PAGTATAYA NG KABUTIHAN O KASAMAAN NG KILOS O PASYA
Si Mang Philip ay matulungin sa kaniyang mga kapitbahay. Lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, ang perang ibinibigay niya sa mga ito ay buhat sa masamang paraan.
SITWASYON 1
Habang nasa loob ng simbahan siRiz at Lai ay pinag-uusapan nila ang kanilang kamag-aral na di umano pumasok sa isang ipinagbabawal na relasyon.
SITWASYON 2
Nais ni Ann Ruby na matulungan ang kaniyang kamag-aral na pumasa. Dahil dito, pinakopya niya ito sa kanilang pagsusulit.
SITWASYON 3
Ang Makataong Kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nasasalamin ang ating pagkatao. Kung ano tayo at kung ano ang kalalabasan ng ating kilos ay batay sa ating pagpapasya.
Sa etika ni Sto. Tomas de Aquino, ang Moral na Kilos ay ang makataong kilos sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.
1. Ang panloob na kilos ay nagmumula sa isip at kilos-loob.
2. Ang panlabas na kilos ay ang pamamaraan na ginagamit upang maisakatuparan ang panloob na kilos.
DALAWANG URI NG KILOS:
May mga salik na nakaaapekto sa resulta ng kilos, kung ito ay maituturing na mabuti o masama. Ang mga ito ang batayan sa paghuhusga kung ang kilos ay moral o hindi.
1. LAYUNIN.
Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob. Ito rin ay tumutukoy sa taong gumagawa ng kilos (doer); hindi ito nakikita o nalalaman ng ibang tao dahil ito ay personal sa taong gumagawa ng kilos. Ito ang pinakalayunin o pinatutunguhan ng kilos.
2. PARAAN.
Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may nararapat na obheto o pakay ang kilos (appropriate object of the act).
3. SIRKUMSTANSIYA.
Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
SINO?
Ito ang tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos o sa taong maaaring maapektuhan ng kilos.
Halimbawa. Napadaan si Vene sa isang kanto na may pulubing bulag na nanghihingi ng barya, subalit sa halip na bigyan niya lamang ito ng barya ay pinakain niya ito sa isang restoran o kainan. Binilhan niya pa ito ng mga damit at inigyan ng matitirhan. Mabuti ba ang ginawang kilos ni Vene? Bakit?
ANO?
Ito ang tumutukoy sa mismong kilos, gaano ito kalaki o kabigat.
Halimbawa. Gamit pa rin ang naunang halimbawa, maaaring ang pagpakain at pagbigay ng mga damit at matirhan ni Vene sa pulubi ay higit sa inaasahan sa kanya. Kung ikaw ang tatanungin, nadagdagan ba o nabawasan ang mabuting kilos ni Vene?
SAAN?
Ito ang tumutukoy sa lugar kung saan ginagawa ang kilos.
Halimbawa. Si Anna at Ruth ay nag-titsismisan sa loob ng simbahan habang nagsisimba.
PAANO?
Ito ay tumutukoy sa paraan kung paano isinagawa ang kilos.
Halimbawa. Si Lay ay isang doktor. Noong nagkapandemya ay hindi niya inalintana ang panganib na maaring mahawa siya ng sakit. Bagkus, mas lalo siyang naging masigasig sa pagsisilbi ng buong puso at pagmamahal sa kanyang mga pasyente.
KAILAN?
Ito ay tumutukoy kung kailan isasagawa ang kilos.
Halimbawa. Nasunugan ang isang pamilya sa lugar nina Vilma. Sa halip na tulungan niya ang mga ito, sinamantala niya ang pagkakataon upang makapagnakaw sa pamilya. Ano ang masasabi mo sa kilos ni Vilma?
RBB Q2:TASK3
Pumili at magsumite ng isang post o naging “MyDay” o “MyStory” (picture or screen shot) sa iyong social media account. Maari ring iguhit, ipaliwanag o i-print ang naturang post. Pagkatapos ay sagutan ang mga tanong sa ibaba.
1. Ano ang masasabi mo sa iyong kilos? Mabuti ba ito o masama? Patunayan.
2. Ano ang iyong napagtanto matapos mong gawin ang gawain?
3. Naging masaya ka ba o hindi? Ipaliwanag.
4. Paano nakatutulong sa iyo ang pagsusuri ng kilos bago ito isagawa.