ARALING
WEEK 2 DAY 4
PANLIPUNAN 5
PAMANTAYAN
SA PAGKATUTO
Isulat sa linya ang tinutukoy sa bawat bilang. Gawing gabay sa pagsagot ang unang titik at ang mga ginulong titik sa loob ng kahon na nasa kaliwa. Tingnan ang inihandang halimbawa.
Halimbawa:
a. Ito ang malalim na bahagi ng karagatan. Trenches.
1. Ito ay ang tawag sa sina-unang supercontinent ng mundo. P__________________.
2. Ito ang ibang tawag sa asthenosphere. M_________________.
3. Ito ay nahahati sa malalaking tipak ng kalupaan. C__________________.
4-6. Ito ang maaaring maging paggalaw ng mga tectonic plate sa isa’t isa sanhi ng paggalaw sa asthenosphere.
P__________________.
P_________________at
P__________________.
7. Ito ay ang isa sa mga maaaring mangyari sanhi ng paggalaw ng mga tectonic plate. L____________.
8. Ang teoryang ito ay ang nagsasaad na ang kalupaan ay palaging gumagalaw. T__________________________________________.
9. Ito ang tawag sa paikot na paggalaw ng asthenosphere. C_______________________________.
10. Ito ang kasalukuyang bilang ng mga kontinente. P______________.
Sagutan ang crossword puzzle upang makumpleto ang mga salita. Gamitin ang mga clue words na matatagpuan sa ibabang bahagi at tignan ito kung ito ay pababa o pahigang salita.
Ayon sa paliwanag ng mito, ang Pilipinas ay nagmula sa pagpupukulan ng tipak-tipak na lupa at malalaking bato ng tatlong naglalabang higante upang patunayan kung sino sa kanila ang pinakamakapangyarihan sa Pasipiko.
Ang malalaking bato at lupang bumagsak sa karagatang ito ang siyang pinagmulan ng kapuluan.
May ibang alamat na galing sa mitolohiya ng mga Pilipino na nagsasabi tungkol sa pagbuo ng Pilipinas.
Mga halimbawa:
Bagobo – Nilikha daw ng diyos nila na si Melu ang mundo at ang Pilipinas mula sa libag ng kanyang katawan.
Manobo – Ang daigdig ay mula naman daw sa kuko ng kanilang Diyos.
Ilokano – Si Angalo (ang kanilang diyos) ang nglikha ng lahat ng bagay. Ang Pilipinas ay nabuo mula sa pag-aaway ng Langit at Dagat.
Suriin ang mga pares ng pangungusap. Isulat sa papel ang S kung ito ay sanhi at B kung ito ay bunga.
1. ___ Patuloy ang pagtambak ng mga volcanic na materyal sa ilalim ng karagatan.
___ Unti-unting lumitaw ang mga pulo sa karagatan na siyang bumuo ng kapuluan
ng Pilipinas.
2. ___ Nawala ang mga tulay na lupa at tuluyan nang lumubog sa dagat.
___ Natunaw ang mga yelong bumabalot noon sa malaking bahagi ng malaking
kontinente.
3. ___ Patuloy ang paikot na paggalaw ng mga tectonic plate sa ilalim ng mga karagatan.
___ Nababago ang anyo, hugis, at posisyon ng mga kalupaan dahil sa paghihiwalay at
pagbabanggaan ng mga plato.
4. ___ Hindi tumitigil ang paggalaw ng mga tectonic plate sa ilalim ng karagatan.
___ Minsan nagkaroon tuloy ng mga paglindol, pagputok ng bulkan, at pagkabuo ng mga bundok.
5. ___ Pinaniniwalaang may mga tulay na lupa noon.
___ Malayang nakapaglalakbay ang mga hayop noon sa malalawak na mga lupain ng daigdig.
Upang mas lalong maunawaan ang paksang napag-aralan, isaayos ang mga pangungusap sa tama nitong hanay upang mabuo ang kaisipan.
Isulat sa patlang ang Tama kung tama ang sinasabi ng pahayag at Mali naman kung hindi.
_________ 1. Magkaaway sina Malaking Ibon, Dagat at Langit sa mito ng Malaking Ibon.
_________ 2. Sinasabing dahil sa pagpukpok ng mga tipak na lupa at malalaking bato ng tatlong higante, nabuo ang Pilipinas.
_________ 3. Napagod sa paglipad ang Malaking Ibon ngunit wala siyang madapuang lupa.
_________ 4. Pinalaki ni Dagat ang kaniyang mga alon ngunit hindi natablan si Langit ng mga ito.
_________ 5. Naglaban ang limang mga higante upang patunayan kung sino sa kanila ang pinakamakapangyarihan sa Karagatang Atlantic.
_________ 6. Naglabas ng ulan si Langit bilang paglaban niya kay Dagat.
_________ 7. May lupa na noon ang kinatatayuan ng Pilipinas bago pa mag-away sina Dagat at Langit.
_________ 8. Nanigas ang mga batong pinakawalan ni Langit at naging Pilipinas.
_________ 9. Nakipag-away ang Malaking Ibon sa kaniyang mga kaibigan.
_________ 10. Ang mga higante na nag-away ay namatay sa dagat at ang mga katawan nila ay ang naging Pilipinas.
Takdang-aralin:
Ang mga mag-aaral ay isusulat ang kanilang kasagutan sa mahalagang tanong bilang paglalahat sa aralin.
MARAMING
SALAMAT!