. Ito rin ang pinakamatinding panganib sa cardiovascular disease na nagiging sanhi ng heart attacks at stroke. Pinalala rin nito ang hika o asthma. May ambag din ito sa cataract at iba pang uri ng sakit sa mata, peptic ulcer, kakayahang magka-anak, at kung ano-ano pang sakit sa katawan. Isa rin ito sa dahilan ng pagkasira ng mga ngipin.

Ipinahayag ng World Health Organization (WHO), na sa buong mundo, ang tabako ang dahilan ng tinatayang limang milyong kaso ng pagkamatay bawat taon. Ag isang stick ng sigarilyo ay nagpapaikli sa buhay ng isang tao ng mga 10-11 minuto. Ang labis na pagkalulong naman sa sigarilyo ay nababawasan ang buhay ng pito hanggang walong taon.

10 of 15

Tunay nga na walang mabuting naidudulot ang paninigarilyo. Hindi ito lingid sa kaalaman ng 70% ng mga taong naninigarilyo. Nagnanais silang huminto na sa paninigarilyo subalit hindi nila magawa. Maaring kulang sila sa determinasyon.

Habang patuloy na ipinagdiriwang taun-taon ang Hunyo bilang “No Smoking Month,” sana marami pang maninigarilyo ang tuluyan na itong iwasan.

11 of 15

Pagsasanay

__________1. Ang polusyon ay ang pagiging marumi ng kapaligiran.

__________2.Ang Department of Health (Kagawaran ng Kalusugan) ay ahensiyang nangunguna sa pangangalaga sa kapakanang pangkalusugan ng mga mamamayan ng bansa.

PANUTO: Isulat ang salitang binibigyan ng kahulugan ng pangungusap.

12 of 15

__________3.Ang Asthma o Hika ay karaniwang matagal at pabalik-balik na sakit na pamamaga sa daluyan ng hangin.

__________4. Nagaganap sa buwan ng Hunyo ang “No Smoking month” bilang pagpapaigting sa kampanya laban sa paninigarilyo sa pamamagitan ng pagmulat sa publiko ng hindi magandang epekto nito.

__________5. Ang pagpapasya na tiyak at walang pag-aalinlangan para magawa ang gustong gawin ay determinasyon.

13 of 15

TANDAAN MO!

Upang maibigay ang kahulugan ng pamilyar at di pamilyar na salita, kailangan basahing mabuti ang depinisyon na ibinigay.

14 of 15

Salita

Kahulugan

_____1. Kubyertos

_____2. Pagdadalangtao

_____3. Makata

_____4. Bapor

_____5. Palayaw

  1. Nagsusulat ng tula. Maaring ilarawan nila ang kanilang sarili bilang ganoon o mailarawan sila bilang ibang tao.

  • Kadalasang maikli, maiksi, maganda, minamaliit o kaya pamalit sa totoong pangalan ng isang tao o bagay.

  • Isang uri ng kasangkapang pangkain.

  • Isang malaking sasakyang pantubig na ginagamit para sa pandagat na paglalakbay.

  • Ang pagdadala ng isa o higit pang mga supling na tinatawag na fetus sa loob ng bahay-bata.

P

A

G

T

A

T

A

Y

A

15 of 15

Takdang-aralin!

  • Maghanap ng kahit anong maikling seleksyon. Kunin ang mga salitang pamilyar at di-pamilyar at ibigay ang kahulugan nito.