�Pagbibigay ng maaaring solusyon sa naobserbahan �sa paligid�
LUCILA G. OCAY
Teacher III
Balik Aral:
Anong uri ng pangungusap ang sumusunod:
Paano makatulong
masolusyunan ang
problema sa basura?
KALIGTASAN NG MGA NANGANGAILANGAN
Ang pagtulong sa kapwa ay naging ugali na ni Jacinta. Bawat pulubing lumapit sa kaniya’y kanyang nilili-musan. Madalas iniimbitahan niya ang mga batang mahihirap na maki-paglaro sa kaniya.
Si Jacinta ay madasalin.Tuwing araw ng Linggo, siya ay nagsisimba. Pagkatapos, namimigay siya ng mga laruan, damit, at pera sa hanay ng mga pulubi. Napamahal si Jacinta as kaniyang mga kababayan.
Nakaugalian na ng mga tao na dalawin si Jacinta kung araw ng Pasko. Kakatok sila sa pintuan ng kaniyang tahanan at sila’y masayang patutuluyin at hahainan ng sari-saring pagkain.
Isang araw ng Pasko, sa kanilang pagtataka, walang sumasagot sa kanilang pagkatok. Umakyat ang mga tao sa kabahayan at laking gulat nila nang makitang nakahandusay sa sahig at wala nang buhay si Jacinta.
Nalungkot at nag-iyakan ang mga tao sa sinapit ng kanilang idolong si Jacinta.
Ano ang naging suliranin ng mga tauhan sa kwento?�Anong solusyon ang maibibigay mo sa maraming pulubi?
TAGUMPAY SA KABILA NG SAGWIL
Si Tessie Galasa ang bunso sa siyam na magkakapatid. Dalawa lamang silang magkapatid na nakapag-aral. Hindi kayang tustusan ng kanilang magulang ang pagpapaaral sa kanilang lahat. Ang kanilang karalitaan ay hindi naging sagwil para kay Tessie. Nakapag-aral siya sa ilalim ng isang scholarship grant.
Tatlong taong gulang lamang si Tessie nanag sinamang-palad siyang magkasakit at nalumpo. Habang siya ay lumalaki, sumisidhio ang kaniyang hinagpis at pagkaawa sa sarili. Ngunit natutuhan din niyang labanan ang damdaming ito.
Sa ginanap na Magnolia 10-Kilometers marathon on Wheels, nanalo si Tessie ng unang gantimpala sa karerang pambabae. Nanalo rin siya sa 21–kilometers wheel-a-thon. Noong 1982, tatlong medalyang ginto at isang medalyang pilak ang kanyang napanalunan sa palarong languyang pandaigdig para sa mga may kapansanan. Ginanap ito sa HongKong. Dahil sa tibay ng kaniyang loob, nagtagumpay siya sa kabila ng sagwil sa kaniyang buhay.
Sagutin ang mga tanong:��1. Ano ang suliranin ng tauhan?�2. Anong nagging solusyon sa � kanyang suliranin?
Gawain Natin:� Pumili ng lider na babasa ng kwento. Matapos mapakinggan, sagutan ang mga tanong.� Ang Batang si Pule��
Ang Batang si Pule� Mahirap ang mga magulang ni Apolinario Mabini kaya hindi nila kayang papag-aralin sa Maynila ang anak nila. Matalino pa naman si Pule, ang palayaw nila kay Apolinario Mabini.� Ngunit sadyang nais ni Pule na matuto. Pumasok siyang utusan sa isang mayaman sa Maynila. Naglingkod din siya bilang isang klerk upang makapagpatuloy ng pag-aaral.�
Dahil sa mga gawaing-bahay, malimit siyang mahuli sa kaniyang klase. Maaga siyang gumigising sapagkat nagluluto pa siya ng almusal, naghahain, at nagliligpit ng pinagkainan ng kaniyang pinaglilingkuran.� Walang pambili si Pule ng aklat kaya nakikibasa na lang siya. Kinokopya niya sa aklat ang mahahalagang bagay na dapat pag-aralan nang masinsinan.� Gayunpaman, palaging matataas ang marka ni Pule. Kaya hinahanganan siya ng kaniyang mga guro at kamag-aral.
EMILIO AGUINALDO� Hindi nabakas sa kabataan ni Emilio Aguinaldo na siya ay magiging pangulo ng Pilipinas. Ang kanyang ama ay naging gobernadorcillo ng Kawit, Cavite. Walang pambihira sa kanyang record sa pag-aaral. Natuto siya ng alpabeto sa bahay. Nagtapos siya ng elementary sa paaralang bayan ng Kawit.
Nagtapos siya ng sekondarya sa San Juan de Letran. Huminto siya ng pag-aaral sa kolehiyo. Umiwas siya na maglingkod sa sandatahang lakas. Tinulungan siya ng kanyang ina upang siya ay maging cabesa de barangay. Naging negosyante siya.Namili siya ng tela at mga yaring produkto.Ipinamalit niya ang mga ito ng prutas, gulay, baboy at manok