Quarter 4 Week 9
Nakikinig at nakatutugon nang angkop at wasto
F5TA-0a-j-1
Basahin ang teksto at punan ang balangkas.
May dalawang uri ng Cholesterol, ang High density Lipo Protein at ang Low Density Lipo Protein. Ang una ay mabuting cholesterol pagkat ibinababa nito ang panganib ng pagkakaroon ng sakit sa puso. Ang ikalawang uri ay nagiging sanhi ng sobrang pagtaba ng tao o obesity, sakit sa puso, diabetes at pagliit ng mga arteryang daluyan ng dugo.
Ang pagkain ng gulay at prutas araw-araw ay makakatulong sa pagkakaroon ng mabuting cholesterol sa katawan.
Maituturo sa paaralan ang wastong pagkain sa mga proyektong ingat kalusugan na maaring ilunsad sa bawat baiting.
Pag-usapan ang mga balitang napakinggan sa telebisyon kagabi.
Masining nga Ba?
Sa larangan ng embroidery, kilala dito ang bayan ng Lumban. Ito ay tinaguriang “ Embroidery Capital of the Philippines”, na maipagmamalaki ng mga Lumbeneo.
Kahapon, ika-22 ng Setyembre, ako ay ay napadaan sa bayan ng Lumban. Aking nasaksihan ang pagdiriwang ng “Lumban Festival”. Ito ay pinamunuan ng kanilang punung-bayan na si Doktor Reynato R. Anonuevo kasama ang mga miyembro ng sangguniang bayan. Sa pasimula ay nagkaroon ng parada ang ibat-ibang lupon ng mga kawani ng bayan na nakasuot ng iba’t-ibang istilo ng barong .Makikita sa kanilang suot ang mga nakamamanghang disenyo na nagpapakita ng pagiging malikhain ng mga Pilipino. Sa plasa ay nakadisplay ang iba’t-ibang yari ng barong at mga burda nito. Mayroon yari sa kamay at
makina, mayroon ding yari sa painting at iba’t-ibang istilo ng tela tulad ng pininyahan, pinya, husi at iba pa. Nagkaroon din ng paligsahan sa pagtahi sa kamay ng mga disenyo ng barong. Marami ang lumahok dito at isa ay si Gng. Alice B. Gaza, guro ng Paaralan ng Maytalang-I na siyang itinanghal na nagwagi. Sinundan ito ng iba pang paligsahan tulad ng painting, mga palaro ng bayan tulad ng palosebo, tag of war at iba pa.
Mababakas ang kasiyahan sa mga Lumbeneo sa kanilang pagdiriwan ng Lumban Festival na sadyang ipinagmamalaki.
Itanong: Tungkol saan ang balita? Sa anong titulo tinawag ang bayan ng Lumban?
Kailan nila ipinagdiwang ang Lumban F`estival? Sino-sino ang namuno dito?
Ano-ano ang makikita sa mga barong na suot ng mga kawani ng bayan?
Ano-ano ang makikita sa plasa?
Ano-ano ang mga paligsahang isinagawa sa festival?
Masasabi mo ba na masining ang mga Lumbeneo? Bakit?
Isagawa ang Gawain sa Isa-puso Mo
Isagawa ang Gawain A sa Isa-isip Mo.
Itanong: Ano-ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng opinyon sa balitang napakinggan? Isagawa ang Gawain B sa Isa-isip Mo.
Isagawa ang Isulat Mo
Makinig ng balita sa telebisyon o magbasa sa pahayagan. Magtala o sumipi ng isang artikulo. Magbigay ka ng opinyon tungkol dito. Iulat ito sa klase bukas.
Quarter 4 Week 9 Day 2
Nakikinig at nakatutugon nang angkop at wasto
F5TA-0a-j-1
Basahin nang malakas at unawain ang balita. Magbigay ng opinyon tungkol dito. Isulat ito sa loob ng dayagram.
Paggamit ng Makabagong Teknolohiya sa Pagtuturo sa mga Paaralan sa Ilocos Sur, Sinimulan
Dahil sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya sa larangan ng pagtuturo, nais rin makasabay ng provincial government ng Ilocos Sur ang mga paaralan at mga guro dito sa ilocos Sur, kung kaya’t namahagi ng laptop at isang set ng projector sina Ilocos Sur governor Ryan Asistio at SK Federated President Mendoza. Layon ng pamamahagi na maitaas ang antas ng kalidad ng pagtuturo sa mga paaralan gamit ang teknolohiya upang lalong maging mabisa at maunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang mga aralin. Kapwa tiwala ang dalawa na sa pamamagitan nito ay higit na magiging maganda ang takbo ng paaralan kumpara sa nakasanayang tradisyunal na pamamaraan (Ulat ni Benny Malicdem) - [Septembet 18, 2013]
Ipakita ang larawan ni Andres Bonifacio.
Itanong: Ano- ano ang natatandaan niyo tungkol kay Bonifacio.
Isulat sa tapat ng larawan ni ang sagot ng mga bata.
Pag-usapan ang mga ito.
Isagawa ang Tuklasin Mo para sa paglinang ng mga salita na mababasa sa talata
Si Andres Bonifacio ay namatay noong Mayo 10, 1897 sa Mt Tala Maragondon, Cavite. Basahin natin ang maikling talata tungkol sa kanyang pagkamatay. Bago ito basahin, magbigay ng mga pamantayan sa pagbasa ng malakas. Ipagawa ang Basahin Mo
Isagawa ang Gawin Ninyo sa Pagyamanin Natin sa KM.
Isunod ang Gawin Mo
Ipagawa ang Isa-puso Mo
Isagawa ang mga pagsasanay A at B sa Isa-isip Mo.
Itanong: Ano ang panghalip na pamatlig? Kailan ito ginagamit?
Ipabasa ang Pagsasanay C sa Isa-isip Mo.
Gawin ang pagsasanay sa Isulat Mo
Isagawa ang pagsasanay B sa Isulat
Quarter 4 Week 9 Day 3
Nakikinig at nakatutugon nang angkop at wasto
F5TA-0a-j-1
Panonood ng video tungkol sa tatlong bibe,idownload ang link na
watch?v=D7fTtLFQ2N
Utusan ang mga bata na sumabay sa awit
Itanong: Ilan ang bibe sa awit?
Sino sa mga ito ang may pakpak? Bilang isang lider, ano-ano ang kanyang dapat gawin? Anong ugali ang dapt ipamamalas ng isang lider?
Sabihin: Tama, pagiging responsable dahil marami syang tungkulin na dapat gampanan. Ating alamin kung ang mga bata sa ating babasahing usapan ay nagpapakita ng pagiging responsable.
Basahin ang usapan sa Basahin Mo
Isagawa ang mga gawain sa Pagyamanin Mo
Magpadala sa bata ng sample ng widrawal/deposit slip. Isa-isahin ang mga kailangang impormasyon sa Gawin Mo upang maging malinaw at makatotohanan ang datos na ilalagay ng mga bata
Isagawa ang gawain sa Isa-isip Mo
Isagawa ang Isa-puso Mo
Isagawa ang Isulat Mo
Magpadala ng isang uri ng pormularyo hayaan ang inyong mga kaklase naisagawa ito.
Quarter 4 Week 9 Day 4-5
Nakikinig at nakatutugon nang angkop at wasto
F5TA-0a-j-1
Ipakita ang you tube ng Technology in the Classroom: Digital Media. Idownload ang link na ito.
https://www.youtube.com/watch?v=HbVKPhVCRFI
Itanong: Ano ang masasabi mo sa iyong napanood? Ano ang
Basahin ang teksto tungkol sa Kasaysayan ng Kompyuter. Bago ito isagawa, Ipagawa muna ang gawain sa Tuklasin Mo sa KM
Basahin ang teksto tungkol sa Kasaysayan ng Kompyuter. Bago ito isagawa, Ipagawa muna ang gawain sa Tuklasin Mo sa KM
Isagawa ang mga pagsasanay A at B sa Isa-isip Mo
Isagawa ang Isa-puso Mo
Isunod ang gawain C bilang paglalahat.
Isagawa ang Gawain sa Isulat Mo
Magsaliksik sa internet o mga babasahin ng mga bagong kaalaman. Isulat ito sa isang buong papel at ibahagi sa klase bukas.
Thank You!