Quarter 3 Week 3D1- 5
ESP
REMEDIOS S. REYNO
MT 11
PIAS – GAANG ELEMENTARY SCHOOL
AUREA S. AUSTRIA
Principal II
Magandang umaga mga bata!
Sinu-sino ang lumiban sa klase ngayong umaga?
Pagkakaisa
Maraming sinulid na mumunti
Mahihina kapag nag iisa,
Ngunit matapos mahabi
Naging pinaka mahusay na bandila.
Marami ring mga tao
Na ibat iba ang kalagayan,
Pag nabigkis ng pag ibig at layunin na totoo
Nagiging bayang makapangyarihan.
a. Ano ang pamagat ng tula?
b. Bakit ito pinamagatang Pagkakaisa?
c. Bakit sinabing mahina kapag nag iisa?
d. Ano ang masasabi mo sa ikalawang saknong?
e. Sa palagay mo bakit sinabing makapangyarihan ang bayang nabigkis ng pag - ibig at layunin na totoo?
f. Ano ang nais ipakahulugan ng tula?
g. Bakit mahalaga sa tao na may pag ibig sa kapwa?
DAY 2
1. Tungkol saan ang ating talakayan kahapon?
2. Ano ang pagpagpapahalagang iyong natutuhan tungkol sa aralin?
3. Paano ito nakaimpluwensiya sa iyong sarili bilang miyembro ng komunidad na iyong ginagalawan?
Suriin ang mga larawan. Ano ang iyong masasabi sa bawat larawan nagpapakita ba ito ng pagkakaisa? Ipaliwanag.
Ano ang iyong masasabi sa bawat larawan nagpapakita ba ito ng pagkakaisa? Ipaliwanag.
Pangkatin ang mag-aaral sa apat at ipakita ang kanilang gagawin.
Unang Pangkat –Pakikiisa, Itula Mo
Ikalawang Pangkat – Makiisa at Umawit
Ikatlong Pangkat – Gumuhit ng Pagkakaisa
Ang bawat pangkat ay magsagawa ng gawain. Limang minuto para sa preparasyon at karagdagang dalawang minuto sa presentasyon.
Tema:
“Pagkakaisa Para sa Bansa”
Magkaroon ng maikling paglalahat sa nakaraang gawain.
DAY 3
Ano ang gagawin mo upang maipakita ang pakikiisa sa inyong paaralan?
PANGKATANG GAWAIN
Gumupit ng hugis kamay. Isulat sa bawat daliri ang iyong pangako kung paano ka makikiisa sa iyong kapwa.Idikit ito sa iyong kuwaderno.
TANDAAN: Ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa isang bansa ay mahalaga tungo sa kaunlaran. Magkakaiba man ang kanilang salita, estado sa buhay at pananaw ito ay nagsisilbing bigkis. Mahalagang pagyamanin ito sa pamamagitan ng pakikilahok. Bilang batang marunong makiisa, ito ay maaaring umpisahan sa ating sariling paaralan kung saan naipakikita natin ang pakikiisa sa pamamagitan ng pagsali sa mga Gawain.
.
DAY 4
Anu-anong programa ang idinadaos ng ating paaralan para maipakitang tayo ay nakikilahok sa pandaigdigang pagkakaisa?
Pangkatin ang klase sa tatlo.
Magkaroon ng Maikling dula -dulaan ukol sa pakikiisa sa mga proyekto ng pamahalaan para sa pandaigdigang pagkakaisa.
Paglalahat:
Ano ang kahalagahan ng pagkakaisa para sa bansa?
Muling itanong ang nasa Isabuhay at tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi.
DAY 5
Anu-anong programa ang idinadaos ng ating paaralan para maipakitang tayo ay nakikilahok sa pandaigdigang pagkakaisa?
Subukin Natin
Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pakikiisa at Mali kung hindi.
1. Pinaunlakan ni Annie ang paanyaya ng pinuno ng SPG upang sumali sa “Fun Run para sa kalikasan”.
2. Napagkasunduan ng mag kaibigang Ben at John na umuwi na lamang at huwag ng makilahok sa programa dahil ito ay ukol sa droga at wala naman silang maitutulong dito.
3. Pinunit ni Nathaan ang poster tungkol sa Earthquake Drill na isasagawa pa lamang sa kanilang barangay
4. Tumulong sa pagkalap ng mga donasyon ang mga batang nasa ikaanim na baiting upang matulungan ang mga biktima ng nakaraang bagyo.
5. Ang mga tao sa aming barangay ay sabay sabay nag patay ng ilaw bilang pakikiisa sa Earth Hour.
Takdang –aralin:
Sumulat ng mga hugot lines tungkol sa pambansang pagkakaisa.