1 of 20

KONTEMPORARYONG ISYU NG LIPUNAN

Isyung Teritoryo ng Bansa

Q4Week5 Day4

Maylene M. Tubig

M. Kalaw MS

2 of 20

Sino ang nais magbahagi sa ginawa

ninyong takdang-aralin? Pagbibigay ng limang posibleng epekto ng katiwalian sa pamahalaan.

3 of 20

Ano-ano ang mga maaring epekto ng katiwalian sa bansa?

4 of 20

5 of 20

Kung ikaw ay aagawan ng isang bagay na mahalaga sa iyo, ano ang magiging reaksyon mo?

6 of 20

https://www.youtube.com/watch?v=JlHLsdrTpp8

7 of 20

8 of 20

Lalong umiinit ang tensyon sa pinag-aagawang Scarborough Shoal o Huangyan Island sa pagitan ng Tsina at Pilipinas. Isiniwalat ng media ng pamahalaang Tsina na hindi na nito papayagan ang panghihimasok ng mga barkong pandagat ng Pilipinas sa Dagat Timog Tsina.

9 of 20

Ibinandera ng China Daily ang isang komentaryo noong Mayo 8, 2012, kung saan iginiit ng bansang Tsina na “hindi na nito papayagan ang hindi katanggap-tanggap” na pagkilos sa alitan ng Scarborough Shoal, at ibinunyag ang estratehiyang diplomatiko ng Tsina bilang pagpapamalas ng kanilang soberanya sa Dagat Timog Tsina.

10 of 20

Think-Pair-Share

Bakit mahalagang ipagtanggol ang teritoryo ng bansa?

11 of 20

Kung ikaw ay bibigyan ng pera para makuha ang bagay na mahalaga sa’yo, ibibigay mo ba ito? Bakit?

12 of 20

Sa tulong ng isang graphic organizer,

Magtatala kayo ng mga epekto ng pag-agaw ng teritoryo.

13 of 20

Epekto ng pag-agaw sa teritoryo

14 of 20

Pangkatang Gawain

Magkakaroon ng ng isang debate tungkol sa pag-aagawan ng teritoryo.Ang bawat pangkat ay magkakaroon ng opinyon tungkol sa sumusunod na pahayag:

15 of 20

NGAYON nararapat ipakita ng mamamayan ang pagkakaisa laban sa ginagawa ng China na pag-angkin sa teritoryo na hindi naman sa kanila. Nararapat tumindig ang lahat at ipamalas sa China na buo at nagkakaisa ang mga Pilipino para idepensa ang Panatag Shoal o Scarborough Shoal. Kapag nakita ng China na sama-sama ang mga Pilipino at handang ipaglaban ang Panatag Shoal, baka hindi na igiit ang kanilang pag-angkin na wala naman sa katwiran. Baka sakaling matanggap na nila na mali nga sila sa pag-angkin sa teritoryo ng Pilipinas. Baka mapag-isip-isip nila na napakalayo ng China sa Panatag Shoal at wala nga silang karapatang makipag-agawan dito. Ang Panatag Shoal ay 124 nautical miles mula sa Zambales kaya malinaw na pag-aari ito ng Pilipinas.

16 of 20

Walang matibay na pinanghahawakan ang China na sakop nila ang Panatag Shoal. Ang pinagbabasehan lamang nila ay historical claim at ang ganitong basehan ay hindi pinaniniwalaan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Noong 1903, isang map ang ginawa ng United Armed Forces at doon ay kabilang ang Panatag sa mga grupo ng isla na pag-aari ng Pilipinas. Nakakakuha ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng kopya ng map at maaari itong ipresentang ebidensiya na sakop nga ng Pilipinas ang Panatag.

17 of 20

Lumulubha ang sitwasyon ukol sa pag-aagawan sa Panatag Shoal. Halata naman ang ginagawa ng Chinese authorities na panggigipit sa produktong galing sa Pilipinas. Hindi na pinapasok ang 1,500 container vans ng saging at hinayaan na itong mabulok sa tatlong port. Umano’y may peste raw ang mga saging. Pinabulaanan naman ng Bureau of Plant Industry ng Pilipinas na may peste ang saging.

Walang magagawa kung tanggihan ng China ang produktong Pinoy. Hindi sila mapipilit. Mas mabuti kung huwag nang ipilit sa kanila ang mga saging at papaya. Maghanap na lang ng ibang bansa na pagdadalhan ng mga produkto. Hindi lang naman China ang nangangailangan ng saging. Huwag silang pilitin.

Ang mahalaga, ipakita ng mga Pilipino sa China na idedepensa ang teritoryo sapagkat nakasi­sigurong pag-aari ito ng Pilipinas. Magkaisa at ipaglaban ang karapatan.

18 of 20

Mas dikit ngayon ang Pilipinas at Tsina sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero sa kabila ng magandang relasyon ng dalawang bansa, patuloy lang ang Tsina sa pagpapalakas ng puwersa at pasilidad nito sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Mismong si presidential spokesman Harry Roque ang nagsabi, naniniwala pa rin ang Pilipinas sa "good faith" o "kagandahang loob" ng Tsina.

19 of 20

Pag-aralan ang mga nakaraang aralin. Maghanda para sa isang pagsusulit sa susunod na pagkikita.

20 of 20

Maraming

Salamat…