Quarter 4 Week 6
Naipaliliwanag ang gamit ng diagram at word processing tool.
Nakagagawa ng diagram ng isang proseso gamit ang word processing tool.
Natutukoy ang kahalagahan ng diagram gamit ang word processing tool.
EPP5IE-0f-15/Page 17 of 41K
Ano-ano ang mga hakbang sa pag-aayos ng mga bookmark?
Pagganyak
Sa pag-order ng pagkain sa isang fast food chain, ano ang hakbang na inyong ginagawa? Kung guguhit tayo sa pisara ng diagram ng pag-order ng pagkain, paano nyo ito maipakikita?
Tumawag ng dalawang bata na magsasagawa.
Panimulang Pagtatasa
Inquiry based approach
Kaya mo na bang gawin ang mga sumusunod nakaalaman at kasanayan na nakatala sa ibaba? Lagyan ng tsek ang tapat ng thumbs up kung kaya mo ng gawin at ekis ang thumbs down kung hindi .
Kaalaman/ Kasanayan |
|
|
1. Nakapagpapaliwanag ng gamit ng diagram ng isang proseso. |
|
|
2. Nakagagawa ng diagram ng isang proseso. |
|
|
3. Nakasusunod sa mga hakbang sa paggawa ng isang diagram. |
|
|
4. Nagagamit ang word processor sa paggawa ng diagram ng isang proseso. |
|
|
5. Nakapagpapakita ng proseso ng isang gawain sa pamamagitan ng diagram. |
|
|
Narito ang diagram ng isang proseso sa pagbili o pag-order sa isang fast food chain.
Kung kanina ay iginuhit ninyo ito sa pisara, ngayon ay susubukan nating gawin ang diagram na ito sa inyong computer gamit ang word processing tool.
Pangkatang Gawain
Collaborative approach
Pangkatin ang klase sa apat at ipagawa ang sumusunod na hakbang:
PAGGAWA NG FLOWCHART DIAGRAM
Subukan nating gumawa ng flowchart na nagpapakita ng proseso kung paanong kinukuha ang order ng mamimili. Sundan ang mga sumusunod na hakbangin upang maisagawa ito:
a. Buksan ang inyong word processor.
b. I-click ang Insert tab sa ribbon.
c. I-click ang Shapes button at piliin ang Terminator mula sa grupo ng mga hugis ng flowchart.
d. I-drag ang mouse sa document upang maiguhit ang hugis. Mag- right click sa hugis at piliin ang Add Text upang malagyan ng teksto ang loob ng hugis. I-type ang salitang “START.”
e. Ulitin lamang ang proseso sa pagguhit ng iba pang hugis upang magawa ang flowchart ng proseso ng pagkuha ng order ng mamimili.
f. Maaaring palitan ang kulay ng bawat hugis sa pamamgitan ng pagclick sa hugis at pagpili ng Shapes Style, o pagpalit ng shape fill at outline ng hugis
Pagsusuri
Pagtalakay sa natapos na gawain
Ano ang diagram?
Anong uri ng diagram ito?
Ano-ano ang mga hakbang na ginawa upang mabuo ang diagram ng isang proseso?
Madali bang sundan ito?
Malinaw ba ang pagkakagawa ng diagram?
Bakit kailangan nating gumamit ng diagram sa mga proseso?
Mahalaga bang matutunan ang paggamit ng diagram sa isang proseso gamit ang word processing tool? Ipaliwanag ang sagot.
Pagpapalalim ng Kaalaman
Ang diagram ay mga hugis na naglalaman ng mga impormasyon hinggil sa isang bagay o proseso. Noong hindi pa uso ang paggamit ng computer, ang mga diagram ay mano –manong nililikha. Ngayong makabagong panahon, maari nang gamitin ang computer upang gumawa ng diagram gamit ang word processing tool.
Narito ang mga hakbang sa paggawa ng diagram ng isang proseso gamit ang word processing tool.
Buksan ang inyong word processor.
a. I-click ang Insert tab sa ribbon
b. I-click ang Shapes button at piliin ang Terminator mula sa grupo ng mga hugis ng flowchart.
c. I-drag ang mouse sa document upang maiguhit ang hugis. d. Mag- right click sa hugis at piliin ang Add Text upang malagyan ng teksto ang loob ng hugis. I-type ang salitang “START.”
e. Ulitin lamang ang proseso sa pagguhit ng iba pang hugis upang magawa ang flowchart ng proseso ng pagkuha ng order mamimili.
f. Maaaring palitan ang kulay ng bawat hugis sa pamamgitan ng pag click sa hugis at pagpili ng Shapes Style, o pagpalit ng shape fill at outline ng hugis.
Ano ang gamit ng diagram? Isa-isahin ang mga hakbang sa
paggawa ng flow chart diagram na natutunan. Ano ang magandang dulot ng paggawa ng diagram sa word processing tool? Paano ito nakatutulong sa mga mag-aaral na tulad nyo?
Constructivism approach
Gumawa ng diagram para maipakita ang proseso ng mga Sumusunod gamit ang word processing tool.
Unang Pangkat - Life cycle of a butterfly
Ikalawang Pangkat - pag order ng pagkain sa kantina
Ikatlong Pangkat – paglalaba
Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay gagawa ng diagram ng proseso ng pag – i-enrol. Gamitin ang rubrik sa ibaba sa pagmamarka ng inyong output.
1. Pagdating sa paaralan, dumiretso sa Registrar’s Office.
b. Humingi ng Registration Form
c. Mag fill-up ng RF.
d. Ipa tsek sa mga taong nakatalaga sa information kung walang mali sa ginawa.
e. Pumunta sa cashier’s office para magbayad
DAY 2
Naipaliliwanag ang gamit ng diagram at word processing tool.
Nakagagawa ng diagram ng isang proseso gamit ang word processing tool.
Natutukoy ang kahalagahan ng diagram gamit ang word processing tool.
EPP5IE-0f-15/Page 17 of 41K
Balik-aral
Anong diagram ang ginawa natin kahapon? Paano ito ginawa? Ano ang ginamit natin sa paggawa ng diagram ng proseso?
Sino sa inyo ang tumutulong sa mga gawaing bahay? Tumutulong ba kayong maglaba sa inyong nanay? Paano kayo naglalaba? May mga proseso ba kayong sinusunod?
Pangkatin ang klase sa tatlo at ipagawa ang sumusunod na hakbang sa paggawa ng diagram ng proseso sa paglalaba gamit ang SmartArt.
Narito ang mga hakbang sa paggawa ng isang proseso ng paglalaba.
a. Sa toolbars na matatagpuan sa pinaka-itaas ng Word pindutin ang Insert. Pagkatapos pindutin naman ang “SmartArt”.
b. Pagkatapos pindutin ang “SmartArt” lalabas ang isang dialog box. Sa dialog box na ito, piliin ang process na matatagpuan sa kaliwang bahagi ng kahon.
c. Maaaring pumili batay sa iyong kagustuhan upang ilahad ang proseso ng paglalaba
d. Sa mga kahon na may nakasulat na “Text” ilalagay ang mga hakbang o proseso ng dadaan. Maaaring isulat sa nasa kaliwang “Text Pane” o sa mismong kahon na nasa pahina sa pamamagitan lamang ng pag-click sa salitang Text. Kapag may lumabas na tuwid na linya na parang “l” maaari nang simulan ang pagsusulat.
e. Pagkatapos maisulat ang lahat ng detalye o proseso ng dapat daanan at mapansing kulangang ang mga kahon, maaaring madadagdagan ang mga ito sa pamamagitan ng pagpindot sa Add Shape na makikita sa Toolbar.
f. Maaaring palitan ang design ng mga kahon sa pamamagitan ng pag-click sa “SmartArt Styles”.
g.Maaari palitan ang kulay ng diagram sa pag-click ng “ChangeColors”.
h.Gamit ang Format Toolbar/Tab,sa pamamagitan nito maaaring magdagdag o magbago ng kulay ng text , outline at kulay ng diagram.
Pagtalakay sa natapos na gawain
Ano ang diagram?
Anong uri ng diagram ito?
Ano-ano ang mga hakbang na ginawa upang mabuo ang diagram ng isang proseso?
Madali bang sundan ito?
Malinaw ba ang pagkakagawa ng diagram?
Bakit kailangan nating gumamit ng diagram sa mga proseso?
Mahalaga bang matutunan ang paggamit ng diagram sa isang proseso gamit ang word procssing tool? Ipaliwanag ang sagot.
Ang diagram ay mga hugis na naglalaman ng mga impormasyon hinggil sa isang bagay o proseso. Ito rin ay tinatawag nating graph. Noong hindi pa uso ang paggamit ng computer, ang mga diagram ay mano-manong nililikha, ngayong makabagong panahon, maari nang gamitin ang computer upang gumawa ng diagram gamit ang word processing tool.
Narito ang mga hakbang sa paggagawa ng diagram ng isang proseso gamit ang word processing tool.
a.Sa toolbars na matatagpuan sa pinaka-itaas ng Word pindutin ang Insert. Pagkatapos pindutin naman ang “SmartArt”.
b.Pagkatapos pindutin ang “SmartArt” lalabas ang isang dialog box. Sa dialog box na ito, piliin ang process na matatagpuan sa kaliwang bahagi ng kahon.
c.Maaaring pumili batay sa iyong kagustuhan upan ilahad ang
proseso ng paglalaba.
d.Sa mga kahon na may nakasulat na “Text” ilalagay ang mga hakbang o proseso ng dadaan. Maaaring isulat sa nasa kaliwang
“Text Pane” o sa mismong kahon na nasa pahina sa pamamagitan
lamang ng pag-click sa salitangText. Kapag may lumabas na tuwid na linya na parang “l” maaari nang simulan ang pagsusulat.
Pagkatapos maisulat ang lahat ng detalye o proses ng dapat daanan at mapansing kulang ang mga kahon, maaaring madadagdagan ang mga ito sa pamamagitanng pagpindot sa Add Shape na makikita sa Toolbar. Maaaring palitan ang design ng mga kahon sa pamamagitan ng pag- click sa “SmartArt Styles”.
Maaari ring palitan ang kulay ng diagram sa pag-click ng “Change
Colors”.
h.Gamit ang Format Toolbar/ Tab, sa pamamagitan nito maaaring magdagdag o magbago ng kulay ng text , outline at kulay ng diagram.
.
Ano ang gamit diagram? Isa-isahin ang mga hakbang sa paggawa ng flow chart diagram na natutunan. Ano ang magandang dulot ng paggawa ng diagram sa word processing tool? Paano ito nakatutulong sa mga mag-aaral tulad nyo?
Gumawa ng diagram para maipakita ang proseso ng paggawa ng mga sumusunod gamit ang word processing tool.
Unang Pangkat – Pagluluto ng banana cue
Ikalawang Pangkat – Paggawa ng atsara
Ikatlong Pangkat – Paggawa ng Patillas
Pangkatin ang klase sa tatlo at ipagawa ang diagram ng proseso gamit ang SmartArt. Ibatay ang iskor sa rubrik na nasa ibaba.
Unang Pangat – Water Cycle
Ikalang Pangkat – Life cycle of a Butterfly
Ikatlong Pangkat – Life stages of a Frog
DAY 3-4
Naipaliliwanag ang gamit ng diagram at word processing tool.
Nakagagawa ng diagram ng isang proseso gamit ang word processing tool.
Natutukoy ang kahalagahan ng diagram gamit ang word processing tool.
EPP5IE-0f-15/Page 17 of 41K
Tumawag ng dalawang bata na mag-uulat ng kanilang takdang aralin tungkol sa paggawa ng diagram ng proseso ng pagboto.
Inquiry based approach
Anong tawag sa productivity tool na nasa larawan?
Paano kayo Makakapasok dito? Ano ang inyong gagawin? Tumawag ng isang batang hahawak sa computer at hayaang magbrowse upang maipakita ang nasa larawan.
Sagutin ang mga tanong:
Ano ang electronic spreadsheet?
Ano-ano ang mga basic function at formula sa electronic spreadsheet.
Nakagamit ka na ba ng mga formula sa electronic spreadsheet?
Gawain
Tunghayan ang sitwasyong ito.
Oras ng rises. Pumunta si Lenny sa kantina dala ang kanyang limampung piso ( Php50 ).
Narito ang kanyang mga binili:
Sandwich – Php8.00
Juice - Php5.00
Candy - Php5.00
Magkano kaya ang naipamili ni Lenny at magkano ang kanyang
sukli? Gamit ang electronic spreadsheet, ating isagawa ang pagtutuos.(Ipakikita at ipaliliwanag ng guro ang bawat hakbang ng pagtutuos gamit ang electronic spreadsheet sa tulong ng LCD projector.)
Pagtalakay sa natapos na gawain.
Ano ang inyong naramdaman sa katatapos na gawain?
Nakuha ba ang tamang kwenta ng pinamili ni Lenny?
Magkano pa ang naging sukli ni Lenny?
Anong productivity tool an gating ginamit sa pagtutuos? Ano-ano ang nilalaman nito?
Ano-anong basic functions at formula ang ginamit natin sa pagtutuos?
Paano ito nakatutulong sa bawat isa sa atin?
Mahalaga bang matutunan ang mga basic function at formula sa electronic spreadsheet?
Naglalaman din ito ng maraming mga formula upang makamit ang iba pang pakinabang nito.
Spreadsheet ang tawag sa pahina sa Excel. Pagkatapos mapindot ang “Autosum” lalabas na ang resulta. Siguraduhing pasobrahan ang cell na ida-drag kung saan awtomatikong mailalagay ang pinagsama-samang halaga. Ikalawa, maaaring gamitin ang mano- manong paggawa ng formula sa isang cell.
Makikitang may equal sign(=) bago magsimula ang formula, parenthesis matatagpuan ang mga cell na nais pagsama-samahin. Maaaring ilagay ang mga cell nang mano-mano o ilagay ito sa
Pagpapalalim ng Kaalaman
Ang Microsoft ay isa sa pinakakilalang lumilikha ng software na may electronic spreadsheet, ito ay ang Microsoft Excel na binubuo ng maraming mga cells.
Ang paggamit ng electronic spreadsheet ay nakatutulong upang mapadali at mapabilis ang pagbuo ng mga datos gamit ang mga functions at formula. Mahalagang pag- aralan ito upang makatulong sa mabilis na pagtutuos o paggawa ng spreadsheet para sa iba pang mga bagay. Maaari itong gamitin kung nais pagsama-samahin ang mga datos na nakalap sa internet man o saan mang maaaring pagmulan ng impormasyon. Maaari ding gamitin ang Excel sa accounting o pagtutuos ng mga gastos at pera na pumasok. Naglalaman din ito ng maraming mga formula upang makamit ang iba pang pakinabang nito.
Pamamagitan ng pag-click sa cell na nais ilagay pagkatapos, ay sundan ito ng plus sign +. Kung higit sa dalawa ang cells na nais pagsamahin kailangan ilagay ang plus sign + sa pagitan ng mga cell katulad ng ipinapakita sa larawan sa itaas. Pagkatapos ilagay ang mga cell, pindutin lamang ang “Enter” o i - click lamang ang mouse o cursor saan man sa spreadsheet at lalabas na ang resulta ng pinagsamang mga numero.
Ang ganitong uri ng paraan ng pagtutuos o paggamit ng functions at formula ay nag-iiba lamang sa gamit. Halimbawa, kung may nais mag- subtract, gagamit lamang ng minus sign (-) sa pagitan ng mga cell na nais pagbawasin.
Samantala, ginagamit naman ang asterisk * kapag nais i-multiply ang dalawang numero o higit pa.
Kapag nais namang i-divide ang dalawang numero ginagamit ang slash /.
Ano ang electronic spreadsheet? Ano-anong formula ang Maaaring gamitin sa electronic spreadsheet? Paano gamitin ang mga basic function at formula sa electronic spreadsheet?
Collaborative approach
Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay magpapakita ng kanilang pagtutuos gamit ang electronic spreadsheet.
Sitwasyon: kuhanin ang sum ng mga pinamiling kagamitan ni Rona sa kanyang pagpasok.
Listahan ng pinamili:
Notebooks –Php129.75 |
| Eraser – Php35.50 |
Bolpens – Php36.50 |
| Pencil case – Php87.75 |
Plastic cover- Php56.25 |
| Ruler – Php27.75 |
Lapis – Php12.00 |
| Sharpener – Php43.50 |
Ipangkat ang klase sa apat.
Pag-aralan ang marka ni Aaron sa unang markahan. Gamitin ang Mga basic functions at formula sa electronic spreadsheet upang makuha ang kanyang General Average.
Marka ni Aaron sa Unang Markahan
Filipino- 85
English -84
Mathematics – 86
Science – 85
Araling Panlipunan – 89
Mapeh – 90
EPP – 89
Esp – 92
Pagpapayaman ng Gawain
Alamin sa iyong magulang ang listahan ng naipamili mo ng iyong Kagamitan sa pagpasok.Gamit ang mga basic functions at formula ng spreadsheet, kuhanin ang total ng naipamili.
Thank You!