1 of 53

Modyul 7: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong Pamamahala sa Naimpok

Edukasyon sa Pagpapakatao 9

2 of 53

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

3 of 53

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

4 of 53

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

5 of 53

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

6 of 53

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

7 of 53

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

8 of 53

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

9 of 53

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay

10 of 53

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

11 of 53

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

12 of 53

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

13 of 53

Mga Layunin

Kaalaman: Nakikilala ang mga indikasyon ng taong masipag at mayroong papupunyagi sa paggawa.

Saykomotor: Nakagagawa ng chart sa pagsasagawa ng itinakdang gawain na may kasipagan at pagpupunyagi.

Apektiv: Napapahalagahan nang boung puso ang mga indikasyon ng taong masipag at mayroong pagpupunyagi sa paggawa ng itinakdang panahon

14 of 53

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Ano ang kahulugan ng kasipagan?

A. Tumutulong sa tao upang mapaunlad ang kanyang pagkatao.

B. Umiiwas sa anumang gawain

C. Gawain upang gumanda ang buhay

D. Ito ay pumipigil sa isang tao upang siya ay magtagumpay.

15 of 53

2. Bakit maraming tao na matapos kumita at magkaroon ng maraming pera dahil sa kanilang kasipagan at pagpupunyagi ay nabalewala lamang pagdating ng panahon?

A. Naging matipid sila

B. Naging simple ang pamumuhay

C. Naging maaksaya sa kanilang buhay.

D. Naging praktikal sila

16 of 53

3. Ito ay sa kabila ng mga balakid at mga problema na kaniyang susuungin ay hindi siya dapat panghinaan ng loob bagkus kinakailangan na magpatuloy at maging matatag.

A. Kasipagan

C. Pagtitipid

B. Pagpupunyagi

D. Pagkakawanggawa

17 of 53

4. Ito ay kakambal ng pagbibigay.

A. Kasipagan

C. Pagtitipid

B. Pagpupunyagi

D. Pagkakawanggawa

18 of 53

5. Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.

A. Kasipagan

C. Pagtitipid

B. Pagpupunyagi

D. Pagkakawanggawa

19 of 53

6. Ang _____ ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.

A. Pagtitimpi

C. Suliranin

B. Pagsuko

D. Katamaran

20 of 53

7. Ang pasuko ay karuwagan.

A. Mali, dahil matapang tayo

C. Mali, dapat ipakita ang kasipagan

B. Tama, hindi dapat sumuko

D. Tama, tayo ay magtagumpay

21 of 53

8. Isang Americanong imbentor. Siya ang nakaimbento ng electric light bulb.

A. Thomas Edison

C. Gennett Roselle

B. Leonardo da Vinci

D. Manuel Dy

22 of 53

9. Ito ang nagiging motibasyon ng iba. Ang mag-impok para sa _____ na mabigyan ng magandang edukasyon ang mga anak, magkaroon ng sariling buhay, at magkaroon ng maayos na pamumuhay.

A. Pagreretiro

C.Hangarin sa buhay

B. Proteksiyon sa buhay

D. Kalamidad

23 of 53

10.Maraming hindi inaasahan na maaring mangyari sa buhay ng tao tulad lamang ng pagkakasakit, kalamidad, pagkawala ng trabaho o pagkabaldado.Kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay mangyayari ito, Ano ang dapat paghandaan ng tao?

A. Pagreretiro

C.Hangarin sa buhay

B. Proteksiyon sa buhay

D. Kalamidad

24 of 53

Balikan

Panuto: 1. Tingnan ang kahon sa ibaba. Lagyan ng tsek ( / ) ang kolum kung ito ay iyong Naipamalas at ekis ( x ) kung hindi. Kopyahin ang chart at isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

25 of 53

26 of 53

2. Sagutin ang sumusunod na tanong sa kuwaderno.

a. Ano-ano ang indikasyon ng taong masipag, mayroong pagpupunyagi, at marunong magtipid?

b. Sa iyong palagay tinatagkay mo ba ang mga iyan? Pangatwiran.

c. Ano ang kaugnayan ng mga ito sa paggawa? Ipaliwanag.

27 of 53

Tuklasin

Panuto: 1. Pagnilayan ang isang awit ng Orient Pearl na may pinamagatang “ Pagsubok” sa ibaba. Sagutin ang mga tanong at isulat ang iyong mga posibleng sagot sa Iyong kuwaderno.

28 of 53

Huwag mong isiping ikaw lamang Ang may madilim na kapalaran Ika’y hindi tatalikuran Ng ating Ama na Siyang lumikha Hindi lang ikaw ang nagdurusa At hindi lang ikaw ang lumuluha Pasakit mo’y may katapusan Kaya mo ‘yan….

29 of 53

2. Mga Tanong:

a. Ano ang masasabi mo sa awitin? Pangatuwiran.

b. Kung hihimay-himayin mo ang bawat linya nito ano ang kahulugan nito para sa iyo?

c. Naniniwala kaba na mahirap ang buhay? Ikaw ano ang pananaw mo ukol dito?

30 of 53

Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong Pamamahala sa Naimpok

31 of 53

Lahat ng tao ay naghahangad ng magandang buhay. Ito ay hindi lamang para sa ating sarili, kundi pati na rin sa ating mga minamahal sa buhay. Kung mas maganda o magiging sagana ang ating buhay mas magkakaroon pa tayo ng higit na pagkakataon na makapagbigay o tumulong sa ating kapuwa. Mahalaga sa tao ang pagkakataon na makapagbigay o tumulong sa kapuwa.

32 of 53

Kahit anong bagay at anumang larangan ang ating gagawin kinakailangan natin ng Kasipagan. Mahalaga sa tao ang maging masipag upang siya ay mayroong maabot o marating na magandang bukas. Kung ikaw ay masipag sa iyong pag-aaral ay makapagtatapos ka.Kung ang isang empleyado ay masipag siya ay kikita at aasenso. At kung ang isang nilikha ng Diyos ay masipag na gumawa ng kabutihan makakamit niya ang buhay na walang hanggan.

33 of 53

Lagi nating tandaan na ang kasipagan sa paggawa nang may kabutihan ang magpapaunlad sa ating bansa. Hindi natin dapat taglayin ang katamaran sapagkat ito ay pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ang isang taong tamad ay ayaw tumanggap ng gawain. Hindi pa niya ito nasisimulan ay umaayaw na siya. Palagi niyang nararamdaman ang kapaguran kahit kaunti pa lamang ang kaniyang nagagawa. Kadalasan, hindi niya natatapos nang maayos ang isang gawain.

34 of 53

Dapat na puksain natin ang katamaran at huwag itong bigyan ng puwang sa ating kalooban sapagkat wala itong maidudulot na maganda sa ating kinabukasan. Tunay ngang bahagi ng tao ang mga pagsubok at problema ngunit ang mahalaga ay huwag sumuko bagkus kailangan na magpatuloy. Ang pagpapatuloy sa gawain kahit na ikaw ay nahihirapan, ang pagpapatuloy kahit minsan ikaw ay nasasaktan o nagdurusa, ang pagpapatuloy kahit maraming natatanggap na mga puna mula sa iba, at ang pagpapatuloy sa kabila ng matinding pagod at hirap makamit mo lamang ang iyong minimithi sa buhay ay palatandaan lamang ng Pagpupunyagi. Ang pagpupunyagi ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay. Ito ay may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan, at determinasyon.

35 of 53

Bakit maraming mga tao na matapos kumita at magkakaroon ng maraming pera dahil sa kanilang kasipagan at pagpupunyagi ay nabalewala lamang pagdating ng panahon? Paano kaya nila ginagamit ang pera na ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila? Mayroong isang ina na sa tuwing papaubos na ang kanilang toothpaste ay pinipiga pa niya ito nang husto, kumukuha pa siya ng gunting upang hatiin ang tube ng toothpaste at simutin na maigi ang laman nito. Para sa kaniya kahit kaunti lamang ang makuha niya dito ay magagamit pa niya ito sa kaniyang pagsisipilyo. Para sa kaniya, hindi kailngan na punuin ng maraming toothpaste ang haba ng sipilyo, para lamang makasipilyo.

36 of 53

Sa tuwing siya ay pupunta sa palengke ay sinisiguro niya na umaalis siya ng maaga at siya ay naglalakad lamang imbis na sumasakay ng tricycle mula sa kanilang bahay. Ayon sa kaniya makatutulong ang paglalakad sa kaniyang kalusugan at ang pera na dapat sana’y gagamitin niya bilang pamasahe sa tricycle ay kaniyang itinatabi sa kaniyang lalagyan upang pagdating ng pangangailangan ay makatulong din ang kaunti niyang naitabi. Sa puntong ito, ipinakita ng isang ina ang kaniyang pagiging matipid kahit sa pinakamaliit na bagay.

37 of 53

Ang pagtitipid ay kakambal ng pagbibigay. Ito ay isang birtud na nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay nang masagana, kundi gamitin ang pagtitipid upang higit na makapagbigay sa iba. Ang pagtitipid ay hindi paggasta ng pera nang walang saysay. Sapagkat dapat mong mahalin ang bunga ng iyong ginagawang pagsisikap at pagtitiyaga.

38 of 53

Upang lubos mong maunawaan ay narito ang ilang paraan na nagpapakita ng pagtitipid.

1. Magbaon ng pagkain sa opisina o eskuwela. Mas makakatipid kung magbaon na lamang ng pagkain kaysa bibili pa sa kantina o kakain sa labas.

2. Matutong maglakad lalo na kung malapit lang ang paroroonan. Maganda itong ehersisyo at natitipid mo pa ang pamasahe na gagamitin mo.

3. Mas matipid na bumili sa palengke kaysa mga mall. Maaaring hindi gaanong kombinyente sapagkat mainit at maputik ngunit mas malaki naman ang iyong matitipid.

39 of 53

4. Gamitin ang load ng cellphone sa mga importanteng bagay lamang.

5. Orasan ang paggamit ng TV, computer, electric fan, at iba pa. Kung hindi naman ito ginagamit ay patayin mo ang mga ito.

6. Sa pagsisipilyo ay gumamit ng baso. Huwag hayaang tumapon ang tubig mula sa gripo.

7. Huwag nang bumili ng imported. Marami na tayong produkto ng ating bansa na pareho lamang ang kalidad tulad ng imported. Kung sa tingin mo ay mapapamahal ka pa ay mas tangkilikin mo na ang produkto natin

40 of 53

Nasasayang ang kasipagan at pagpupunyagi ng isang tao kung hindi niya napapamahalaan nang wasto ang kaniyang mga pinaghirapan. Kaya nga, kung ang isang tao ay magtitipid ay mapamamahalaan niya nang tama ang kaniyang mga naimpok. Ang pag-iimpok ay paraan upang makapag save o makapag-ipon ng salapi, na siyang magagamit sa ating pangangailangan sa takdang panahon.

41 of 53

Bakit kailangan na mag- impok ng pera? Ayon sa Teorya ni Maslow, The Hierarchy of Needs, ang pera ay makakatulong sa tao na maramdaman ang kanilang seguradad sa buhay lalo na sa hinaharap. Kung kaya’t dapat pahalagahan ang ating mga naipon. Sapagkat hindi napupulot ang pera, hindi ito mapipitas sa mga puno, o di kaya hindi ito nalalaglag mula sa langit. Ang pera ay pinagpapaguran upang kitain ito. Kaya kinakailangan lamang na gastusin sa tama upang huwag itong mawala. Ayon sa isang financial expert na si Francisco Colayco, may tatlong dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ng tao.

42 of 53

1. Proteksiyon sa buhay.

Maraming mga hindi inaasahan na maaaring mangyari sa buhay ng tao tulad na lamang ng pagkakasakit, kalamidad, pagkawala ng trabaho, o pagkabaldado. Kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay mangyari ito, kailangan na ang tao ay nakahanda at mayroong magagamit na emergency fund sapagkat kung wala ay mahihirapan siyang makabangon mula dito.

43 of 53

2. Hangarin sa buhay.

Ito ang nagiging motibasyon ng iba. Ang mag-impok para sa hangarin sa buhay na mabigyan ng magandang edukasyon ang mga anak, ang magkaroon ng sariling bahay, at magkaroon ng maayos na pamumuhay. Mahalaga na matamo ang mga ito bilang bahagi n gating kaganapan sa buhay.

44 of 53

3. Pagreretiro.

Hindi lamang kailangan na mag-impok para sa proteksiyon sa buhay at sa hangarin sa buhay, mahalagang nag-iipon din para sa pagtanda sapagkat hindi lahat ng oras ay kakayanin pa ang magtrabaho. Darating din sa kasukdulan ang buhay ng tao na siya ay magiging matanda at mahina at hindi kakayanin pa na magbanat ng buto.

45 of 53

Pagyamanin

Panuto: Sagutin ang mga katanungan.Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno, gamit ang sumusunod na gabay na tanong:

46 of 53

a. Ano- ano ang mga katangian ng kasipagan?

b. Paano makatulong sa tao ang mga katangian na ito lalo na pagdating sa trabaho?

c. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa tao kung hindi niya pinagsikapan na linangin ito sa kanyang sarili? Bakit?

47 of 53

Isaisip

Panuto: Sumulat ng pagninilay sa kuwaderno sa paksa gabay ang talahanayan sa Ibaba.

48 of 53

Isagawa

Panuto: Gumawa ng Chart na nagpapakita ng pagpupunyagi at kasipagan na naipamalas mo na sa iyong kapuwa. Gumawa ng hanggang limang sitwasyon Ilagay sa kuwaderno.

49 of 53

50 of 53

Tayahin

Panuto: Isulat sa kuwaderno ang tamang sagot.

1. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.

2. Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.

3. Pagtitiyaga na maabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin.

4. Pinagpaguran upang kitain ito. Kaya kailangan na gastusin ito sa tama upang huwag itong mawala.

5. Tunay ngang bahagi ng buhay ng tao ang mga pagsubok at problema ngunit ang mahalaga ay huwag bagkus kailangan na magpatuloy.

51 of 53

Karagdagang Gawain

Panuto: Ipaliwanag ang iyong pagkaunawa sa mga sumusunod na pahayag.Isulat sa iyong kuwaderno ang iyong kasagutan.

Pagkatapos ng ulan ay sisikat ang araw, pagkatapos ng gabi ay darating ang umaga, at pagkatapos ng hirap ay darating ang ginhawa.

52 of 53

53 of 53

thank you