Paggamit ng Naunang Kaalaman sa Pag-unawa ng Napakingggang Alamat o Teksto
FILIPINO 1
Quarter 2 Week 6
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang makagagamit ng naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang alamat o teksto.
Ang alamat haka-hakang kwentong bayan na naglalahad kung saan at paano nagmula at nabuo ang mga bagay-bagay sa daigdig.
Ito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari na nagdulot ng pagkabuo ng mga tunay na tao, pook, o bagay
sa mundo.
Alamat ng Bulkang Taal
Sa isang lugar sa Batangas, naninirahan si Datu Balindo at anak nito na si Prinsesa Taalita.
Isang araw hindi sinasadyang nahulog ang gintong singsing ng prinsesa sa dagat. Ipinahanap ito ng datu sa mga matitipunong kagawad ng barangay. Ngunit, isa man sa kanila ay bigo sa paghanap.
Si Mulawin, isang binata ang mapalad na nakahanap ng singsing. Nagkamabutihan ng loob sina Taalita at Mulawin. Sila ay nagpakasal.
Isang araw habang namamangka ang mag-asawa ay nakakita sila ng di-pangkaraniwang bulaklak.
Tinalon ito ni Prinsesa Taalita. Ngunit hindi na siya lumutang pa. Sinundan siya ni Rajah Mulawin ngunit pareho na siláng hindi lumutang.
Hanggang isang araw, ay may nakitang bundok na umusbong sa lugar at tinawag nila itong Bulkang Taal.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Sagutin ang mga tanong batay sa nabasang kuwento. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1.Sino-sino ang tauhan sa binásang alamat?
Sagot : Datu Balindo, Prinsesa Taalita at Rajah Mulawin
2. Ano ang ipinag-utos ni
Datu Balindo sa kaniyang Barangay?
Sagot : Ipinahanap ni Datu Balindo sa
mga matitipunong kagawad ng barangay ang singsing ni Prinsesa Taalita
3. Ano ang katangian ni Rajah Mulawin?
Sagot : Siya ay matapang at mapagmahal.
4. Tama ba ang ginawa ni Rajah Mulawin na sundan ang kaniyang asawa
sa ilog? Bakit?
Sagot : Opo. Upang mailigtas niya ang kanyang asawang Prinsesa.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Lagyan ng tsek (✓) ang patlang na nagpapakita ng iyong damdamin sa hulíng bahagi ng “Alamat ng Bulkang Taal”.
Binabati kita! Natapos mo na �ang Ika-6 na Linggo sa �Ika-2 Markahan ng ating aralin!