1 of 15

Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng Pangungusap sa Pagsali ng Isang Usapan

LUCILA G. OCAY

Teacher III

QUEZON CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

2 of 15

Basahin nang wasto ang mga pangungusap na sumusunod:

  1. Itinataas ang watawat sa tagdan.
  2. Nakita ko kung paano siya nadapa.
  3. Nadapa ang bata!
  4. Ano ba ang nangyari sa iyo?
  5. Lagyan mo ng gamot ang sugat niya.

Sagutin:

Anu-ano ang nararapat nating gawin kung tayo ay sumasali sa isang usapan o dayalogo?

Paano mo maipapakita ang pagiging magalang sa pakikipag-usap?

3 of 15

Ano ang maaaring pinag-usapan nga dalawang bata?

4 of 15

Pagbasa sa isang usapan.� Ay! Swerte!�Josefino: Inay, maaari po ba akong magpunta sa lumang basketball court?�Inay: Sige, anak, kaya lamang, huwag mong pabayaang matuyo ang pawis mo, hane. Pakidaan mo na rin itong ginataan kay Mareng Sela.

5 of 15

Josefino: Opo. (May pasipul-sipol pang naglakad si Josefino dala ang bola at mangkok ng ginatan.) Uy! Singkwenta pesos! Kanino kaya ito? Kay Inay? Ah, di na bale. Akin na ito! Napulot ko ito. Tiyak, marami akong mabibili nito. Ibibili ko si Titser Tess ang bulaklak at tsokolate.

6 of 15

Bibigyang ko sina Carlo, Oscar, May at Grace ng sandwich. A, ewan! Inay! Inay! Nawalan po ba kayo ng pera? Singkwenta pesos, o! Napulot ko sa tabi ng pinto.�Inay: Naku, salamat, Josefino! Kanina ko nga iyan hinahanap. Maraming salamat. (Hahalikan si Josefino.)

7 of 15

Mga tanong:�1. Ano ang napulot ni Josefino? �2. Ano ang una niyang naisip gawin tungkol dito? �3. Saang lugar niya ito napulot?�4. Ano ang naramdaman ng Nanay nang maisauli ang kanyang pera?

8 of 15

Pagtatalakay�Alin ang pangungusap na nag-uutos?�Nagpapahayag ng matinding damdamin? �Ang nagsasalaysay? �Sa anong bantas nagtapos ang bawat pangungusap?

9 of 15

PAGYAMANIN MO ��Ang mga pangungusap na sumusunod ay hango sa usapang inyong binasa.�a. Uy! Singkwenta pesos! �b. Napulot ko ito sa tabi ng pinto. �c. Kanino kaya ito?�d.Inay, nawawalan po ba kayo ng pera? �e. Huwag mong pabayaang matuyo ang pawis mo.�

10 of 15

Alin sa mga pangungusap ang nag-uutos? Nagpapahayag ng matinding damdamin? Ang nagsasalaysay? Sa anong bantas nagtapos ang bawat pangungusap?�

11 of 15

Basahin ang bawat sitwasyon. �Anong sasabihin mo sa iyong katabi? Ano naman ang kanyang isasagot? 1. Nakalimutan mo ang iyong aklat sa bahay. �2. Nais mong humiram ng aklat. Nagpahiram naman ang iyong kaibigan.�3.Nanood kayo ng palatuntunan. Umawit ang isa ninyong kaklase at namangha kayo sa kanyang talento sa pagkanta.�

12 of 15

Pangkatang Gawain�� Bumuo ng usapan tungkol sa proyektong “Clean and Green” sa inyong paaralan. Gamitin ang iba’t- ibang uri ng pangungusap.

13 of 15

May apat na uri ang pangungusap ayon sa gamit. �1.Paturol o pasalaysay ang pangugusap kung naglalahad ito ng isang katotohanang bagay. Nagtatapos ito sa tuldok. �2.Pautos ang pangungusap kung ito ay nag-uutos. Nagtatapos din ito sa tuldok. �3.Patanong ang pangungusap kung nagtatanong. Nagtatapos ito sa tandang pananong. �4.Padamdam ang pangungusap kung nagsasaad ng matinding damdamin. Nagtatapos ito sa tandang padamdam.

Tandaan:

14 of 15

Isulat ang angkop na pangungusap na dapat sabihin ng mga bata sa larawan.

15 of 15

Maraming Salamat!

Sana ay may

natutunan kayo…