Napatutunayan na nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad
1.Napapaliwanag na ispiritwalidad ang pagkakaroon ng mabuting pagkatao
2.Pagkakaroon ng positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa kapuwa at Diyos.
DAY
1
Tungkol saan ang aralin natin noong nakaraang linggo?
Pagpapakita ng video clip na may lyrics ng awiting “Sino Ako”
Mga Tanong
1. Ano ang pamagat ng awit?
2. Sino ang umawit nito?
3. Ano ang ipinapahiwatig ng awit?
4. Kung ang Diyos ang pinagmulan ng lahat, paano mo siya mapapasalamatan?
5. Sa papaanong paraan mo rin maipakikita ang iyong pagmamahal sa Diyos?
6. Kung walang nararamdamang pagmamahal ang bawat isa sa atin, ano na kaya ang mangyayari sa mundong ating ginagalawan?
Tingnan ang mga larawan ng simbahan.
Itanong:
a. Ano ang ipinakita sa mga larawan?
b. Ano - anong relihiyon ang alam ninyo? Saan kayo kabilang?
c. Ano ang paraan ng inyong pagsamba?
d. Alam niyo ba ang pagkakaiba sa paraan ng pagsamba ng mga Kristiyano sa Muslim? Ibahagi ito sa klase.
e. Iginagalang mo ba ang kanilang paniniwala? Sa papaanong paraan?
f.Ano ang nagagawa ng relihiyon sa buhay ng tao?
g.Kung walang pinaniniwalaan ang mga tao, ano sa palagay mo ang mangyayari?
Ang pagiging mabuti sa kapwa ay humuhubog sa ispiritwalidad ng isang tao.
DAY
2
Itanong :
1.Ano ang ating pinag-aralan kahapon?
2.Anong pagpagpapahalaga ang iyong natutuhan tungkol sa aralin?
Tingan ang mga larawan
Pipili ng isang larawan na nagpapaunlad ng ispiritwalidad.
Bigyan sila ng limang minuto para sa preparasyon at karagdagang dalawang minuto sa presentasyon.
b. Ibigay ang rubrics para sa gawain.
c. Pagpapakita ng ginawa.
d. Pagbibigay ng kanilang natutunan sa bawat presentasyon.
Ang mabuting gawa ay nagpapayaman ng ispiritwalidad ng isang tao.
DAY
3
Anong mga kaisipan ang natutunan ninyo sa mga ginawa nating pangkatang gawain?
a. Ipanood sa mga mag-aaral ang mga video clip ng mabubuting gawain na nagpapaunlad ng ispiritwalidad.
Mga tanong.
1.Ano ano ang ipinakita sa video clip?
2.Ano ang ibig iparating ng pangyayari sa video?
3. Gagawin mo rin ba ang ginawa nila? Bakit?
4. Pinag-iisipan mo ba ang paggawa ng kabutihan sa iyong kapwa o kusa mo na lamang itong ginagawa?
5. Nakadaramdam ka ba ng inner peace kapag gumagawa ng kabutihan sa iyong kapwa? sa paanong paraan?
6. Para magkaroon ng peace of mind, ano ano ang dapat mong gawin?
“Ang taong may positibong pananaw ay isinasabuhay ang pagiging mabuting tao upang mapaunlad ang kanyang ispiritwalidad.”
DAY
4
Patunayan na ang mga taong iyong hinahangaan ang nagsisilbing gabay mo sa paggawa ng kabutihan at sa paghubog ng mabuting pagkatao na may takot sa Diyos.
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na gawaing nagpapakita ng pagpapaunlad ng ispiritwalidad. Lagyan ng tsek ang kolum ayon sa kung gaano mo ito kadalas ginagawa.
Sumulat ng isang talata na nagpapatunay na ang ispiritwalidad ay nagpapaunlad ng pagkatao.
Gumawa ng scrapbook ng mga gawaing nagpapakita ng pagpapaunlad ng ispiritwalidad ng isang tao.