1 of 19

Pagsagot sa mga Literal na Tanong Tungkol sa Talatang Pinakinggan

Prepared By:

Sylvia R. Orcajo

2 of 19

Tingnan ang Larawan

3 of 19

  1. Masaya ba ang pamilyang ito?

  • Ano ang ibig sabihin ng pamilya?

  • Sino-sino ang bumubuo ng pamilya?

  • Bakit mahalaga ang pamilya?

4 of 19

Basahing mabuti ang teksto at sagutin ang mga tanong:

Nakaipon ng halagang Ᵽ500.00 si Aling Flor mula sa kanyang paglalabada. Sinubukan niyang magtinda ng lutong pansit mula sa perang ito. Matiyaga niyang inilalagay sa sisidlang plastik ang pansit at inihuhulog niya ito sa kalapit na paaralan. Madali itong nauubos.

Gawin Natin!

5 of 19

Gustong-gusto ng mga mag-aaral ang kaniyang luto. Wala pang isang taon ay nakaipon siya ng malaki-laking halaga at ito ay ipinatayo niya ng isang maliit na tindahan. Dito’y nagtitinda pa rin siya ng mga lutong pagkain gaya ng lugaw, puto, at iba pa. Ngayon ay may mga katulong na siya sa pagluluto at pagtitinda ng mga kakaning pagkain.

6 of 19

Mga tanong:

  1. Sino si Aling Flor?
  2. Magkano ang naipon niyang pera?
  3. Ano ang ginawa ni Aling Flor sa perang naipon?
  4. Saan niya itinitinda ang kanyang paninda?
  5. Nang nakaipon nang malaki si Aling Flor, ano ang kanyang ginawa sa pera?

7 of 19

Alam mo ba na……

Ang bawat bahagi ng pamilya ay kinakailangang magkaroon ng pagkakaisa, pagmamahalan at respeto sa isa’t isa. Ang pinakabuod ng pamilyang Pilipino ay ang ama, ina at mga anak. Ang ama ang pinakapuno ng pamilya. Siya ang nasusunod at nagpapasya sa pamilya. Sa kabilang dako ay tungkulin niyang pakainin, bigyan ng matitirhan at papag-aralin ang mga miyembro ng kanyang pamilya. Kaya siya ang nagtratrabaho at kumikita ng pera. Ang ina naman ang bahala sa bahay at sa pag-aalaga ng mga bata. Siya ang humahawak ng pera ng pamilya at pinagkakasya ito sa pangangailangan ng pamilya. Ang mga anak naman ay may responsibilidad rin- maging mahusay sa pag-aaral at pagtulong sa bahay.

8 of 19

Basahin ang sanaysay at humanda sa mga katanungan pagkatapos

Ang mag-anak ang siyang pinakamaliit na institusyon sa ating bansa ngunit siyang pinakaugat. Kung walang puno, walang bunga. Kailangang itanim natin sa ating isipan ang pagpapanatili ng buong pamilya kahit dumating ang anumang suliranin at tukso. Mahalaga ang buong mag-anak sa malusog at maayos na paglaki at pag-unlad ng bawat kasapi. Kailangan ang pagkakabuklod at pagkakaisa ng bawat kasapi sa anumang gawain o mithiin ng isa’t-isa.

9 of 19

Samantala, may mga pagkakataong dumarating sa isang mag-anak na isa o dalawang kasapi nito ay kailangang mawala sa kanilang piling upang maghanap ng mabuting kapalaran sa ibang bansa. Suriin ang situwasyong tulad nito:

10 of 19

Nang umuwi si Mang Castro sa Pilipinas buhat sa pagtatrabaho sa Saudi Arabia ay isa na siyang malamig na bangkay. Umiiyak sa dalamhati ang kanyang asawa at anak na maliit pa.

Si Mang Castro ay nagkasala sa batas ng Saudi Arabia, dahil hindi siya pinasusuwelduhan ng kanyang among Arabo sa loob ng maraming buwan. Kaya napilitan siyang looban ito ng ilang daang rial upang may maipadala siyang pera sa kanyang pamilya. Sinamang-palad namang napatay nito ang kanyang amo kaya hinatulan siya ng kamatayan.

11 of 19

Gawin ninyo!

Panuto: Gumawa ng limang katanungan na hango sa nabasang sanaysay.

    • __________________________________________________________?
    • __________________________________________________________?
    • __________________________________________________________?
    • __________________________________________________________?
    • __________________________________________________________?

12 of 19

Ang Batang Matulungin at Masunurin

Panlinang na Gawain

Panuto: Basahin ang sanaysay at humanda sa mga katanungan pagkatapos

13 of 19

Si Paul ay nagmamadaling lumabas sa paaralan upang umuwi. Pagagalitan siya ng ina kapag mahuli siya sa pag-uwi.

Habang naghihintay siya ng sasakyan, may lumabas na mag-ina sa paaralan. Sa unang tingin palang, kitang-kita na masama ang pakiramdam ng bata. Tumayo ito sa tabi niya upang mag-abang din ng masasakyan. Maya-maya may humintong sasakyan sa harapan ni Paul.

14 of 19

Sasakay na sana siya subalit nakita niya na namimilipit sa sakit ng tiyan ang bata. Nagmamadali siya sa pag-uwi dahil pagagalitan siya ng ina kapag nahuli sa pag-uwi subalit naawa siya sa bata.

Alam niyang mas kailangan ng mag-ina na sumakay kaagad, kaya ipinaubaya nalang niya ang sasakyan sa kanila. Nagpasalamat ang ina ng bata. Naghintay muli si Paul ng susunod na sasakyan na masaya dahil nakatulong siya sa kapwa kahit sa munting paraan lang.

15 of 19

Tandaan!

  • Upang masagot ng tama ang mga tanong sa teksto, kailangang maunawaan ang nilalaman nito sa pamamagitan ng pagbuo ng konsepto.

  • Ang mga sagot sa mga literal na tanong ay makikita sa tekstong binasa. Ito ay sumasagot sa tanong na ano, sino, saan at kailan.

16 of 19

Pagtataya:

Panuto:Suriing mabuti ang maikling talaarawan ni Hanna at sagutin nang tama ang mga sumusunod na katanungan.

17 of 19

Ang Aking Bakasyon

Nagbakasyon ako sa Lola ko sa lalawigan. Masaya kami ng mga pinsan ko roon.

Aktibo si Lola Rosa sa gawaing pansimbahan. Kagawad naman ng barangay si Lolo. Pareho na kasi silang retirado sa pagtuturo.

Titser sila dati sa paaralang sa bayan. Lagi akong kasama ni Lola sa pagsisimba kung Linggo. Katulong din niya ako sa pag-aalaga ng mga orchid. Abala naman si Lolo sa proyektong Linis-Kapaligiran. Natutuhan ko sa kanila na kahit matanda na, marami pa ring maitutulong sa pamayanan.

18 of 19

Mga tanong:

  1. Saan siya nagbakasyon si Hanna?
  2. Ano ang dating trabaho ng Lolo at Lola ni Hanna?
  3. Kailan nagsisimba sina Hanna at ang kanyang Lola?
  4. Sino ang abala sa proyektong Linis-Kapaligiran?
  5. Ano ang kasalukuyang trabaho ng Lolo ni Hanna?

19 of 19

Takdang Aralin:

Panuto: Sumulat ng talata ayon sa pamagat sa ibaba at bumuo ng limang (5) tanong.

“Ang Aking Hindi Malilimutang Karanasan”