1 of 61

Quarter 3 Week 4 D1 - 5

FILIPINO

REMEDIOS S. REYNO

MT 11

PIAS – GAANG ELEMENTARY SCHOOL

AUREA S. AUSTRIA

PRINCIPAL II

2 of 61

Panuto: Sa bawat pangungusap na babasahin ng guro, ang mga mag – aaral ay inaasahang magbigay ng reaksyon ukol dito. Piliin sa ibaba ang angkop na damdamin.

LAGI KONG GINAGAWA

PALAGIAN KONG GINAGAWA

HINDI KO GINAGAWA

MINSAN KONG GINAGAWA

3 of 61

___1. Nakikinig ako sa aking guro nang mabuti at nakikipag – usap aking kagrupo.

 ___2. Hindi ako masyadong nakinig sa guro at hindi rin ako masyadong nagbahagi sa aking kagrupo.

 ___3. Hindi ako masyadong nakinig sa guro pero may naibahagi ako sa aking kagrupo.

4 of 61

Iayos ang mga letra para makabuo ng salitang kasingkahulugan ng mga sumusunod:

T U R A – lugar na pupuntahan

N B I A H A I N G – nagandahan

A G N A A S A L S – naghihiwalay/nagbubukod

K N A A K A S U S L O K A- nakakasuka/matinding amoy

5 of 61

Kantahin: 

Ako’y umusbong sa tabi ng Pasig

Nagisnan ang ilog na itim ang tubig

Lumaking paligid ang bundok na umuusok

Langhap na langhap ang amoy ng basurang bulok.

Anak ng pasig naman kayo

Kalat doon, kalat dito

Natakpan na ang langit kong ito

Nilason, din ang ilog ko

6 of 61

Anong pamagat ng kinanta ko?

Patungkol saan ang ipinahihiwatig ng kanta?

 Paano ba natin maililigtas ang ilog Pasig?

7 of 61

8 of 61

Ilarawan ang ilog pasig

Pano natin maliligtas ang ilog pasig?

9 of 61

Alam ba ninyo na ang Ilog Pasig ay hindi ganito ang itsura kagaya ng inilalarawan sa awitin?

Sinasabing dati-rati, ito ay isang mahalagang rutang pangtransportasyon.

Sa habang 25 kilometro, malinis ang tubig na dumadaloy sa ilog na ito noo. Kahit si Dr. Jose Rizal sa kanyang ilang akda ay nabighani sa kagandahan ng ilog na ito.

10 of 61

Kasingganda raw dati ng Grand Canal sa Venice ang Ilog Pasig noon. Napapalibutan ito ng mga berde at malalagong puno at halaman. Malinis ang tubig na dumadaloy sa ilog na ito. Sagana ito sa iba’t ibang uri ng isda at buhay – dagat. Ito rin ang nag-uugnay sa Look ng Maynila sa Look ng Laguna. Ito rin ang nagsasala ng mga sobrang tubig

11 of 61

mula sa Look ng Laguna at sa iba pang labintatlong ilog at estero ng Maynila. Nilason din ang ilog ko.

Heto ngayon ang ilog Pasig, animo’y lupa ang inyong nakikita sa larawan. Ngunit ang hindi maikukubling katotohanan, ito ay pawang naipong mga basura. Napakarumi, nakakadiring tingnan at nakasusulasok ang amoy na nanggagaling sa ilog. Halos wala

12 of 61

ka nang makikitang buhay na isda sa ilog na iyan.

Ano ang dahilan ng ganitong kahihitnan ng Ilog Pasig? Nagsimula ito nang mag-umpisang tirahan at tayuan ng kung ano-anong estruktura ang gilid ng ilog. Kahit na may batas na nagbabawal sa ganitong gawain, maraming kompanya at mamamayan ang hindi inalintana

13 of 61

ang batas na ito. Hindi naglaon, napabayaan at inabuso na ang ilog. Naging tapunan ito ng mga basura ng mga nakatira na malapit dito. Dahil dito, unti-unting umalis ang mga hayop na naninirahan sa ilog, na ang iba nga, sa kasamaang palad ay namatay.

Ngayon ay may iba’t ibang ahensiya ang itinatag upang buhayon muli ang Ilog Pasig.

14 of 61

Talakayin ang kuwento gamit ang mga sumusunod na mga katanungan.

  1. Gaano kahaba ang ilog Pasig?
  2. Paano inilarawan ng may – akda ang tubig na dumadaloy sa ilog pasig ngayon?
  3. Sa anong ilog inihalintulad ang Ilog Pasig noon?

15 of 61

4. Bakit sinasabing mahalaga ang papel na ginagampanan ng Ilog Pasig sa ating pang – araw – araw na pamumuhay?

5. Paano naging nakakadiri, napakarumi, at nakakasulasok ang amoy ng ilog pasig ngayon?

16 of 61

Paglalahat:

Ano ba ang kahulugan ng paksa?

Ang paksa ay ang pangunahing diwa ng isang talata o sanaysay

17 of 61

Makinig sa kaisipang babasahin ng guro. Isulat sa ibaba ang paksa narinig. Isulat sa ibaba ang paksa narinig.

Ako’y kabataang may isang mithiin

Kalikasan natin ay muling buhayin;

Sipag at tiyaga, siyang puhunanin

Pagkat siyang susi sa pag-unlad natin

Paksa: ________________

18 of 61

Gawain 1

Magsulat ng mga pangungusap na hango sa binasang teksto. Isulat ang mga paksa ng bawat talata ng sanaysay.

Sa saliw ng isang tugtugin, paikutin ang isang bola. Kapag tumigil ang tugtugin, ang batang may hawak ng bola ang siyang kukuha ng papel na nasa kahon at magdidikit sa dayagram na nasa ibaba

19 of 61

Ilog Pasig: Noon at Ngayon

Paksa 1

Paksa 2

Paksa 3

Paksa 4

Paksa 5

20 of 61

Pangkatin ang mga mag – aaral sa tatlong grupo. Magbigay ng enbelop na may kani – kaniyang sanaysay at manila paper na nakapaloob. Sa loob ng limang minuto ay hahanapin ng mga mag – aaral ang paksa ng sanaysay na nakaatas sa kanilang grupo.

Ipaulat ito sa harap ng klase.

21 of 61

Pangkatin muli ang mga mag-aaral sa sa limang grupo. Hayaang mag-isip ang mga mag-aaral ng kanilang pangalan sa kanilang grupo. Bigyan lamang sila ng 7 minuto upang gawin ang naiatas na gawain sa kanilang grupo.

22 of 61

Pangkat I – Iguhit mo!

- Iguhit ang itsura ng ilog Pasig noon.

Pangkat II – Iguhit mo!

- Iguhit ang itsura ng ilog Pasig ngayon.

Pangkat III – Alin ang naiba! Ikompara ang Ilog Pasig noon sa ngayon gamit ang Venn Diagram

Pangkat IV – I arte mo!

Ipakita sa pamamagitan ng maikling skit kung paano natin maililigtas ang ilog pasig

Pangkat V – Lumikha ka!

Gumawa ng tatlong saknong na awitin na nagpapahiwatig ng pagliligtas sa Ilog Pasig

23 of 61

Mag – isip ng isang proyektong akma sa inyong edad na makakatulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng ilog pasig.

24 of 61

Ibigay ang paksa ng mga sumusunod .

1. Ako’y kabataang lalang sa panahon ng pakikisangkot sa tungo sa pagsulong. �________________________

2. Ma’y talinong taglay, diwa’y nag-iisip kung ano ang dapat, mabuti’t matuwid.

________________________

3. Pagkat kasipaga’y puhunan tuwina Sa mga paggawa at pakikibaka�

25 of 61

4. Mga biyayang handog ng wastong paglingap Bunga ng tiyaga’y mga pagsisikap.�____________________

5. Ako’y kabataang may iisang mithiin Kalikasan natin ay muling buhayin.�____________________

26 of 61

DAY 2

Balik-aral:

  1. Gaano kahaba ang ilog Pasig?
  2. Paano inilarawan ng may – akda ang tubig na dumadaloy sa ilog pasig ngayon?
  3. Sa anong ilog inihalintulad ang kagandahan ng ilog pasig noon?
  4. Bakit sinasabing mahalaga ang papel na ginagampanan ng Ilog Pasig sa ating pang – araw – araw na pamumuhay?
  5. Paano naging nakakadiri, napakarumi, at nakakasulasok ang amoy ng ilog pasig ngayon?

27 of 61

1. Napakaganda ng Ilog Pasig.

2. Napakagandang masdan ng Ilog Pasig?

3. Masaya ang mga bata habang naglalaro sa ilog?

4. Masayang lumangoy sa malinis na ilog.

Ano ang mga salitang may salungguhit?

28 of 61

Ano ang mga salitang may salungguhit?

Pareho ba ito ng pagkagamit sa mga pangungusap?

Ano ang tungkulin ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap bilang 1 at 3? Sa pangungusap bilang 2 at 4?

Ano ang tawag sa salitang nakasalungguhit sa pangungusap 1 at 3? Sa pangungusap 2 at 4?

29 of 61

1. Ang mga salitang ito ay mga pang – uri at pang – abay?

2. Ano ba ang pagkakaiba ng pang-uri at pang-abay?

Ang pang – uri at pang – abay ay parehong naglalarawan at nagbibigay – turing.

Pang-abay -mga salitang nagbibigay – turing sa pandiwa, pang – uri, at kapwa pang – abay.

Pang – uri ay nagbibigay – turing sa pangngalang at panghalip.

30 of 61

Halimbawa:

Masayang nakikilahok ang mga tao sa mga programang pangkalikasan

Masaya ang mga tao habang nakikiisa sa mga programang pangkalikasan.

31 of 61

Halimbawa:

Masayang nakikilahok ang mga tao sa mga programang pangkalikasan

Masaya ang mga tao habang nakikiisa sa mga programang pangkalikasan.

32 of 61

Basahin ang mga pangungusap. Pansinin ang mga salitang nakasalungguhit. Sabihin kung ito ay pang-uri o pang-abay.

  1. Inaabuso ng iba ang kalikasan uang kumita nang mas malaki.
  2. Dahil sa patuloy na pagtatapon ng basura sa mga ilog, nagiging marumi ang mga ito.______________
  3. Maraming namamatay na isda dahil marumi na ang tubig sa mga ilog.

33 of 61

5. Maraming kabataan ang namumulat na ang isipan sa pagliligtas ng ating mga ilog.

6. Dapat ay mahigpit na ipatupad ang mga batas laban sa pagtatapon ng basura sa ilog.

7. Dapat ay bukal sa loob na makiisa ang bawat mamamayan sa mga programang pangkalikasan.

34 of 61

8. Inaasahan na lubusang makikiisa ang bawat sektor ng lipunan sa layuning ito.

9. Sana ay mas estrikto ang mga batas sa pagpapanatiling walang nakatira malapit sa mga ilog o sa daluyan ng tubig.

10. Kailangang bantayang maigi ang mga lugar na dinadaluyan ng tubig.

35 of 61

Gawin ninyo:

Humanap ng kapareha. Gumawa ng limang pangungusap ng kapareha. Ang isa ay gagamitin ang salita bilang pang – uri at isa naman ay ang pang-abay.

Halimbawa:

Pang-abay

  1. Masunuring mabuti ang aming barangay.

Pang-uri

Ang masunuring barangay ay maunlad at mapayapa.

36 of 61

Punan ang patlang ng angkop na pang-uri o pang-abay.

_____ ang problema ng ilog Pasig ngayon. _______ ang tubig na dumadaloy sa ilog na ito dati. Ngayon _____ nang ipinagbabawal ang paliligo at pagkuha ng tubig upang gawing inumin. Hindi na yata matututo ang mga ____ taong nakatira sa gilid nito. Kaya pala na nadudumihan ang ilog simula

37 of 61

nang tirahan ng mga _____ tao ang gilid ng ilog.

_______ tao ang ginagawang tapunan ng basura, palikuran o banyo ang ilog. Kaya naman ____ang panawagan ng goyerno sa lahat ng kinauukulan. Sama-sama nating sagipin ang _______ ilog Pasig.

Huwag na tayong magbibingi-bingihan. Makiisa!

38 of 61

DAY 3

Vocabulary Knowledge Scale

5- Alam ko ang salita at kaya ko itong gamitin sa pangungusap

4- Alam ko ang salita at alam ko ang kahulugan nito

3- Nakita ko na ang salitang ito at palagay ko ito ang kahulugan

2- Nakita ko na ang salitang ito ngunit hindi ko alam ang kahulugan

1- Hindi ko pa ito nakita at hindi ko alam ang kahulugan nito

39 of 61

  1. Ilog
  2. Patay
  3. Batas
  4. Amoy
  5. Estero
  6. Basura
  7. Ahensiya
  8. Estruktura
  9. Kilometro
  10. Transportasyon
  11. nakakasulasok

40 of 61

Piliin sa ibaba ang salitang inilalarawan ng mga pangungusap. Isulat ang titk sa patlang.

___1. Ito ay isang daluyan ng tubig.

___2. Sobrang mabaho ang amoy na ito, maduduwal ka.

3. Tinutukoy nito ang iba’t ibang uri ng sasakyan, mapahimpapawid, mapatubig o mapalupa man.

4. Binubuo ito ng mga gusali o kabahayan.

___5. Ito ay ang mga alituntnin na dapat sundi ng bawat mamamayan ng

41 of 61

___7. Ito ay mga organisasyong nangangasiwa at nangangalaga sa kapakanan ng ating bayan at ng mga mamamayan nito.

___8. Maaari itong mabaho o mabango ginagamit natin ang aing ilong upang matukoy ito.

___9. Nangangahulugan itong kanal

___10. Ito ay may sukat na isanlibong metro

42 of 61

Tingnan muli ang larawan ng ilog Pasig at balikan muli ang binasang sanaysay.

43 of 61

  1. Gaano kahaba ang ilog Pasig?
  2. Paano inilarawan ng may – akda ang tubig na dumadaloy sa ilog pasig ngayon?
  3. Sa anong ilog inihalintulad ang Ilog Pasig noon?

Sino sa inyo ang nakikinig ng balita sa radyo?

Paano ninyo ikinukuwento sa iba ang inyong narinig sa radyo?

Kung sakaling may magtatanong tungkol sa inyong napakinggang balita, makakaya mo ba itong sagutin? Paano?

44 of 61

Paano ba natin sasagutin ang mga tanong tungkol sa isang binasang ulat o kuwento?

45 of 61

46 of 61

47 of 61

Tungkol saan ito?

Sino ang kasangkot dito?

Saan ito nangyari?

Kailan ito nangyari?

Ano ang sanhi o kinalabasan ng pangyayari sa nabasang balita?

48 of 61

“Win – win Solution” sa Pinoy Nurses – Villar”

  1. Ano ang nilalaman ng kwento?
  2. Bakit kailangang magkaroon nito?
  3. Paano raw ito maisasakatuparan?
  4. Sumasang-ayon ka ba sa inihaing resolusyon? Ipaliwanag?
  5. Kung ikaw ang tatanugin, paano mababawasan ang pagpunta ng mga Filipino nurses sa ibang bansa pagkatapos mong isaalang – alang ang malaking suweldong kanilang kikitain?

49 of 61

Basura, Sobra Na!

  Malala na ang problema sa basura sa mga lungsod sa ating bansa. Sa paligid, makikita ang mga nilalangaw

at namamahong basurang walang pakundangang itinatapon ng ating mga kababayan sa daan. Hindi naman ito makayang hakutin ng mga basurero dahil sa kakulangan ng mga trak ng basura at ng mga lugar na matatagpuan.

Panahon na upang humanap tayo ng alternatibo sa paggamit ng basura.

50 of 61

Kailangan ang pagre-recycle ng basura. Makatutulong pa ito upang kumita mula sa basura. Kailangan ding turuan ang bawat pamilya na makiisa sa pagre – recycle ng basura. Sa pamamagitan ng paghihiwa – hiwalay ng bawat uri ng basura tulad ng mga papel, bote, plastic at lata madaling mahahakot ang mga ito at madadala sa mga recycling center. Bukod sa mababawasan ang mga nagkalat na mga basura, maktitipid pa tayo sa paggawa ng mga bagay ng nagmumula sa mga kahoy at halaman.

51 of 61

Tanong?

  1. Tungkol saa ang editorial?
  2. Ano – ano ang mahahalagang mensahe ang inihahatid nito

52 of 61

DAY 4

Balik-aral:

  1. Gaano kahaba ang ilog Pasig?
  2. Paano inilarawan ng may – akda ang tubig na dumadaloy sa ilog pasig ngayon?
  3. Sa anong ilog inihalintulad ang kagandahan ng ilog pasig noon?
  4. Bakit sinasabing mahalaga ang papel na ginagampanan ng Ilog Pasig sa ating pang – araw – araw na pamumuhay?
  5. Paano naging nakakadiri, napakarumi, at nakakasulasok ang amoy ng ilog pasig ngayon?

53 of 61

Maglista ng mga datos mula sa binasang kuwetong “Ilog Pasig”. Isulat sa ibaba

Paano ninyo inilista ang mga datos tungkol sa Ilog Pasig?

Gaano kaimportante ang mga datos na pinili ninyong ilista? Bakit ito ang mga napili ninyong mga datos.

54 of 61

Sa pagkuha ng datos sa binasang teksto dapat ay:

  1. Makinig nang mabuti sa taong nagbabasa. Pakinggan ang mga detalyeng sasagot sa ano, sino, saan, kailan, paano at bakit.
  2. Isulat ang mga detalye tungkol sa inyong napakinggang teksto.
  3. Basahin muli ang mga naisulat at tukuyin kung alin lamang ang mahahalagang detalye`

55 of 61

4. Isa-isahin at pagsunod-sunorin ang mga detalye ayon sa napakinggang teksto.

5. Basahin muli upang maitama ang mga maling pagkakasulat ng mga datos.

56 of 61

Sa sanaysay na Ilog Pasig Noon at Ngayon, makikita ang malaking pagbabago sa Ilog Pasig.

Gamit ang kaalaman sa paglilista ng mga datos, ilista ang mga datos na napakinggan ninyo sa binasang kuwento.

(Maaaring basahin muli ng guro ang sanaysay)

57 of 61

Basahin ang “Magandang Tanawin, Lakbayin

Pangkatin ang mga mag—aaral. Bigyan sila ng panulat at manila paper. Isulat sa manila paper ang mga datos na makakalap ninyo sa aking binasang sanaysay

58 of 61

Sa sanaysay na Ilog Pasig Noon at Ngayon, makikita ang malaking pagbabago sa Ilog Pasig. Gamit ang iyong kasanayan sa pananaliksik, pumunta sa silid-aklatan at magtala ng mga aklat na maaring makatulong upang mailigtas ang kalikasan.

59 of 61

Humanap ng kapareha. Sa tulong ng inyong kapareha, magtala kayo ng mga datos na makatutulong sa pagsagip ng ating kalikasan.

Gamit ang mga nakalap na datos, isulat ito sa isang papel at gumawa ng sanaysay.

60 of 61

Pagtataya

Makinig sa babasahin ng guro. Itala sa inyong notbuk ang mahahalagang detalye/datos ng inyong napakinggan.

61 of 61

DAY 5

Lingguhang Pagtataya