_____
ESP III
UNANG MARKAHAN
LINGGO 5 - MELC NO. 5
Pangangalaga sa Kalusugan at Kaligtasan
Module-Based
Balik-aral
Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng katatagan ng loob. MALI naman kung hindi.
1. Laging naghuhugas ng plato si Tony
pagkatapos kumain.
TAMA MALI
2. Inaaway ni Mark ang mga kalaro kapag
natatalo siya.
TAMA MALI
3. Nagawa mo ng tama ang mga iniutos
sayo ng nanay
TAMA MALI
4. Pumapasok ka sa paaralan ng
mag-isa.
5. Tinatawag mo ang ate mo upang
samahan ka sa pagwalis ng bahay.
TAMA MALI
TAMA MALI
Suriin
Suriin ang bawat larawan. Tukuyin kung ito ay kilos upang pangalagaan ang sarili.
Ilagay ang kung Oo at naman kung Hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1.
2.
3.
4.
5.
Subukin Natin
Ayusin ang ginulong mga letra upang mabuo ang mga salita na tumutukoy sa pangangalaga ng sarili. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Ito ay paglilinis ng katawan sa pamamagitan ng pagsasabon at shampoo.
Pagliligo
2. o y s i s e r h E
Pag-galaw ng katawan upang pawisan.
Pagtatanggal ng mga kalat at dumi.
Ehersisyo
Paglilinis
4. a y i s n a t s u s a M
Ito ay pagkain. Halimbawa nito ay isda, gulay at prutas.
Ito ang ginagawa sa basurang nabubulok at
hindi nabubulok
Masustansiya
Paghihiwalay
Tuklasin natin:
Narinig mo na ba ang kasabihang:
“Ang kalusugan ay kayamanan?”
Naniniwala ka ba dito? Totoong ang kalusugan ay kayamanan. Masasabing ikaw ay malusog kung maayos o masigla ang iyong pangagatawan. Malusog ka kung wala kang sakit o karamdaman.
Magagawa mo ang iyong nais at maaaring humaba pa ang iyong buhay. Ang kalusugan ay kaayusang pisikal, mental o pag-iisip, emosyonal o damdamin, sosyal at espirituwal.
Dapat mong pangalagaan ang sariling kalusugan. Matatamo ito kung maisasagawa ang iba’t ibang wastong kilos at gawi.
Ilan sa mga dapat mong gawin ay ang mga sumusunod:
• Pagsunod sa social distancing
(magkakalayo sa isa’t isa)
• paglilinis ng katawan (paliligo,
pagsisipilyo)
• pagkain ng masusustansiyang pagkain
• pagliligpit ng mga kalat at mga laruan
• pagwawalis sa loob at labas ng bahay
• paghihiwa-hiwalay ng basura
• pagtulog at paggising nang maaga
Pagyamanin
Basahin ang tula
Sarili Ko, Pangangalagaan ko
Ating katawan ay biyaya ng Maykapal,
Kaya dapat alagaan at pahalagahan; Malinis na puso at bukas na isipan,
Ang ating sarili, ating kabuuan.
Ang sarili nati’y dapat pag-ingatan,
Dagdagan ng kaalaman ang ating isipan;
Ating katawan, mahalin at pangalagaan,
Wastong pagkain lamang ang laman
Dapat pag-eehersisyo’t wastong paglilibang,
Kailangan lagi ng ating katawan.
Ano-anong pag-iingat at pangangalaga sa sarili ang nabanggit sa tula? Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Dagdagan ng kaalaman ang ating isipan
Ating katawan, mahalin at pangalagaan
Isagawa
Kasing edad ni Noreen na walong taon. Pangalawa siya sa tatlong magkakapatid. Tuwing may iuutos ang nanay niya ay lagi siyang nagmamaktol habang kumakamot sa ulo.
Ayon sa tula mapag-iingatan at mapangangalagaan ko ang aking sarili sa pamamagitan ng__________
Wastong pagkain
Pag-eehersisyo
Wastong paglilibang
Isaisip
Ang isang batang malusog ay madaling makagawa ng mga proyekto o gawain nang may kahusayan. Ang paraan ng kaniyang pag-iisip ay kahanga-hanga sapagkat nasasalamin sa kaniya ang kahinahunan, kaayusan at katalinuhan.
Ang pagkakaroon ng wastong kilos at gawi sa pangangalaga sa sariling kalusugan at kaligtasan ay isang ugaling dapat kasanayan.Kung ito ay maisagawa natin, hindi tayo dadapuan ng mikrobyo o COVID 19 na nagdudulot ng paghihina ng ating katawan at pagkakasakit.
Tayahin:
Isulat kung ang sumusunod na pangangalaga sa kalusugan ay pisikal, emosyonal o mental.
1.Nag-eehersisyo araw-araw.
pisikal
2. Pagiging positibo sa lahat na gawain.
emosyonal
3. Paggamit ng oras sa pag-aaral.
mental
4. Natutulog ng tama sa oras.
Pisikal
5. Pagiging masayahin at palangiti.
emosyonal
_____
Teacher Kristal
Maraming Salamat sa iyong pakikinig