1 of 49

Quarter 3 Week 3D1

FILIPINO

REMEDIOS S. REYNO

MT 11

PIAS – GAANG ELEMENTARY SCHOOL

AUREA S. AUSTRIA

Principal II

2 of 49

Tukuyin ang dalawang salitang magkaugnay na ginamit sa pangungusap.

 

Ang Pangulo ay itinuturing na pinakamataas na pinuno ng isang bansa batay sa isinasaad ng Saligang Batas ng isang pamahalaan.

3 of 49

Tingnan ang isang talaarawan. Suriin ang mga ito.

Mahal kong Talaarawan,

Maganda at maayos naman ang aking umaga ngayon dahil maaga akong nakapunta sa paaralan.Pero bago ako pumasok sa paaralan,naligo muna ako, nagbihis ng maayos, nagsuklay ng buhok, kumain at nagsisipilyo ng ngipin. Pagkatapos kong magsipilyo ng ngipin ay hinatid ako ng papa ko sa paaralan. Pagdating ko sa paaralan ay

4 of 49

bigla nalang sumakit ang ngipin ko. Kaya uminom agad ako ng gamot upang mawala agad ang sakit ko sa ngipin.

Sa tanghalian naman ay masaya kaming nagkainan sa "BBQ-han" at pagkatapos ng kainan namin ay dumiretso agad kami sa silid-aralan namin. Nag-aaral din ako sa paksa namin sa Ingles dahil magkakaroon kami ng pagsubok o pagsasanay. At iyan ang mga ginagawa ko sa araw na ito.

 

Nagmamahal,

Shekainah

5 of 49

a. Anu-ano ang mga makikita natin na detalye sa talaarawan?

  1. Sino ang gumagawa ng talaarawan?
  2. Bakit tayo sumusulat ng talaarawan?

6 of 49

Pagyamanin Natin

Basahin ang talaarawan ng tahimik at sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Sino ang nagsulat ng talaarawan?

2. Ano ang unang ginawa ni Shekainah bago pumasok sa paaralan?

7 of 49

3. Sino ang naghatid sa kanya sa paaralan?

4. Ano ang nangyari kay Shekainah ng siya ay nasa paaralan na?

5. Saang subject nagkaroon ng pagsubok o pagsasanay si Shekainah?

8 of 49

Paglalapat:

Sumulat ng isang halimbawa ng talaarawan.

Paglalahat:

Ano ang talaarawan?

Ang talaarawan ay kalipunan ng mga bugto-bugtong o baha-bahaging sulatin na nakasulat at nakaayos sa sunod-sunod na petsa o araw.

9 of 49

Pagtataya:

Isulat ang mga pangyayari ng nakalipas na isang linggo sa pamamagitan o halintulad ng isang talaarawan.

10 of 49

DAY 2

Masasabi mo ba kung paano ginawa ang kilos sa mga kasabihan?

Anong tawag sa pang-abay na sumasagot sa tanong na paano mo isinagawa ang kilos?

11 of 49

Basahin ang usapan. Kumuha ng dalawang batang magdadayalogo habang nakikinig ang klase

12 of 49

13 of 49

Malaking Pangkatang Gawain( dalawang pangkat)

Isadula ang three shifts at multigrade scheme habang isinasagawa ang tamang pamamaraan ng kilos sa ganitong mga sitwasyon. Magsulat ng parirala na ipinakikita ang wastong gawi sa pagpasok at paglabas ng silid aralan sa three shifts Gayundin ang pamamaraan ng kilos/ pakikinig sa guro sa multigrade scheme.

14 of 49

Ang kabilang pangkat ang magtataya kung naging tama ba ang isinagawa ng kabilang pangkat gamit ang rubrik sa Pangkatang Gawain. Kung kayo ang nasa kanilang kalagayan ano sana ang mas akmang kilos na dapat sana’y ipinakita ng pangkat ? Kung naging maayos sabihin din ito sa klase

15 of 49

16 of 49

17 of 49

DAY 3

Basahin ang bawat pangungusap. Ibigay ang kahulugan ng mga may salungguhit na salita sa papamagitan ng pagbibigay ng kanilang kasalungat.

Humusay ang kaniyang pagguhit dahil sa pag - eensayo.

Ang batang makulit ay napagalitan ng nanay.

Walang humpay ang pag-iyak ng bata.

Pati hangin yata’y walang pakialam sa kapal ng usok na nakabalatay.

May maliit na liwanag na natatanaw ang bata.

18 of 49

Kailan at saan ninyo ito madalas makikita?

Anu-anong tradisyon ng mga Pilipino ang alam ninyo?

19 of 49

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.

Kalembang magkamayaw

Paglibot lansangan

Umaambag bunghalit

Banderitas nakagayak

Talyasi kalan

20 of 49

Pista sa Aming Bayan

 Masayang-masaya ang lahat. Araw ng pista ngayon sa aming bayan. Maraming tao ang nagsimba. Masigla at masaya ang kalembang ng kampana sa simbahan. Hindi magkamayaw sa ingay ng pagbabatian at pagbabalitaan ang mga tagarito, mga balikbayan, at mga panauhin mula sa ibang bayan.

21 of 49

Walang tigil ang masipag na banda ng musiko sa paglibot sa mga lansangan habang nagbibigay ng masiglang tugtugin. Umaambag rin sa sigla at saya ang malakas na bunghalit ng mga tugtugin sa mga perya at pondahan at maging sa mga tahanan man.

22 of 49

Nagpapagaraan sa ganda ang mga arko sa mga panulukan ng mga kalye. May mga arkong kawayan na may makukulay na ginupit-gupit na papel. Ang mga banderitas na may iba’t ibang kulay ay nakagayak sa mga hayag na lansangan at maging sa maliliit na kalye man.

23 of 49

Naku, higit sa lahat kabi-kabila ang handaan. May mga naglilitson doon at dine. Malalaking talyasi ng pagkain ang nakasalang sa kalan sa mga kusina at sa mga bakuran. Mula tanghalian hanggang hapunan ay pagsasalu-saluhan ang mga inihandang pagkain ng mga magkakamag-anak, magkakaibigan, at mga panauhin. Kainang hindi matapus-tapos. Ganyan ang pista. Nakalulungkot tuloy isipin na ang pista ay tila kainan na lamang at nawawala na ang diwang ispiritwal ng okasyon.

24 of 49

E, bakit nga ba may pista? Hindi ba’t nagdudulot lamang ito ng malaking gastos? Hindi ba’t malaking pag-aabala ito? Pero sadyang hindi na maiaalis sa kulturang Pilipino ang pagpipista at pamimista. Ito’y isang kaugaliang minana pa natin sa ating mga ninuno.

25 of 49

Ang pista ay araw ng pasasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyayang ipinagkakaloob Niya sa mga tao. Ito ay araw ng pagdakila, pagpuri at pagpaparangal sa Panginoon. Kadalasan, ang pistang-bayan ay itinatapat sa kaarawan ng patron ng bayan, gaya ng pista ng Senor Santo Nino, na ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Enero, pista ng Santa Clara sa kaarawan ng Mahal na Birhen de Salambao, pista ng Obando sa kaarawan ni San Pascual de Baylon, pista ng Malolos sa kaarawan ng Birhen Immaculada Concepcion, at iba pa.

26 of 49

 

Ano ang pista?

Bakit may pista?

Ilarawan ang pagdiriwang ng pista batay sa tekstong binasa.

  Sang-ayon ka ba na ipagpatuloy ang tradisyon ng pagdaraos ng pista? Ipaliwanag.

Bakit sinasabing ang pista ay isang pamanang kalinangan n gating mga ninuno?

Batay sa binasang teksto, anong isyu ang nakapaloob dito?

Sa isyung nakapaloob sa teksto, ano sa tingin mo ang paniniwala ng may-akda nito tungkol sa isyung ito?

27 of 49

Gawin Natin:

 Tukuyin ang kahulugan ng salitang pamilyar at di- pamilyar. Gamitin ang diksyunaryo.Isulat ang sagot sa pisara.

Hindi magkamayaw sa ingay ng pagbabatian at pagbabalitaan ang mga tao sa plasa.

Nagpapagaraan sa ganda at kulay ang mga arko at banderitas sa kalye.

28 of 49

Tuwing pista, naririnig ang bunghalit ng mga tugtugin sa perya, mga pondahan at mga tindahan

Makukulay na banderitas ang nasa kalye kung araw ng pista.

Bukud sa pagtugtog ng banda ng musiko, umaambag din sa saya ng kapistahan ang pagsasalo-salo sa masasarap na pagkain ng mga pamilya at panauhin.

29 of 49

Tanong: Ano ang ibig sabihin ng pamilyar at di-kilalang salita?

 

Paano mo naibibigay ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at di-kilalang sa kwentong iyong binasa?

30 of 49

Tukuyin ang kahulugan nito sa pamamagitan ng paggamit ng diksyunaryo.

31 of 49

Gawin Niyo/ Gawin Mo:

Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagtatala ng mga salitang naging pamilyar at di-kilala sa inyo mula sa binasa

ninyong teksto. Iugnay ang mga salitang ito sa inyong sariling karanasan. Ibigay ang kahulugan nito.

SALITANG PAMILYAR

KAHULUGAN

SALITANG DI-KILALA

KAHULUGAN

32 of 49

Basahin ng tahimik ang talata. Piliin ang mga salitang pamilyar at di-kilala mula sa teksto. Sa tulong ng diksyunaryo, tukuyin ang kahulugan ng bawat isa. Tukuyin din kung ano ang iyong matuklasan at kung ito ba ay nakapagbabago sa dating niyong kaalaman.

33 of 49

TUGOB FESTIVAL

Ang Tugob Festival ay isang magarbong pagdiriwang sa Lungsod ng Ormoc na idinaraos tuwing buwan ng Oktubre taon-taon. Ang salitang Tugob ay salitang Ormocanon na ang ibig sabihin ay “nag-uumapaw” na tumutukoy sa kasaganaan ng likas na yaman ng Ormoc. Ipinapakita at ipinagmamalaki ng mga taga Ormoc ang masaganang ani ng mga produktong pinya , tubo , niyog , isda, gulay , palay at iba pa. Ito ay unang idinaos noong 2010 na itinaon sa pagdiriwang ng ika 63rd Charter Day ng lungsod.

34 of 49

Pinakainaabangang bahagi ng pagdiriwang ang street dancing kung saan ang mga kalahok ay galing sa iba’t ibang barangay ng Ormoc ,mga mag-aaral, at mga kawani ng lokal na pamahalaan ng lungsod. Ang mga mananayaw ay nagsusuot ng matitingkad at magagarang kasuotan habang nagsasayaw sa kalsada upang ipakita ang kanilang pagpapasalamat sa nag-uumapaw na biyaya ng lungsod. Ang street dancing ay isang kumpetisyon sa pinakamagaling umindak , pinakamakulay at pinakamagarbong kasuotan at pinakamagaling sa pagpapakita ng kahulugan ng pagdiriwang sa kanilang sayaw.

35 of 49

Ano ang natutunan mo sa aralin?

Naibigay mo ba ng wasto ang mga kahulugan ng mga salitang pamilyar at di-kilala?

Paano/Ano ang iyong ginawa?

36 of 49

Pagtataya:

Ibigay ang kahulugan ng salita na may salungguhit. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

  1. Ang mga talipandas ay pumupunta sa handaan kahit hindi iniimbita.
  2. Ang mga may kapansanan ay may kakayahang maghanapbuhay.
  3. Dapat mabuhay ng may dignidad ang mga tao.
  4. Ang kahirapan ay hindi sagwil sa edukasyon..
  5. Ang buhay ng taong dakila ay magniningning sa lipunan.

37 of 49

Takdang –Aralin:

Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na mga salita.

1.bulwagan

2.dukha

3.natiktikan

4.sumiklab

5.tanyag

38 of 49

DAY 4

Balik - Aral:

Ano ang tinatawag nating pamilyar at di pamilyar ng mga salita? Magbigay ng mga halimbawa.

39 of 49

May narinig o nabasang kwento na ba kayo tungkol sa isang batang na ibinuwis ang buhay alang-alang sa kapwa?

Ang Bayaning Iskawt

Si ISKAWT ARIES CANOY ESPINOSA ay 13 taong gulang. Kasapi siya sa Kawan Blg. 60 sa ilalim ng pamamahala ng Paaralang Elementarya ng Rupagan, Lanao del Norte Council. Nabalita siya kaugnay ng isang malungkot na pangyayari noong Enero 30, 1994 Nangyari ito nang isang pangkat ng mga batang lalaki ang naglalaro ng Granada.

40 of 49

Walang kamalay-malay ang mga bata na ang pinaglalaruan nila ay sumasabog. Ito ay ginagawa nilang parang bola ng basketbol na isinu-shoot sa ring. Bumagsak ang Granada sa malapit sa ibang pangkat ng mga batang naglalaro ng goma. Naroroon sa di kalayuan si Iskawt Espinosa.

41 of 49

Mabilis niyang sinigawan ang pangkat ng mga batang lalaki, “Umalis kayo riyan, puputok iyan!” sabay takbo, papalapit sa Granada. Dumapa siya upang takpan ito ng kanyang katawan. Halos nagkasabay ang kanyang pagdapa at ang pagputok ng granada na siya niyang ikinamatay.

42 of 49

Ang mabilis na pagpapasya, pagmamalasakit sa kapwa, at mga pagsasanay na natutuhan ni Iskawt Espinosa sa Scouting ang nakatulong upang mailigtas ang maraming buhay.

Namatay siya nang wala sa panahon at lubhang napakataba pa upang ialay ang kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Nagampanan niya nang lubusan ang panunumpa at batas ng isang Iskawt na: “Tulungan ang kapwa sa lahat ng pagkakataon.”’

43 of 49

Isang pagpapakasakit sa sarili ang kanyang ginawa upang mabuhay lamang ang kanyang kapwa na siyang pinakamahalagang kasabihan sa larangan ng katapangan. Ito rin ang nagbibigay ng mahalagang katuparang nauukol sa kasabihan ng mga Iskawt, ang “LAGING HANDA.” Iyan si Iskawt Aris Canoy Espinosa, ang munting bayani..

44 of 49

Sagutin ang mga tanong:

  1. Sino ang itinuring na bayani?
  2. “Paano ipinakita ni Aries ang kanyang pagmamahal kapwa?
  3. Bakit niya dinapaan ang granada?
  4. Ano ang nagampanan niyang batas ng isang iskawt?

45 of 49

Basahin ang mga pangungusap. Talakayin ang sanhi at ang bunga.

  1. Sumigaw sya ng malakas kung kayat nakalayo kaagad ang mga batang naglalaro.
  2. Dumapa siya sa Granada kaya siya ang nasabugan nito.
  3. Marami ang naligtas dahil sa kanyang ginawa.
  4. Lahat ay humanga ng malaman nila ang kanyang kabayanihan.
  5. Nagpatatag ng loob ni Ari sang kanyang pagiging Iskawt.

46 of 49

May mga kwentong ang binibigyang-diin ay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.

Ang SANHI ay siyang dahilan ng pangyayari at BUNGA naman ay ang resulta o kinalabasan.

47 of 49

Halimbawa:

Pinanindigan ni Aris ang Panunumpa niya sa Scouting kaya iniligtas niya ang batang naglalaro.

Sanhi: Pinanindigan ni Aris ang panunumpa nya sa Scouting

Bunga: iniligtas nya sa kamatayan ang mga batang naglalaro.

48 of 49

Guhitan ang sanhi at bilugan ang bunga. Gawin ito sa manila paper. (Pangkatang Gawain)

1.Ipinapakasakit niya ang kanyang sarili upang mabuhay lamang ang kanyang kapwa.

2.Hindi alam ng mga bata ang panganib sa Granada kapag pinaglaruan nila ito.

3.Dahil sa alam ni Ari sang panganib, mabilis syang kumilos.

4.Hindi malilimot ang batang si Aris Espinosa sapagkat kahanga-hanga ang kanyang pagmamalasakit.

5. Nakatuon ang mga layunin ng mga iskawt sa paglilingkod kung kaya handa ila anumang oras.

49 of 49

Isulat sa inyong sagutang papel kung sanhi o bunga ang lipon ng mga salitang sinalungguhitan.

1. Ang mamatay sa sarili ay mabubuhay sa Diyos.

2. Sapagkat larawan ni Kristo ang ating mabuting pastol, lubos ang pananalig ko sa kanya.

3. Inialay nya ang kanyang sariling buhay upang tayo ay tubusin.

4. Para sa lugod at kabutihan ng minamahal Niyang kapwa, naglilingkod Siya sa kanila sa mumuting paraan.

5. Handa Siyang mamatay upang ikaw ay mabuhay.