1 of 55

Pangangalaga sa Sariling Kasuotan

2 of 55

Basahin mo at unawain ang sitwasyon

3 of 55

Ang Ligaya ng isang Ina

4 of 55

Kaligayahan ang naramdaman sa sarili ni Aling Siony habang pinagmamasdan niya ang kanyang tatlong anak na pawang mga mag-aaral pa sa Elementarya at Sekondarya.

5 of 55

Bagamat maaga silang naiwanan ng kanyang kabiyak ay pinagbuti niya ang pagpapalaki sa kanyang mga anak lalo’t higit ang paglalaan ng oras sa pangangalaga ng kasuotan.

6 of 55

Pagdating ng bahay buhat sa paaralan, ang kanyang bunsong si Alex ay agad naghanger ng kanyang napawisang uniporme.

7 of 55

Totoo nga pala, Nanay na kapag ang pinawisang damit ay di pinahanginan ito ay nagiging sanhi ng masamang amoy sa katawan.

8 of 55

Maaari ring dahilan ng pagkakaroon ng mantsang tagulamin sa kasuotan”. Tumango si Aling Siony na may ngiti sa kanyang mga labi.

9 of 55

Naalaala niya si Alex na bata pa nang pagsabihan niya itong ilagay sa shoe rack ang sapatos na ginamit upang di nakakalat.

10 of 55

Malaki na ang ipinagbago ng aking anak, ang nasambit ni Aling Siony. Dati- rati’y . . . siyang pagdating ni Leony buhat sa labahan

11 of 55

Betty, nasaan ka? Bakit may mantsa ng chewing gum ang palda mo?

12 of 55

Lagyan mo agad ito ng yelo at kuskusin ng mapurol na kutsilyo ang chewing gum.

13 of 55

Pati ang iyong bulsa ay butas na. Sulsihan mo nga agad ito nang hindi na lumaki ang sira.

14 of 55

Salamat po, Panginoon. Masunurin ang aking mga anak. May naituro ako sa kanila, ang sambit ni Aling Siony.

15 of 55

Talakayin ang sitwasyong binasa at isa-isahin ang mga pamamaraan nang pagpapanatiling malinis ang kasuotan.

16 of 55

  • Mahalagang pangalagaan mo ang iyong mga kasuotan. Dapat na manatiling maayos at malinis ang mga ito tuwing kailangan mong gawin.

17 of 55

  • Pag-aralan ang mga larawan at isulat ang paraan ng pangangalaga ng kasuotan ang isinasaad.

18 of 55

19 of 55

20 of 55

21 of 55

22 of 55

TANDAAN NATIN

23 of 55

Maraming uri ng kasuotan ang ating ginagamit.

Mahalagang batid o alam natin ang mga paraan ng pag-aalaga nito.

24 of 55

GAWIN NATIN

Panuto:

Magtala ng iba’t ibang paraan ng pangangalaga sa pansariling kasuotan.

Isulat ito sa tsart.

25 of 55

PAGYAMANIN NATIN

 

26 of 55

Sipiin ang tseklis at sagutan pagdating sa inyong tahanan.

Palagdaan ito sa inyong mga magulang.

 

27 of 55

KAGAMITAN

INAYOS

HINDI INAYOS

1. Mga gamit sa paaralan

 

 

2. Mga unipormeng ginamit

 

 

3. Mga sapatos

 

 

4. Mga damit panloob

 

 

5. Mga damit na nilabhan

 

 

28 of 55

ALAMIN NATIN

29 of 55

Ang Pagsusulsi

Ang damit na may sira, tastas o punit ay kailangang kumpunihin agad bago labhan o itago upang maisuot pang muli.

30 of 55

Ang pagsusulsi ay ang pagdurugtong ng mga sinulid na naputol sa bahagi ng damit sa pamamagitan ng pagtahi na gumagamit ng pinong sinulid,

31 of 55

matulis at matalas na karayom, at pagtututos ng dalawang magkahiwalay na bahagi ng nasirang damit.

32 of 55

Mga Uri ng Punit ng Damit at ang Paraan ng Pagsusulsi

 

33 of 55

  1. Tuwid na punit

sa tuwid na punit ay pagtatapatin at tatahian ng pampatibay na tahi na tinatawag na palipat-lipat.

34 of 55

at simulan ang tahing tutos, ito’y pinong tahi na salit-salit at pantay-pantay, ngunit sa mga dulo ng tahi ay hindi papantayin ang hilera upang hindi pagsimulan ng sira.

35 of 55

2. May sulok

pagtapatin ang mga gilid ng punit at ang sulok na bahagi. Tahiin ng pampatibay na tahing palipat-lipat.

36 of 55

Gawing lapat at may sapat na luwag o sikip ang tahi. Ilampas ang tusok ng karayom sa pagsisimula ng mga tahing tutos.

37 of 55

Ang bahagi ng sulok ay dapat na may magkapatong na mga tutos mula sa pahalang at pahabang tahi.

38 of 55

Ang mga tutos ay dapat salit-salit at pantay-pantay ngunit hindi tuwid ang mga dulo ng mga tutos upang hindi pagsimulang muli ng punit.

39 of 55

3. Paihilis – ang pagsusulsi ng pahilis na punit ay maari mo na ring subukin sa mga punit ng iyong sirang damit.

40 of 55

Iakma ang mga gilid ng hilis nap unit at tahian ng pampatibay na tahing palipat-lipat.

41 of 55

Ilampas na bahagya ang tusok ng karayom upang magsimula ng tahing tutos sa pahilis na punit.

42 of 55

Iayon ang mga tahing tutos sa hibla ng tela ng damit. Tahiang muli ng pabalik.

43 of 55

  • Pagtatagpi –

Ang wastong pagtatagpi ay dapat naaayon sa hilatsa ng damit, kakulay, katugma ng dibuho hangga’t maari.

44 of 55

Kung ang punit ng damit ay pabilog at may himulmol, linisan at gupitin ang mga sinulid na naklawit upang di ito kumalat muli sa paglalaba.

45 of 55

Gupitan ang mga gilid upang matiklop ito at maging parisukat o parihaba.

46 of 55

LINANGIN NATIN

47 of 55

  1. Bibigyan ang bawat pangkat ng retaso ng tela na may punit.
  2. Tukuyin ang uri ng punit
  3. Mula sa mga natalakay na pamamaraan ng pagsasa-ayos ng sira ng kasuotan at sulsihan.

 

48 of 55

Pangkat 1 - Tuwid na punit

Pangkat 2 – May sulok/ tatlong sulok nap unit

Pangkat 3 – Pahilis na Punit

Pangkat 4 - Pagtatagpi

 

49 of 55

TANDAAN NATIN

50 of 55

Ayusin ang payak na sira ng kasuotan sa pamamagitan ng pananahi sa kamay upang maging kaaya-aya itong tingnan kapag isusuot muli ang damit.

51 of 55

GAWIN NATIN

52 of 55

Pag-aayos ng mga bata ng kanilang dalang damit na may sira.

Hayaang pahalagahan ng mga mag-aaral ang ginagawa sa pamamagitan ng pagmamarka sa tseklis.

53 of 55

Mga Pamantayan

Oo

Hindi

1. Natapos ba ang proyekto sa tumpal na panahon?

 

 

2.Nasunod ba ang wastong pamamaraan sa pagkukumpuni ng damit?

 

 

54 of 55

3. Nagawa ba nang tama ang pagsusulsi sa mga punit at pagtatagping butas?

 

 

4. Nakumpuni ba ang mga punit at butas nang wasto?

 

 

55 of 55

5. Malinis ba ang pagkagawa sa gawain?