EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6�PAGMAMAHAL SA BANSA AT PAKIKIBAHAGI SA PANDAIGDIGANG PAGKAKAISA�(YUNIT III)
MARLON C. LAUS
BULARIT ELEMENTARY SCHOOL
Gerona South District
Tarlac Province
Region III
ARALIN 9�MAPANAGUTANG PAMAMAHAYAG:�ISASABUHAY KO
Layunin ng aralin:
Sanggunian: Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6
PAMBUNGAD NA ARALIN
Ang pamamahayag ay isang estilo ng tuwirang pag-uulat ng kaganapan. Ito ay ginagamit upang ilarawan ang mga gawain mga pahayagan, mga palabas sa telebisyon, balita sa radyo at sa mga impormasyon sa magasin.
PAMBUNGAD NA ARALIN
Kadalasang mga pangkasalukuyang mga balita ang nakalimbag. Maaaring ito ay ang mga pangyayari sa pulitika, balita sa ibang bansa, kalakalan, kultura, palakasan at mga opinyon. Gamit ang mga makabagong teknolohiya, mas mabilis nang naipapabatid ang mga balita ng mga mamamahayag.
PAMBUNGAD NA ARALIN
Subalit, ang paggamit sa karapatan ng pagpapahayag ay nararapat na maging makatarungan at mapanagutan.
IHANDA NATIN
Isulat sa speech balloon kung ano ang iyong magiging reaksyon sa babasahing sanaysay tungkol sa “Araw ng mga Nagkakaisang Bansa.” Gawin ito sa isang malinis na papel.
ARAW NG MGA NAGKAKAISANG BANSA
Tuwing Buwang ng Oktubre, ipinagdiriwang sa aming paaralan ang Araw ng mga Nagkakaisang Bansa. Ipinakikita na ito ag pakikipagkaibigan natin sa iba’t-ibang bansa sa mundo.
ARAW NG MGA NAGKAKAISANG BANSA
Pagkakabuklod-buklod ang simbolo nito. Ang Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa ang nagbubuklod upang lubos na magkaunawaan at magkaisa ang mga bansa, Pagtutulungan ang pang layon nito.
ARAW NG MGA NAGKAKAISANG BANSA
Nagkakaroon ng iba’t-ibang palatuntunan sa aming paaralan katulad ng Quiz Bee, Flag Identification, Poster/Slogan Making, at siyempre ang pinakahihintay ng lahat ang parada ng mga naggagagandahang mga mag-aaral suot ang iba’t-ibang damit ng bansang nirerepresinta nila.
ARAW NG MGA NAGKAKAISANG BANSA
Isa rin sa napakasayang buwan ng pagdiriwang sa aming paaralan kung saan naipapakita ng batang katulad ko ang kanilang talento. Ganito rin ba kayo sa inyong paaralan?
MATUTO SA IBA
Itinuturing na isa ito sa pinakatanyag na talumpati ukol sa kalayaan noong ika-dalawampung siglo. Ibinigay ito ni Franklin D. Roosevelt nang magtalumpati siya noong Enero 6, 1941 sa kanyang State of the Union Address s Kongreso. Narito ang sipi ng salin ng mahahalagang bahagi ng kanyang talumpati.
ANG APAT NA KALAYAAN
Sa darating na panahon, na hinahangad natin na tayo ay maging ligtas, umaasa tayo sa isang mundong nakasalalay sa apat na mahahalagang kalayaan.
ANG APAT NA KALAYAAN
Ang una ay ang kalayaan na makapagsalita at nakapagpahayag.
ANG APAT NA KALAYAAN
Ang pangalawa ay ang kalayaan ng bawat tao na sumamba sa Diyos sa kanyang sariling pamamaraan – sa buong mundo.
ANG APAT NA KALAYAAN
Ang pangatlo ay ang kalayaan sa kakulangan – na inilalapat sa kalagayan ng buong mundo, na ang ibig sabihin ay ang pag-uunawang pang ekonomiya upang maging sagana ang bawat bansa, isang malusog at mapayapang buhay para sa kanilang mga mamamayan – sa lahat ng lugar sa buong mundo.
ANG APAT NA KALAYAAN
Ang pang-apat ay ang kalayaan mula sa takot – na kapag inilapat sa pangmundong kalagayan ay nangangahulugan ng pagbabawas ng mga sandata hanggang dumating sa puntong wala ng bansang malalagay sa posisyong may kakayahan siyang pisikal na mapang-api ng kanyang kalapit bansa, o kahit saan mang panig ng mundo.
ANG APAT NA KALAYAAN
Ang kakayanan ng isang taong gamitin ang kalayaan ay ginagabayan ng katalinuhan at may kakambal na pananagutan at limitasyon. Ang katalinuhan ay mabuting paghatol. Timutulungan tayo nitong gumawa ng matalinong pagpili na makabubuti para sa atin at sa ating kapwa.
ANG APAT NA KALAYAAN
Ang katalinuhan ay nagbibigay sa ating ng pagkakataong magamit ang mga mabubuting ugali – kung kailan o paano kikilos, paano titimbangin ang mga magagandang ugali, kung ito ay nagbibigay ng katalinuhan.
ANG APAT NA KALAYAAN
Ang kalayaan mismo natin ang tutulong upang tayo ay makapamili kung ano ang tunay na mahalaga sa buhay at mga kilos na bibigyan ng halaga.
ANG APAT NA KALAYAAN
Ang kalayaan ay kapangyarihan o kakayahang nakaugat sa katwiran at pagpapasiya kung kikilos o hindi upang gawin kung ano ang nararapat ayon sa pansariling pananagutan.
ANG APAT NA KALAYAAN
Ang pananagutan ay pagsasaalang-alang sa ibang tao at pagbibigay-pansin sa kanilang pangangailangan. Idinidiin nito ang positibong obligasyon upang pangalaagan ang bawat isa.
SAGUTIN:
Ano ang ibig sabihin ng pahayag na, “Ang Kalayaan ay may kakambal na Pananagutan?”
ANG MAPANAGUTANG PAMAMAHAYAG
Ang pamamahayag gamit ang iba’t-ibang kaparaanan ay komunikasyon, subalit ang paglalathala, pahsusuri at paghahabi ng mga salita, maging pasulat o pasalita, ay kailangang pagtuunan ng pansin ang naglalathala. Ang binibitawang salita ay maaaring makabuo o makasira ng sangkatauhan o sandaigdigan.
ANG MAPANAGUTANG PAMAMAHAYAG
1. Ang katotohanang impormasyon - Mahalagang tiyaking totoo ang nakuhang impormasyon. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa sinulat at pagtatanong sa kinauukulan.
ANG MAPANAGUTANG PAMAMAHAYAG
2. Ang taong pinanggagalingan ng impormasyon – Hindi maikakaila ang kahalagahan ng pinanggalingan ng impormasyon. Ang pinanggagalingan ay dapat na may kinalaman sa mga pangyayari, may sapat na kaalaman, o kaya’y may opisyal na katungkulan.
ANG MAPANAGUTANG PAMAMAHAYAG
3. Pamantayan o antas ng wikang ginagamit – Ang sukatan ng mabisang pakikipagtalastasan ay pagkakaunawaan. Mas mainam kung ang impormasyon ay ilalahad sa simpleng wika.
ANG MAPANAGUTANG PAMAMAHAYAG
4. Daluyan ng komunikasyon – Dapat ay bigyang pansin kung paano pararatingin ang impormasyon. Maaaring ito ay pasulat o pasalita, sa pamamagitan ng telebisyon, radyo, dyaryo o sa internet.
ANG MAPANAGUTANG PAMAMAHAYAG
5. Layunin sa pakikipagtalastasan o paglalathala – Dapat ay maging malinaw ang layunin ng pakikipagtalastasan. Halimbawa, kung ang layunin mo ay magbalita, tiyaking balita lamang ang iyong ihahatid at hindi pumuna o pagbibigay-opinyon.
GAWIN ANG TAMA
A. TAMA o MALI. Basahin ang mga pangungusao sa ibaba. Gamitin ang isang buong papel sa pagsagot sa mga ito. Kung sa tingin mo ay mali ang pangungusap, piliin at isulat ang salita o pariralang sahmhi ng maling ideya.
1. Maging bukas ang isipan at kamalayan sa mga suliranin pambansa o padaigdigan upang matiyak ang mga datos na isusulat.
2. Maaaring sa internet lang maghanap ng datos sa paksang isusulat.
3. Dapat pagtawanan at humingi na lamang na paumanhin kung may maling naiulat sa radyo o dyaryo.
4. Laging pumili ng balita tungkol sa corruption para maging mabili ang dyaryo.
6. Laging isa-isip na dapat balanse lamang ang pananaw ng isang mamahayag.
5. Upang lumawak ang pananaw ng mamahayag, makipag-ugnayan sa kapwa manunulat sa iba’t-ibang panigh ng mundo.
7. Dapat sumunod ang mamahayag sa Code of Ethics ng propesyon nila.
8. Ang paggalang sa opinyon ng iba ay mahalagang katangian ng isang mamamahayag.
9. Hindi dapat mag-ulat ng ikakasira ng tauhan ng pamahalaan kahit na ito ay totoo.
10. Iwasan lamang ang mag-ulat sa mga nagbabanta sa iyong buhay.
GAWIN ANG TAMA
B. Anong antas ang maibibigay mo sa iyong sariling pagpapahalaga patungkol sa katapatan sa pagpapahayag ng opinyon, ideya o saloobin sa iba’t-ibang pagkakataon at iba’t-ibang tao? Kopyahin sa kuwaderno ang talaan sa ibaba. Lagyan ng tsek (✔) ang hanay ng iyong sagot.
1 – Madalang na madalang 3 – Madalas
2 – Paminsan-minsan 4 – Sa lahat ng pagkakataon
| 1 | 2 | 3 | 4 |
1. Magulang | | | | |
2. Guro | | | | |
3. Matalik na kaibigin | | | | |
4. Mga kamag-aral | | | | |
5. Kakilala | | | | |
6. Kapitbahay | | | | |
7. Kamag-anak | | | | |
8. Di-kakilala | | | | |
GAWIN ANG TAMA
C. Ilista ang pangkat na mga taong binigyan mo ng markang 1 sa pagpapahayag mo ng katapatan sa kanila. Magbigay ka ng limang paraan upang mapaunlad ito. Kung wala naman, piliin mo ang minamarkahan ng 5 at sumulat ng isang talata kung paano mo ito mapananatili sa iyong pagtanda. Maging handa sa pag-uulat ng iyong plano sa klase.