Pagbibigay Kahulugan sa mga Matalinghaggang Salita
Prepared by:
Sylvia R. Orcajo
Tingnan ninyo ang larawan.
Pagpapaunlad sa Talasalitaan:
Basahin ang seleksyon at sagutin ang mga tanong na kasunod nito.
Macli-ing Dulag: Tagapagtanggol ng Kapaligiran
Marahil ay hindi mo pa naririnig ang pangalang Macli-ing Dulag. Hindi kasi siya bukambibig ng mga tao, di tulad ng mga pangalan ng mga artista at pulitiko sa ating bansa. Taliwas sa buhay ng mga kilalang taong nabanggit, si Macli-ing Dulag ay sa bundok naninirahan. Kabilang siya sa tribu ng mga Kalinga na nakatira sa kabundukan ng Cordillera. Hindi siya nakapag-aral kaya hindi siya marunong bumasa’t sumulat. Ang alam lang niya’y ilagda ang kanyang pangalan.
Ngunit para sa mga taga-Kalinga, si Macli-ing Dulag ay isang bayaning nagtanggol at nagbuwis ng buhay para sa kanila at sa kanilang lupain, Narito ang kanyang kasaysayan:
Simula pa noong 1966, si Macli-ing na ang kapitan del baryo ng kanyang mga katribu. Sa kanyang pamumuno ay naging tahimik at payapa ang pamumuhay ng mga Kalinga.
Nagsimula ang pagbabago sa tahimik na lupain ng mga Kalinga noong 1974, nang may dumating na pangkat ng mga kinakatawan ng gobyerno sa kanilang lugar upang suriin ang kanilang lupain. Sinabi ng namumuno sa pangkat; “May bagong proyekto ang gobyerno. Magtatayo kami rito ng saplad (dam) para magkaroon ng elektrisidad dito at sa mga karatig-bayan. Lalo kayong uunlad! Pero kailangan namin ang tulong ninyo.”
Pinaliwanag ng mga bisita na kailangang lumipat sa ibang lugar ang mga Kalinga dahil masasakop ng itatayong saplad ang lupain nila. Nang marinig ni Macli-ing ang pahayag na ito, agad niyang naisip ang magiging bunga nito sa kanyang mga kasama at sa kapaligiran. Magkakaroon na sila ng elektrisidad ngunit mawawala naman ang lupain nila pati na ang kabuhayan nila na galing sa pagtatanim.
Ang kanilang lupain ang tanging kayamanan na ipapamana sa kanilang mga anak. Dahil ditto, tinutulan ni Macli-ing ang proyekto. Ngunit hindi nagging madali ang pakikipaglaban niya. Sinimulan siya suhulan ng mga taong may kaugnayan sa proyekto.
Sa isang pagtitipon, inabutan ng isang sobre si Macli-ing. Ganito ang sinabi niya; “ Dalawa lamang ang maaaring laman ng sobreng ito, sulat o pera. Komo di naman ako marunong bumasa, nasisiguro kong hindi ito sulat. Ang pera naman ay ibinibigay sa isang tao na may ipinagbibili. Sa ganang akin, wala akong ipinagbibili.”
Inalok din si Macli-ing ng trabaho ng mga nagnanais na magpatayo ng saplad. Tinanggihan din niya ito. Marami pa silang magagandang bagay na pilit na ibinibigay kay Macli-ing ngunit naging matatag ito sa pagtanggi. Hanggang sa maubos ang pasensya ng mga taong gobyerno at gumamit ng dahas ang mga ito.
Noong 1977, hinuli si Macli-ing at ang ilan niyang mga kasamahan. Sila’y ikinulong ng dalawang buwan. Ngunit sa kabila nito ay patuloy ang pagtutol ni Macli-ing sa proyekto at hinadlangan ito sa tulong ng mga karatig tribu.
Nagwakas lamang ang pakikipaglaban ni Macli-ing noong gabi ng Abril 24, 1980. Sinalakay ng mga di- kilalang lalaki ang kanilang lugar. Sampung punglo ang itinanim ng mga ito sa katawan ng magiting na pinuno. Namatay ni Macli-ing na ipinaglalaban ang kanilang lupain at ang karapatan ng kanyang mga anak at mga apo sa lupang pinagmumulan ng kanilang ikinabubuhay.
Ilan pa kaya ang tulad ni Macli-ing, na kahit hindi nakapag-aral ay may malinaw na pang-unawa sa karapatan.
Mga Tanong:
Pag-aral ang pangungusap at pag-isipan ang mga salitang may salungguhit
Gawin Natin:
_____1. Bukambibig
_____2. Nangalod ang tuhod
_____3. Suhulan
_____4. Maubos ang pasensya
_____5. Gumamit ng dahas
_____6. Patay gutom
_____7. Sumakabilang-buhay
_____8. May bukas pa
_____9. Makulimlim ang mukha
_____10. Kagubatang lungsod
Panuto: Pagtapatin ang matalinghagang salita sa nabasang kwento
Panuto: Bilugan ang kahulugan ng mga idyomatikong pananalitang may salungguhit.
Pagtataya
a. mahirap umiyak c. iyak ng iyak
b. madaling umiyak d. ayaw umiyak
2. May mabulaklak na landas ang masisipag at matitiyagang mag-aaral.
a. may mga bulaklak c. mabulaklak na daan
b. mayamang kaibigan d. magandang hinaharap
3. Pinarangalan sa klase ang batang may utak.
a. matalino c. malusog
b. may kaya d. malaki
4. Si G. Joel Tolosa ang haligi ng tahanan.
a. matanda c. kuya
b. bunso d. ama
5. May uod sa katawan ang batang palipat-lipat ng kanyang upuan.
a. madaldal c. tahimik
b. malikot d. masipag
Takdang-aralin
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng bawat matalinghagang salita.