1 of 23

Diyos at Kapwa, Pinagmumulan ng Pag-asa.

Quarter 4 Week 4

2 of 23

Unang Araw

3 of 23

Pagbabalik-aral:

Tungkol saan ang aralin natin noong nakaraang linggo?

4 of 23

Ipakita ang mga larawan.

5 of 23

a. Ano ang ipinapakita sa mga larawan?

b. Bakit kaya nila ginagawa ang mga ito?

c. Ginagawa nyo rin ba ang mga ito? Bakit?

d. Sa papaanong paraan nakatutulong ang mga gawaing ito sa pagpapaunlad ng ating pagkatao?

e. Bukod sa mga ipinakita sa larawan, sa papaanong paraan pa natin mapauunlad ang ating pagkatao?

6 of 23

Pagpapakita ng video clips tungkol sa mga biktima ng iba’t ibang kalamidad sa bansa.

7 of 23

a.Ano ang naramdaman ninyo habang pinanunuod ang video?

b.Paano sila nabigyang pag-asa sa oras ng kalamidad?

c.Sa inyong lugar, ano-anong mga kalamidad na ang inyong naranasan? Sa papaanong paraan kayo natulungan o nakatulong na magbigay pag-asa sa mga biktima?

8 of 23

Likas sa tao ang kabutihan. Ito ay kanyang naipapakita sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa.

9 of 23

Pangalawang Araw

10 of 23

Itanong :

1.Ano ang ating pinag-aralan kahapon?

2.Anong pagpagpapahalaga ang iyong natutuhan tungkol sa aralin?

11 of 23

Ipaparinig ang awiting may pamagat na: May Bukas Pa ni Rico Puno

12 of 23

a.Ano ang iyong naramdaman habang pinakikinggan ang awit?

b.Ano ang pinakamahalagang mensahe ng awit?

c.Sinu-sino ang maaaring makatulong sa atin sa panahon ng pagsubok?

13 of 23

Pangkatang Gawain. Pangkatin ang klase sa 5. Bigyan ang bawat pangkat ng hugis kamay at doon ay isulat ang iba’t ibang paraan kung papaano makapagbibigay pag-asa sa kapwa. Iulat ang kinalabasan sa klase.

Mga Gabay na Tanong:

1.Ano ang natuklasan mo sa gawaing ito?

2.Sa papaanong paraan tayo nakapagbibigay pag-asa sa ibang tao?

3.Paano nakakaapekto sa iyo ang pagbibigay pag-asa sa ibang tao?

14 of 23

Ang pagbibigay pag-asa ay pagpapakita rin ng kabutihan

15 of 23

Pangatlong Araw

16 of 23

Pag-aanalisa ng mga sitwasyon:

1.Namatay ang tatay ng iyong kaklase, napansin mo na siya ay naging malulungkutin, ano ang maaari mong gawin upang siya ay magkaroon ng bagong pag-asa?

2.Bumagsak sa markahang pagsusulit ang iyong kaibigan. Madalas siyang lumiliban sa klase mula noon. Ano ang maaari mong gawin upang mapanumbalik ang kanyang interes sa pag-aaral?

3.Nasunugan ang inyong kapitbahay, wala siyang magamit na uniporme. Ano ang maaari mong gawin upang mapagaan ang kanyang kalooban?

17 of 23

Ang pagtulong at pagbibigay pag-asa sa kapwa ay pagpapahayag ng pagmamahal. Ang pagmamahal sa kapwa ay lalong nakapagpapatingkad ng pagmamahal at pananampalataya sa Diyos.

18 of 23

Pang-apat na Araw

19 of 23

Pangkatang Gawain. Pangkatin ang klase sa apat batay sa kanilang angking talento at kakayahan.

Pangkat 1 – Tableau (Namatayan ng nanay)

Pangkat 2 – Flip Tap( kaibigang may malaking problema)

Pangkat 3 – Poster ( Kamag-aral na nasunugan)

Pangkat 4 – Iskit ( Kapatid na hindi nakasama sa mga mabibigyan ng karangalan)

20 of 23

Panglimang- Araw

21 of 23

Piliin ang titik ng may pinakaakmang kasagutan.

1.Sa oras ng mga pagsubok sa buhay, ang tao ay hindi dapat mawalan ng _________.

a.pagmamahal

b.pag-asa

c.kapayapaan

2.Ang bawat isa ay may kakayahang maghatid ng pag-asa dahil ang tao ay likas na ____.

a.mabuti

b.masayahin

c.matalino

3.Sa mga panahong ang pakiramdam natin ay iniwanan na tayo ng lahat, lagi nating tandaan na hindi tayo kailanman pababayaan ng_______.

a.Maykapal

b.kamag-aral

c.kaibigan

22 of 23

4.Dapat nating tandaan na anumang ginawa natin sa ating _________ ay parang ginawa na rin natin sa Diyos.

a.sarili

b.kapaligiran

c.kapwa

5.Ang pagpapakita ng kabutihang-loob sa kapwa ay nakapagpapaunlad din sa _______ ng tao.

a.kasikatan

b.ispiritwalidad

c.kagalingan

23 of 23

Gumawa ng isang Maikling Panalangin ng Pag-asa sa mga nasalanta ng iba’t ibang kalamidad. Isulat sa isang bond paper.