1 of 24

PAGSUNOD SA KAUTUSAN NG DIYOS

BIYAYANG KALOOB NG DIYOS, IPAGPASALAMAT

2 of 24

  • Nararapat lamang na pasalamatan natin ang ating Diyos sa patuloy na paggabay Niya sa atin sa araw-araw.

3 of 24

Alamin Natin

4 of 24

Panalangin ng Pasasalamat sa Diyos

 

  • Panginoon ko, maraming salamat po sa lahat ng mga biyayang walang sawang ibinibigay ninyo sa akin. Pipilitin ko pong gamitin ang mga biyayang natatanggap ko upang makatulong din po sa ibang kapwa ko nilalang na nangangailangan.

 

 

5 of 24

Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagbibigay ng pagkakataon upang malaman ko ang dahilan ng aking pag-iral. Ibinabalik ko po ang karangalan sa Inyo sa aking pagkakalikha.

 

6 of 24

Maraming salamat po sa pagkakaroon ng masayang pamilya, mga mapagkakatiwalaang kaibigan at mga kakilala. Sila po ang dahilan ng aking kasiyahan. Sila po ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang mabuhay at maging masaya sa araw-araw.

 

7 of 24

  • Maraming salamat po sa patnubay na inyong ibinibigay sa aming lahat upang magampanan namin ang mga responsibilidad at tungkuling nakaatang sa aming balikat.

8 of 24

Maraming salamat din po sa kalakasan, katalinuhan at kapasyahan. Ito po ang ginagamit namin sa pagsugba sa mga alon at pagsubok ng buhay.

 

9 of 24

  Maraming salamat din po sa inyong bugtong na Anak na siyang tumubos ng aming kasalanan.

Amen.

 

10 of 24

Sagutin at gawin ang mga sumusunod:� �1. Ayon sa panalangin, anu-ano ang mga ipinagpasalamat sa Diyos?�

11 of 24

�2. Bilang mag-aaral, anu-ano ang mga dapat mong ipagpasalamat sa Diyos?�

12 of 24

�3. Sa iyong palagay, bakit nararapat lamang na magpasalamat tayo sa Diyos?

13 of 24

�   � � �Pag-aralan at suriin ang larawan.� � � � � ��

Isagawa Natin

14 of 24

Pag-aralan at suriin ang larawan.�   � � � �Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa sinuring larawan.� �1. Anong kaisipan ang ipinapakita ng larawan?��2. Paano ipinakita ng pamilya ang kanilang pasasalamat sa Diyos?�

15 of 24

Ano ano ang mga dapat ipagpasalamat?

16 of 24

Paano mo ipinapakita na ikaw ay nagpapasalamat sa Diyos?

Isapuso Natin

17 of 24

Sumulat ng buong pusong pangako sa pagpapakita ng iba’t-ibang paraan ng pagpapasalamat sa Diyos.�

Ako’y nangangakong ____________ ______________________________ ___________________________________________________________

18 of 24

Gumawa ng isang simpleng panalangin ng pasasalamat sa Diyos.

PANALANGIN

19 of 24

Maraming dahilan upang tayo ay magpasalamat sa Diyos. Tulad na lamang ng ating pamilya na isang biyaya mula sa Kanya, ang lahat ng biyayang ipinagkakaloob sa atin, at sa paggabay sa araw-araw. Nararapat lamang na pasalamatan natin ang Diyos.

Tandaan Natin

20 of 24

Maraming paraan upang maipakita ang pasasalamat sa Diyos tulad na lamang ng panalangin o palagiang pagdarasal, paggawa ng kabutihan sa kapwa, at iba pa.

Tandaan Natin

21 of 24

Punan ng sagot ang graphic organizer tungkol sa mga paraan upang maipakita ang iba’t-ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos.

Isabuhay Natin

Iba’t-ibang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa Diyos.

22 of 24

Isulat ang Tama o Mali sa patlang bago ang bilang.

_____1. Ang pamiliyang walang problema ay itinuturing na biyaya ng Diyos.

_____2. Ang paggalang sa ideya o opinyon ng bawat myembro ng pamilya ay tanda ng pasasalamat sa Diyos.

Subukin Natin

23 of 24

_____3.Ang pangangalaga sa anumang may buhay ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa Poong Lumikha

_____4. Ang pananalangin o pakikipag-usap sa Diyos ay basehan ng isang taong madasalin

  • _____5. Higit sa lahat ang pag gawa ng mabuti sa kapwa ay dapat ugaliin.

Subukin Natin

24 of 24

THANK YOU!