1 of 14

Pagbibigay ng

Maaaring Solusyon

sa Isang Naobserbahang

Suliranin

JAYSON MARK SERMONIA

RICARDO P. CRUZ SR, ELEMENTARY SCHOOL

2 of 14

Ano ang pangatnig?

Magbigay ng halimbawa.

Anu ano ang mga uri ng pangungusap?

Magbigay ng isang uri ng pangungusap?

BALIK ARAL

3 of 14

Ano ang masasabi ninyo sa mga larawan

4 of 14

5 of 14

6 of 14

“Ang polusyon dulot ng mga pabrika ay malaking pinsala rin. Ang mga usok nito ay may carbon monoxide, sulfur dioxide na kapag sumama sa water vapor ay magiging sulfuric acid. Kapag umulan, ang sulfuric acid ay magiging acid rain na pumapatay sa kagubatan at ilog.”

7 of 14

1. Ano ang dulot ng pabrika?

2. Paano nagkakaroon ng acid rain?

3. Anong pinsala ang dulot ng Acid Rain?

4. Paano mo masusolusyunan ang polusyon sa paligid?

8 of 14

Gawin Mo

Ano ang maibibigay mong solusyon sa suliranin.

"Ang pagkabutas ng Ozone Layer ay nakababahala dahil sa nakapaglalagos na ang matinding sikat ng araw sa ating daigdig. Nakararamdam na tayo ng labis na init. Ito rin ay maaaring magdulot ng kanser sa balat at iba pang sakit at pagkasira ng kabuhayan."

9 of 14

Basahin ang mga pangungusap na hinango sa ating usapan.

1. “Noon, ang mga puno ko’y siksikan kaya halos walang madaanan.”

2. “Ngayo’y puro bahay na ang nakatayo at sa kabila nama’y sinusunog ng mga kaingero ang mga puno.

3. “Napipinsala na rin sila dahil sa malaking baha.”

4. “Wala silang puso at hindi sila marunong mangalaga sa atin.

5. “Katulad mo, halos hindi rin ako makagalaw dahil punung-puno ako ng basura, bulok na bagay, dumi ng hayop at iba pang bansa.

10 of 14

Isulat ang mga pangungusap na tambalan at hugnayan sa tsart.

TAMBALAN

HUGNAYAN

11 of 14

TANDAAN

SUGNAY

Ang dalawang lipon ng salitang nakakahon ay pinagdugtong upang magkaroon ng bagong anyo. Ang dalawang lipon ng salita ay tatawagin nating sugnay.

Ang sugnay ay lipon ng mga salita na may simuno at panaguri. Sugnay na makapag-iisa ang sugnay kung ito ay nagpapahayag ng buong diwa. Tinatawag din itong payak na pangungusap. Sugnay na di-makapag-iisa ang sugnay kung ito ay hindi nagpapahayag ng buong diwa. Hindi ito matatawag na pangungusap.

12 of 14

Paghiwalayin ang mga sugnay na bumubuo sa pangungusap.

1. Siguradong matutuwa ang iyong guro dahil nag-aaral kang mabuti ng iyong aralin.

2. Tiyak na magiging malinis ang ating paligid kung magtutulung-tulong tayo.

3. Si Isa ay nag-aaral na mabuti dahil nais niyang magkaroon ng magandang kinabukasan.

4. Nagtagumpay siya sa pag-aaral bagamat mahirap lang ang kanilang buhay.

5. Nagsisikap ang mga magulang upang maitaguyod ang mga anak.

13 of 14

Isulat ang mga sugnay sa tsart.

Makapag-iisa

Di-Makapag-iisa

14 of 14