Mga Gampanin ng mga Kasapi ng Pamilya
ARALING PANLIPUNAN 1
Quarter 2 Week 3
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang mailalarawan mo ang iba’t ibang papel na ginagampanan ng bawat kasapi ng pamilya sa iba’t ibang pamamaraan at ang kahalagahan ng bawat kasapi ng pamilya.
Bigkasin at unawain ang tula.
Tulong-tulong
ni Malou M. De Ramos
Si Tatay ang naghahanapbuhay
Si Nanay naman kami’y inaalagaan
Tumutulong kaming mga anak
Kaya’t sina Tatay at Nanay sa amin ay nagagalak
Ina ko, ama ko, kami’y mahal n’yo
Salamat po! Salamat po!
Laging nariyan kayo
May pagkain sa mesa’t nag-aaral pa
Alaga’t malusog ang buong pamilya.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Isulat sa iyong kuwaderno ang T kung tama ang pahayag at M kung mali. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
_____1. Si tatay lamang ang maaaring maghanapbuhay sa pamilya.
_____2. Si nanay ay sa bahay lamang
at hindi maaaring maghanapbuhay.
M
M
____3. Ang mga anak ay dapat tumulong sa mga gawaing-bahay.
_____4. Si nanay lamang ang maaring magluto sa pamilya.
_____5. Pagkagaling sa trabaho, may
tungkulin pa rin sa bahay na dapat
gampanan si tatay.
T
M
T
Basahin at unawain.
Sina tatay at nanay ay naghahanapbuhay para sa pangangailangan ng pamilya. May pamilya na ang tatay lamang ang nagtatrabaho at naiiwan ang nanay upang gumawa ng mga gawaing-bahay.
Mayroon namang pamilya na ang tatay ang naiiwan sa bahay at ang nanay ang
kumikita para sa pamilya.
Pagkagaling sa trabaho ay may tungkulin pa ring dapat gampanan sina tatay at nanay. Minsan, sila pa rin ang magluluto at maglilinis ng bahay.
Ang mga anak naman ay tutulong kay tatay at nanay sa mga gawaing-bahay lalo na kung walang pasok sa paaralan.
Ang ama ang may malaking responsibilidad na maitaguyod ang pamilya upang matugunan ang mga pangangailangan nito.
Matutugunan ang mga pangangailangang ito kung ang pamilya ay nagtutulungan.
Tukuyin ang bahaging ginagampanan ng kasapi ng pamilya.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Gumuhit sa isang papel ng larawan na nagpapakita ng gawain ng bawat kasapi ng iyong pamilya. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Tukuyin kung ang pahayag ay nagsasabi ng bahaging ginagampanan ng kasapi ng iyong pamilya. Lagyan ng tsek (✓) kung Oo at ekis (X) naman kung Hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
|
aparador sa bahay. |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
| 2. Si nanay ay nagluluto ng pagkain. |
| 3. Si tatay ay naghahanapbuhay para sa pamilya. |
| 4. Tumutulong si kuya sa mga gawaing-bahay. |
| 5. Tumutulong si ate sa paglalaba ng damit. |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Piliin sa mga larawan ang bahaging ginagampanan ng mga kasapi ng iyong pamilya. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
Isulat sa isang papel ang kahalagahan ng bawat kasapi ng iyong pamilya. Bigkasin ito sa harap
ng iyong pamilya.
Punan ang mga patlang upang makabuo ng makabuluhang pangungusap.
Ang bawat __________________ ng iyong pamilya ay mahalaga. Bawat isa sa kanila ay may ________________ ginagampanan sa inyong pamilya.
kasapi/miyembro tungkulin kalayaan
kasapi/miyembro
tungkuling
Binabati kita! Natapos mo na �ang Ika-3 Linggo sa Ika-2 Markahan ng ating aralin!